18

38 2 0
                                    

Cassandra Lee:

Pumasok si kuya sa kwarto. "Ang ganda naman ng kapatid ko!"ngiti niya. "Pangit ka kasi'tawa ko. Nakapag-ayos na kasi ako. Light make-up lang, yung babagay sa okasyon. Grabe naman kung dark, ang O.A. Pero alam kung hindi magpapahuli ang mga ibang chipipay na gragraduate.

"Tara na?"ngiti ni kuya. Tumango ako. Ihahatid ako ni kuya ngayon. Sayang at wala si Mom and Dad. Dagdag pa yang si Matt. Kanina ko pa kinocontact hindi sumasagot. Pati mga text ko di siniseen. Anyare dun? Tulog parin ba kaya siya? Diba sabi niya huwag magpupuyat? Aba ibang klasi rin tong si Matt eh.

"Alam ko namang hahabol si Mom and Dad"ngiti niya. "Syempre naman kuya"bulong ko. Ang sakit lang talaga, napaasa ako ng sobra. At mula pa sa parents ko. Nauso pa kasi yang canceled flight eh, chos. Tinignan ko sarili ko sa salamin. Bakit bigla akong kinabahan? Tinignan ko agad yung phone ko at tinignan ang inbox ni Matt saken. Wala paring reply or ni kahit seen. Wala.

"Inaalala mo na naman si Matt? Andoon lang yun"tawa ni kuya. Sana nga nandoon siya. Ayoko siya mawala sa event na yun. Dahil dun namin matatawag ang tunay naming goals.

Pagdating sa school nandoon na silang lahat, maliban kay Matt. "Asaan si Matt?"tanong ni Shiena. "Tawagan ko?"suggest ni Shemah. "Hindi siya sumasagot sa tawag, hayaan niyo, dadating yun"ngiti ko. Pero deep inside kinakabahan na ako.

Bakit di siya nagrereply? Ni-kahit seen? Bat di niya sinasagot tawag ko? "Cassandra tinatawag ka daw"bulong ni Zeno. Tumango lang ako. Pagpasok ko doon sa room, hinanap ko agad siya. Wala pa daw. Hindi nga rin daw sumasagot sa tawag. "Anong oras niyo tinawagan?"pagtatanong ko. "Ngayon lang"sagot ng isa kong classmate.

Asaan ba siya? "Cassandra? Pinapatawag ka ni Ma'am Chi sa office niya"ngiti ni Shiena. Tumango ako at pumunta sa office ni ma'am. Sana wala siyang ipagawa para mapuntahan ko bahay nila Matt. Alam kong nandoon siya.

"Yes po?"ngiti ko. "Darling, may ipapagawa ako sayo, pakihanap nga ng usb ko" Napangaga nalang ako at ngumiti bigla. Diba sabi ko wala? Bakit meron!? Kinakabahan ako. Asaan ba si Matt!? Urgh! Aawayin ko talaga siya!

Tumango lang ako at ginawa ang pinapagawa niya. Habang ginagawa ko yung utos ni Ma'am Chi, hindi mawala sa isip ko kung nasaan si Matt. Di kaya? May nangyari sa kanya kagabi nung umuwi siya pagkatapos akong ihatid? Napahawak ako sa dibdib ko bigla. "Nahanap mo na?"tanong ni Ma'am Chi. Humindi nalang ako at nagpatuloy sa paghahanap. After 3 minutes nahanap ko na. Nagpasalamat siya at umalis agad ako ng office niya. Paglabas ko nagaantay si kuya. "Antagal mo ah? Start na"ngiti niya. Lumabas si Ma'am Chi at sinabay ako papunta sa court. Simula na, wala parin siya. Sisigawan ko sana si kuya nang biglang hinila ako ni Sir Huang. Ang gwapo talaga ni Sir. "Start na miss"ngiti niya. Napangiti nalang ako at kinilig. Bakit kaya ang gwagwapo ng P.E teachers namin? Umupo nalang ako sa assigned seat ko. Asaan na ba siya?

Antagal ng ibang chuchu sa program. Pero meaningful para sa'kin. Napatingin ako sa likod at nagsign kay Lennar. Wala parin daw.

"Now, lets announce the most top outstanding students for our school year!"

Ito na. Tumayo kami, tinignan ko ng mabuti yung paligid. Wala parin siya. Pati pa naman siya wala? Naiiyak nalang ako. Di ko alam. Mix emotions. Ngumiti ako sa mga kaklase ko. Ang supportive nila kahit na andaming nangyari sa'ming lahat. Mamimiss ko lang talaga yung batch namin. After 7 minutes....

"Lets now call! Our valedictorian of our school year! Ms. Cassandra Lee!"

Nagtaas ng banner sila Bea, Shemah, Maylin at Jennie and Cherry and Shiena. Porket tapos na kayo sa high school hah! Sigaw ng sigaw naman sila JN, Jin, Rein, Axel at Zeno. Ngumiti ako at tumapat sa mic. "Lets hear her speech"

Tinignan ko muna yung buong paligid. Napabuntong hininga ako at rinig sa mic. Nagtawanan sila pero naiiyak narin. Tumulo na luha ko.

"Mula sa pagiging isang simpleng babae, hanggang sa naging komplikado ang buhay ko, at hanggang sa naabot ko tagumpay ko, anjaan kayo, alam kong madaming di pagkakaintindihan pero, iba parin talaga kasi, mamimiss mo parin kahit sawa ka na sa mukha nila, maiiyak ka nalang dahil di mo alam kung magkikita pa ba kayo ulit, nagpapasalamat ako sa inyong lahat, lalo na sa mga kaibigan ko at classmates ko..."

Napatigil ako, nagulat ako ng may dumadaan sa likod. Matt? Mom? Dad?

**********************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now