12

57 2 2
                                    

Cassandra Lee:

10:35 pm.

Naisipan kong pumunta sa kalapit na park. Gusto ko lang naman makalanghap ng hangin. Hindi inaasahan ang pagtulong ni Wendy. Pero kinakabahan parin ako. Ganon din ang iba sa'min. Lalo na si Shiena.

"Excuse me?"

Napatingin ako sa lalaking nakamask. Tumibok ng mabilis puso ko. Siya yung lalaki na nakita ko sa 7/11. Yung lalaking kaparehas ng mata ni.....

"K-kuya?"

Tinanggal niya mask niya at ngumiti. Bumuhos lahat ng luha ko at niyakap siya. Umiyak din siya. Si Harold Lee ang nasa harap ko ngayon, ang lalaking nawala sa buhay namin, ngunit ngayon ay nagbabalik, ang pinakamamahal kong kuya.

"Ang laki mo na"ngiti niya. "Kuya, ba't mo kami iniwan?"iyak ko. "Kailangan baby"bulong niya. Hinalikan niya noo ko. "Ang importante, magkasama na tayo"

I miss his kiss. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayoko ng kumalas. "Hindi to panaginip diba?"tanong ko. Tumawa lang siya at kiniss ng paulit-ulit yung cheeks ko. "Sayang at hindi kita nakitang lumalaki"tawa niya.

After a long talk. Naglakad na kami. Pasan-pasan niya ako sa likod niya. "Kuya, nararamdaman mo ba yung pag-iyak ko kahit na magkalayo tayo?" Tumango siya. "Alam kong nasasaktan ka"bulong niya. Napayakap ako sa kanya. "Wag mo na ako iiwan kuya huh?"

Hindi siya sumagot. "Kuya"tuloy ko. Tumango siya at tumawa. Dumiretso kami sa kotse niya. "Matutuwa sila yaya"ngiti ko. "Talaga"

**********************
"Harold!?"

Sigaw ng isang pinakamatandang yaya sa lahat. "Yaya Ching!"ngiti ni Harold at niyakap siya. Ngayon alam ko na yung pangalan. Andami kasi nila eh. "Ang laki-laki na ng bebe ko!"iyak ni yaya Ching. "Yaya naman eh, gutom na ako"tawa ni kuya habang pinupunasan luha niya. Ang gwapo ni kuya. Kung hindi ko lang siya kapatid, nako.

Ngayon, kasama ko ang kuya ko sa pagkain. Hindi na ako nagiisa. Tumulo ulit luha ko. Asar naman. "Okay na ang lahat baby"ngiti niya. Hinawakan ko kamay niya. "Hindi to panaginip diba?"ngiti ko rin. Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Ma'am, si Sir Matt po"

"Excuse me kuya"sambit ko sabay tayo. Pumunta ako sa gate at nakita ang nag-aalalang Matt. Pagkabukas ko ng gate niyakap niya agad ako. "Eh?" Niyakap niya ako ng mas mahigpit. "Wag ka lalabas ng mag-isa huh? Kinakabahan ako eh"bulong niya. Napatawa ako.

"Nahanap ko na si Kuya, pero yung way na siya ang nakahanap sa'kin" Kumalas siya at tinignan ako sa mata. Tumango ako. Hinila ko siya sa loob ng bahay papunta sa kusina.

"Oh, boyfriend mo?"ngisi ni Kuya. I nodded. Nag-bow si Matt. "Matt Cruz po, loyal na boyfriend ng prinsesa mong kapatid"ngiti niya. Kinilig ako ng unti. "Ilang months na kayo?"tanong niya bigla. Ay sht. Nagtinginan kami. "Di-di uso sa'min yun"tawa ko. Pero ang totoo di namin alam. Aigoo.

"Ah, naalala ko bigla, naging kayo ni Maylin diba?"tanong ko. Tumango siya. Alam narin ni Matt 'to dahil nandun din siya. "Iniwan ko siya kasi alam kong may mas deserving pa kesa sa'kin"ngiti niya. "Paraya ganon?"tawa ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Sa gwapo mong yan, mas makakahanap ka pa ng mas maganda kay Maylin"tawa ko. "Sumbong kita"tawa ni Matt sabay upo.

Suguro, ito na ang bagong simula para sa'min. Ngayon na magiging buo na kami, ulit.

****************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now