25

45 2 0
                                    

Matt Cruz:

Pumunta ako sa pinangyarihan. Kahapon lang ako nagising. Naisip ko, bakit di nalang ako ginising sa tabi niya? Bakit kailangan ipaglayo kami? Ganito ba talaga ang tadhana?

Napapunta ako sa pinakalikod ng old factory. Naalala ko yung ngiti niya bago siya mawala.

Nagulat ako nang may nakasabit na tela sa thorn ng halaman. Halatang galing sa jeans to. Jeans ni...Cassandra.

Tumulo muli luha ko. "Asaan na yung may-ari mo?"bulong ko. Pinunasan ko luha ko. Ang sikip parin ng puso ko. Walang malay si Harold, yung mga iba sugatan, si Cassandra....

Biglang pumatak yung ambon hanggang sa naging ulan. Sinabay ko nalang sa pagtulo ng luha ko. Nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ko.

"Matt! Wala akong payong!"

Ngumisi ako sa kanya. "A-anong pinaplano mo?" Tumakbo siya bigla. Hinabol ko siya.

"Huli ka!"

Tumawa siya habang buhat-buhat ko papuntang labas ng court. "Matt Cruz! Ibaba mo ako! Ah!"

Pareho na kaming naligo sa ulan. Binaba ko siya at sinayaw sa ilalim ng pumapatak na ulan. At doon naging masaya ang ulan sakin.

Tinaas ko kamay ko. Andito ka ba ngayon? Isayaw mo'ko.

Ngunit wala akong naramdaman. Sinasaktan ko lang ba sarili ko? Ayokong magmahal ng iba. Wala naman siyang sinabing pwede eh.

Palakas ng palakas yung ulan. Yung tipong akala mo nagagalit na siya sayo. Kahit malakas na yung hangin wala akong pake. Biglang kumidlat.
"Matt~ uwi na tayo"

Kumapit siya sa'kin. Biglang kumidlat. "Ah!"tili niya. Napayakap siya. "Hindi ko na pala kailangan bumili ng horror tapes para mapayakap ka sa'kin"tawa ko. Pinalo niya ako.

Wala nang nakayakap sa'kin ngayon. Pinagpatuloy ko paglalakad ko.

"Anjaan ka ba sa likod ko? Wag mo'ko iiwan huh?"bulong ko. Lumakas lalo yung hangin. Napangiti nalang ako.

Nawawala siya. Iba ang nawawala sa wala na. Alam kong, *sigh* Pero kung wala man siya, asaan katawan niya?

Pumunta ako sa kulungan. Hindi ko alam kung handa na ako makita siya pero kailangan kong pumunta. Alam kong buhay pa si Cassandra.

********************

Halatang nagulat silang lahat sa pagdating ko.

"S-sir Matt?"

Tumango ako. "Asaan sila?"agad kong tanong. Tinuro ng isang pulis kung saang silid sila. Pagkatingin ko sa pang-anim na silid, andoon sila.

Nagkatinginan kami ni Max. Natatakot ka na ba ngayon? Nabuhay ako. Tss, di siya nagtagumpay kay Harold. 50:50 huh?

Pinalapit ko siya. Pagkalapit niya, hinila ko agad damit niya. "Asaan si Cassandra?" Hindi siya sumagot. "Uulitin ko, asaan si Cassandra?" No answer parin.

"ASAAN SI CASSANDRA!"

"Hindi ko alam!"

Nagclench yung fist ko. "Ikaw yung bumaril sa kanya, DIBA!" Lumayo siya sakin. "Oo ako! Alam kong patay na siya! Pero di ko alam kung bakit nawala katawan niya!"

Napaatras ako. "Alam kong nabaril ko siya sa dibdib niya! Pero di ko talaga alam kung asaan katawan niya!"iyak niya. Napaupo nalang ako sa sahig. Sinabi niya bang patay na ang babaeng mahal ko?

"Bakit di mo alam?"bulong ko.
"Sinaksak ako ng kaibigan mo"sagot niya. Napatayo nalang ako. "Hindi pa ako tapos sayo"sambit ko sabay alis.

Pagliko ko, andoon si Shiena. "Bakit ka nandito?"tanong ko. "Ibibigay ko yung cremate ni Wendy kay Max"sagot niya. "Ibigay mo nalang yan sa pulis, tara na"bulong ko sabay hila sa kanya.

"Bakit ba basa ka?"tanong niya. "Hinanap ko si Cassy ko"ngiti kong pilit. Halata yung lungkot sa mata niya. Alam kong nasasaktan din siya. Si Cassy ang nagligtas sa kanya mula kay Wendy.

"Matt?"

Napatingin ako kay JN. "Hyung, alis na 'ko"bulong ko. Ayoko silang makita. Mas namimiss ko si Cassandra. "Sabay ka na sa'min Matt"bigkas ni Shiena. Ngumiti nalang ako ng pilit at umalis.

Tumigil na pala yung ulan. Napangiti ako. Masaya ka ba dahil ginantihan ko si Max?

Cassandra...di ko na kaya.

*****************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now