6

111 3 0
                                    

Bea Mendez:

"Axel ano ba! Bitawan mo nga ako!"

Napasigaw ako nang hilain niya ako papunta sa tahimik na kalsada. Kamalasan kasi, nakita niya ako sa 7/11. Binitawan niya ko.

"Bakit ba ganyan ka?"

Napakumot yung noo. "Anong ganito ako?" Hinila niya buhok niya. "Bea! Inaalala ko si Jennie! Iba ang feeling niya sayo! Takot siya sayo at naaawkward siya sayo!" Nasaktan ako. "Ako sinisisi mo? Kinausap mo ba siya? Huh!"sagot ko. Tumutulo na luha ko. "Bakit mo sinasabi sa'kin to huh? Gusto mong dumistansya ako!? Ako ang magaadjust para sa inyo!? Aba! Ikaw nga dapat ang mag-adjust eh!"sigaw ko.

Humagulgol ako sa harap niya. Tinignan niya lang ako. "Eh bakit pilit ngiti mo?" And this is it.

"Kasi nasasaktan ako! Tinago mo'ko! Hindi mo'ko pinakilala sa kanila! Ang swerte ni Jennie kasi naranasan niya yun sayo! Yun lang Axel! Di ko alam kung bakit tinago mo ako! Hindi mo'ko nagawang ipagtanggol ng tulad sa ngayon! Nung hinabol ako ng malandi mong stalker, pinagtanggol mo'ko? Hindi! Sinabi mo lang na hayaan ko kahit nasasaktan na ako! Pero si Jennie? Wala nga akong ginagawa sa kanya eh! Ang sakit lang Axel Jung! Minahal kita! Pero naasar ako dahil di ko nadama ang pagmamahal na hiningi ko sayo noon! At syempre hindi mawawala ang unting pagmamahal na natira ko sayo bilan-"

Sasagot sana siya nang....

"Bea?"

Napatingin kami kay Lennar. Pinunasan ko agad luha ko at ngumiti. "Lennar"ngiti ko. Pinilit niya ngiti niya. "Nakakaistorbo ata ako, aalis nalang ako"bulong niya sabay talikod. "Lennar!"

Hindi niya ako pinansin. Tinignan ko ng masama si Axel. Sinundan ko si Lennar.

"Lennar!"

Hindi parin siya tumigil. Hinila ko siya. "Pagod ka na ba?"tanong niya. Hindi ako sumagot. "Kasi ako parang oo"tuloy niya. "Lennar, ang pagmamahal na'yun ay bilang kaibi-"

"Kaibigan?"

Umiyak nalang ulit ako sa harap niya. "Bibitaw ka na ba?" Tumulo yung luha niya. "Hindi ko alam Bea, sayo ko malalaman ang sagot"sagot niya sabay alis.

"Lennar!"sigaw ko. Napaluhod nalang ako at napahagulgol. "I'm so sorry Lennar, pero paniwalaan mo'ko, mahal na mahal kita"bulong ko. Biglang bumuhos yung malakas na ulan.

Pagkatayo ko nasa likod ko si Axel. "Kasalanan mo'to! Kung hindi mo'ko hinila, hindi mangyayari 'to! Dahil sayo mawawala ang taong mahal ko! Anong gagawin mo pag-nawalan ako? Diba wala!? Kasi ikaw anjaan parin yung sayo!"sigaw ko sabay sampal sa kanya. "May Jennie ka na, matuto kang makuntento at mag-move on!" Nagpatuloy akong maglakad sa ulan.

"Hindi ko alam Bea, sayo ko malalaman ang sagot"

Napayuko nalang ako. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Lennar...Lennar....

".....Wendy?"

bogsh.

*******************
Cassandra Lee:

Binuksan ko yung ice cream. Mmm! Cookies ang crea-

"Ah!"napatili ako nung pumasok si Matt sa kwarto ko. Nakita ko siyang nagblush. Agad siyang pumunta sa aircon at pinatay to. "Luh!?"sigaw ko. "Magbihis ka muna Cassy!"sagot niya. Napangiti nalang ako at nagbihis sa dressing room ko. Paglabas ko kinakain niya ice cream ko.

"Hoy!"sigaw ko at agad nilusob siya. "Akin lang ang asawa ko!"tawa ko. Napatigil siya. "Asawa mo'tong cookies and cream? Yuck kinakain mo asawa mo sa harap ng future mo"asar niya. "Heh!" Agad kong sinubo yung kutsara na may ice cream.

"Ikaw!" Aagawin niya sana pero nilakihan ko siya ng mata. "Oh ayan na po oh"ngisi niya sabay bigay sa'kin. Nagbukas nalang siya ng rocky road. Biglang nag-ring phone niya.

"Huh!? Si Bea nawawala!?"

Na-alarma ako. Sht. Binaba niya agad yung phone niya at hinila ako palabas ng kwarto. "Teka! Iexplain mo muna sa'kin!"sigaw ko pababa ng hagdan.

"Sa kotse nalang! We need to find Bea first!"sagot niya. "Ano ba nangyayari!?" Tumingin siya sa'kin. Napatigil kami. After 3 seconds, binuhat niya ako bridal style. "H-huy!"sigaw ko. "Ang bagal mo eh! Sabing sa kotse nalang ako mageexplain eh!"

Kahit na ganito ang scene namin, kinakabahan parin ako. Argh! Ano bang nangyayari!?

*****************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now