7

79 3 0
                                    

Lennar Kim:

Hinayaan ko nalang siyang sumigaw sa likod ko.

Bigla ko nalang naisip yung tanong na, 'Hindi ba ako, napapagod?' Sinabay ko nalang sa ulan yung mga luha ko.

Hoy tadhana, hindi ka ba napapagod na makita akong nasasaktan at umiiyak? Ah oo nga pala, sanay ka na. Paano naman ako? Hindi. Ayoko nang madama 'to. Pagod na 'kong masaktan. Akala ko panalo na ako. Akala lang yun hindi mangyayari.

"May pagkukulang ba ako? Inantay kita, tinulungan kita, pero bakit siya parin? Sasabihin mong kaibigan? Hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kong itago ang sakit na nararamdaman ko"bulong ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa sakayan ng bus, tumawag si...Axel. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sigh.

"Hello hyung?"

"Kasama mo ba si Bea?"

"Kasama mo siya diba?"

"Hindi! Nawawala si Bea!"

"Baka nakasakay na agad ng bus pauwi, talo mo pa ang bf kung mag-alala huh?"

"Hindi eh! May narinig kasi akong bumagsak, sinundan ko yung tunog tapos nakita ko yung bracelet na binigay mo sa kanya"

"Sige-sige, I'll find my girl"

Pinutol ko yung tawag. Pati regalo ko alam mo hyung ah? Napaghahalataan kita. Agad akong pumunta pabalik sa lugar na dinaanan ko.

"Bea!"sigaw ko. Ngayon pinagsisihan ko kung bakit ko siya iniwang umiiyak. Bobo! Tanga! Inuti-

Beep.Beep.

Napatingin ako kay Matt. "Nakahanap mo na?"tanong niya. I shook my head. "Sige hyung, maghahanap muna kami"sabi niya sabay alis. Alam na 'to ng lahat.

Pagdating ko sa isang eskenita, nakita ko si Axel. Di ko alam pero biglang nag boil yung init ng ulo ko sa kanya. Agad ko siyang sinapak.

"Ano pa ba kasing kailangan mo kay Bea hyung!?"sigaw ko. Hindi siya sumagot. Sinapak ko ulit siya. "Ano!?" Umiyak lang din siya. Tinulak ko siya. "Hyung! May Jennie ka na at may Lennar na si Bea! Hyung! Okay na ang lahat eh! Ano bang gusto mong kalkalin!"asar kong sinigaw.

"TINATANONG KO KUNG MAHAL NIYA PA BA RIN BA AKO! BAWAL BA LENNAR!?"

Aba. Sinapak ko ulit siya. "OO BAWAL DAHIL MAY NASISIRA KANG RELASYON! WAG KANG GUMITNA! SI JENNIE ANG PARA SAYO!"

Nagring phone ko. Si Zeno.

"Nasa Myungsei Hospital siya"

"Geh, otw na ako"

Pagkatapos ng tawag, binulungan ko muna si Axel. "Matuto kang mag-move on"

****************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now