3

216 8 0
                                    

Unknown POV:

Buti nalang at nakabalik ako sa unit ko ng ligtas. Masaya na ako, na makita ang campus na pinag-aaralan niya. Kamusta na kaya ang mahal ko? Mahal niya pa barin ba ako? Pwes ako oo, sorba, 101% pa.

Biglang nanaig ang takot kong nadadama. Nasundan kaya nila ako?

***************
Shiena Brosto:

"Sino ba talaga si Wendy?"

Nagulat ako sa tanong niya. "Kaibigan ko"sagot ko. "Akala ko yung may burger"tawa niya. Tinarayan ko siya pero nagulat ako ng bigla siyang tumigil kakatawa.

"May nangyari ba ulit?" Napatingin ako sa kanya. "Anong nangyari ulit?"tanong ko. "Bumalik kasi siya"bulong niya. "Porket bumalik siya may gagawin agad siy-" "Alam kong meron, may nagsabi sa'kin na hinahanap niya si Cassandra"

Binaba ko yung kutsara. "Namiss niya lang tayo"ngiti ko. "Sana"bulong niya. Binuksan niya bibig niya, "Oh bakit?"tawa ko. "Yung soup~ dali nangangawit na ako" Pinitik ko noo niya. Bakit kaya siya bumalik?

*************
Cassandra Lee:

"Mwo?"

Nagulat ako nang dumating si Maylin na tumatawa. Grabe talaga to, pati tuloy si Shemah nahihiya sa kanya eh. "Hinaan mo nga tawa mo Maylin!"saway ni Shemah. "Tangek kasi may nadulas sa canteen"tawa ni Maylin. Natawa pa siya huh?

"Eh paano kung ikaw yung nadulas huh? Siguradong vivideohan ka namin"ngisi ko. Dumating si Rein, Jin at Matt. "Kontrolin mo nga'tong gf mo Rein!" Natawa kami sa sinabi ni Shemah.

"Uy nabalitaan niyo yung Train to Busan? Tara nood tayo!"excited kong sinabi. "Oo nga! Tara!"sabay naman sila ni Maylin at Shemah. "Tsaka na pag-free ang lahat"ngiti ni Jin. "Aish"sabay-sabay naming nasabi. Binuhat ni Matt yung bag ko. "Alis na kami"ngiti niya. Geth ko na agad yung ngiti niya. Tumayo nalang ako at sumunod sa kanya.

"Bumalik na si Wendy" Napatingin ako sa kanya. "Weh? Kailan? Omo"ngiti ko. "Wag ka matuwa, hinahanap ka niya" Kinabahan ako. "Baka namimiss niya lang ako?"pagpupumilit ko. "Basta wag ka laging mag-isa"sabi niya sabay hawak sa kamay ko. "Natatakot ako"tuloy niya.
Niyakap ko braso niya, "Bakit ka naman natatakot? Pshh, saan tayo pupunta?"ngiti ko. "Sumunod ka nalang"tawa niya. Aigoo.

*****************
"Bakit tayo nandito?"

Napatingin ako sa bahay nila. "Handa ka na ba?"ngisi niya. "Ano to? Rated K!?"tawa ko. Hinila niya ako sa malaking bahay nila. Wah, ang linis. Tulad ng amin wahaha.

"Mami? Papi?"sigaw niya. Lumabas bigla Mom niya. Napangiti siya nung nakita niya ako. "Siya ba si Cassandra?"ngiti ni Daddy niya na galing sa kusina.

"Yes Papi, meet my girl, and your daughter-in-law to be, Cassandra Lee"

Shocks! Hindi ako planado para dito! Sana sinabi niya diba? Edi sana nakapabango pa ako bago kami pumunta dito. "Hi po"ngiti ko sabay bow. "Ang ganda niya nga anak, halika kain muna tayo"ngiti ng Mommy niya at sabay kapit sa'kin. "Mami"tawa ni Matt.

"Tawagin mo nalang din akong Mami, at siya ay Papi"ngiti ng Mom niya. "Sige po, Mami"tawa ko ng unti. "I never thought na ang ganda niya sobra"sabi ni Papi. Grabe, over huh? Napatingin ako kay Matt. "Wag mo nga sabihin Papi"tawa niya. Aish.

Ngumiti nalang ako sa parents niya. And oh my gash, legal na kami, sa side niya.

*************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now