34

193 5 2
                                    

Cassandra Lee:

"Welcome back!"

Sakto pagkatanggal ni Matt ng blindfold nandoon silang lahat. Naiyak nalang ako. Gaano ba ako katagal nawala?

Nakita kong umiiyak sila Shiena, Bea, Maylin, Jennie, Shemah at Cherry. Niyakap ko sila. Namiss ko sila.

Ngayon, alam kong wala nang kulang sa buhay ko. Naging okay narin si Kuya at si Max. Alam na ni Max na buhay si Ash at nagsorry sila sa isat-isa.

Si Ash? Ayun, chatchat lang. Pero friends kami. Okay na ang lahat.

Kami talaga ni Matt ang plano ng tadhana. Tignan mo nga naman? Nangyari na ang pinakamabigat na pagsubok at kami parin diba? Thank you po tadhana and God.

"Antagal ko bang nawala? Magkwento nalang kayo"tawa ko. "Muntik nang magpakamatay si Matt"sambit ni Lennar. Napatingin ako kay Matt. "Joke!"tawa ni Lennar. Binato ko yung grape sa kanya. Asar tong elyen na'to.

"Kayo at kayo parin no?"ngiting bigkas ni Shiena. Hinawakan ni Matt kamay ko. "Kasalan na ba?" Pinalo ko agad balikat niya. "Yieeee! Kasalan na daw Harold oh!"sigaw ni Maylin. Napatahimik kami at tumingin sa kanilang dalawa. "Yiiieee"bulong ko. Siniko ako ni Matt. "Kay Jinmylabs lang ako heh"tawa ni Maylin para matapos ang katahimikan. Nagtawanan nalang kaming lahat.

After ng cellebration, dumiretso kami ni Matt sa bago niyang Condo Unit. Richkid talaga to.

Umupo ako sa sofa. "Lambot ah"tawa ko. Umupo rin siya. "Dito na tayo titira" Napatingin ako sa kanya. "9 months ko tong inipon no, galing ng baby Matt mo no?"tawa niya. "Tch, sayang pera"joke ko. "Dapat pinakain mo nalang saken eh, chos"tawa ko.

Tumayo siya sa sofa at dumiretso sa kusina. Pagbalik niya may dala na siyang cake.

"Sweet naman"tawa ko. "Dapat kasi patong-patong yung cake eh, kaso baka hindi ko mabuhat,maging maliit pa ako tulad ni JN, sa kasal nalang natin yun"tawa niya. "Bubuhayin mo'ko huh?"tawa ko.

"Hmm, ano kaya magiging pangalan ng anak naten? Sino kaya magiging kamukha niya?"

Natawa ako at kinilig sa sinabi niya. "Lalaki ba ang una?"ngiti ko sabay hawak sa both cheeks niya. "Syempre, mamanahin niya ang kagwapuhan ko"sambit niya. "At pati katarantaduhan"tawa ko. "Syempre kamukha niya ako"

"Hindi, ako ang kamukha niya"sagot niya. I pinched his nose. "Pangalan?"ngiti ko. "Matt the second" Pinalo ko noo niya. "Epal"tawa ko. Nanahimik siya. Pinalo ko ulit noo niya.

"Pinagiisipan mo talaga!"

"Paano kaya kung ipagsama naten pangalan naten?"sabi niya. Tinignan ko lang siya. Baka mamaya hindi ko na kayanin ang kilig na nadarama ko. Lelz.

"Cama?"patawa kong tanong.

Tinignan niya ako at ngumisi. "Kama ba gusto mo? Ikaw pala ang nagmamadali eh"ngisi niya. "Hoy! Pinagsama ko lang pangalan naten!"tawa ko.

Dahan-dahan niya akong hiniga sa sofa. Nagkatitigan lang kami. "Mabilis lang ang panahon, magulat ka, bukas kasal na tayo, at sa susunod na bukas, ikaw na ang ina ng anak ko, madami pwedeng mangyari kahit mabilis lang yun, may mga hindi ka maaalala, may mga maaalala ka, pero ang higit sa lahat, nararamdaman mong hindi nagbabago ang pag-ibig ko sayo"

Tumulo luha ko sa mga salitang sinabi niya. "Sa mabilis na panahon na ito, madaming nangyari saten, pero mabilis tayong ipinagbalik ni tadhana" Pinunasan niya luha ko. "Hindi nga kinaya ni tadhana na ilayo tayo ng isang taon eh"tawa niya. Napangiti nalang ako at pinunasan ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Maasahan mo'ko sa tabi mo kapag nanganganak ka"tawa niya. Pinalo ko dibdib niya. "Drama mo!"tawa ko. He leaned his face closer. Biglang pumutok yung mga fireworks sa labas.

"Nakalimutan ko yung isa ko pang surprise potek"tawa niya. Pumunta kami sa bintana. He hugged me tight. Ang cute ng fireworks.

"Ang mahal kaya niyan"tawa niya. "Bakit kasi may ganyan pa?"tanong ko. "Kasi mahal kita yiieee"tawa niya ulit. I pinched his nose again at nagyakapan ulit kami. "Ako na ang pinakaswerteng lalaki buong mundo dahil sayo" Tinignan ko siya. "Dahil you make me feel special tulad ng pinapadama ko sayo, your the perfect piece for me, ikaw ang nawawalang parte ng buhay ko" Ngumiti ako sa kanya. "Habang magkahiwalay tayo? Doon ko naramdaman na kulang ako pagwala ka, hinahanap ko araw-araw kung ano yun, ikaw lang pala, ikaw at ang pagkacornick mo"tawa ko. He hugged me. "Just like the puzzle, hindi ka titigil hanggat alam mong may kulang, hahanap-hanapin mo para maging buo, parang tayo, ang tagal nating hinanap ang isat-isa" I giggled. He kissed my forehead. "You make me so special Matt, walang makakapantay nun, kahit balik-baliktarin mo pa ang mundo, ikaw at ikaw parin ang hahanapin ko"bulong ko. "Same for me, alam kong tayo at tayo parin"ngiti niya.

Nakakakilig yung fireworks na pinaghandaan niya 'Welcome Back Cassy ng buhay ko' ang nakacaption at puro fireworks na pa pahugis puso. Then sa last, 'I love you so much'

Ngumiti ako sa kanya.

"I love you"

"I love you too"

Then we both kissed.

-The End-

Author:

So yun mga bes! Tapos na ang story nila Matt and Cassandra. Sa lahat ng readers! Salamat! Ilabyusumach hihihi! Salamat sa pagsuporta at pagbasa ng second book♡ Kindly read the first book para maintindihan niyo♡ Support my other books too♡ Huhuhuhu naiiyak ako tapos na ang fk! Salamat sa mga nag-add sa reading list nila♡ mahal kayo ni bias niyo pero mas mahal nila ako chos hahaha! #Ilabyuallsumachmuahmuah hahaha! Bye!

******************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now