26

47 3 0
                                    

Matt Cruz:

Isang linggo na wala si Cassandra. Pang-ilang gising ko na'to pero wala parin siya.

"Baby?"

Napatingin ako kay Mami. Dinalhan niya ako ng breakfast. "Salamat"ngiti ko. Niyakap niya ako bigla. Nagulat ako ng umiyak siya.

"Naaawa na ako sayo anak"bulong niya. Namuo ulit yung mga luha sa mata ko. "Mami, hindi naman siya wala eh, nawawala lang"ngiti ko. "Magang-maga na mata mo, hindi ka lumalabas ng kwarto, pero Matt, alam kung kaya mong ituloy ang buhay mo, anjaan naman siya sa tabi mo lagi eh"

Nakatingin lang ako sa kanya. Pinunasan niya luha ko. "Aalis lang kami ni Papi mo, kailangan din kasi kami ni Mom and Dad mo"ngiti niya sabay tayo. Bago siya umalis, binigkas ko ang mga salita na to sa kanya.

"Mami, hindi siya patay, pero pinapatay niyo siya, alam kong buhay pa siya, dahil kung patay na siya, bakit pa ba ako nandito? Kung wala na siya, wala na rin ako"

Napatigil siya. Tinignan niya ako. After 1 minute ng pagtititigan, umalis na siya.

"Opo Mami"

Naririg ko muli yung mga salitang binabanggit niya. Tinakpan ko mga mata ko. Namimiss ko na siya. Hindi siya nagpapakita sa mga panaginip ko.

May kumatok muli sa pinto ko. Pinunasan ko luha ko. "Pasok"

Nagappear si Lennar. "Hyung"ngiti ko. "Iiyak mo lang yan"bulong niya. Napaupo siya sa kama ko. "Si Bea?" Hindi niya muna pinansin tanong ko at kumuha ng tinapay. "Ehem"

"Ah, nasa Tita niya"sagot niya. Ngayon lang ata sila nagkalayo? "Kaya mo huh?"ngisi ko. Tumango siya.

Syempre kaya niya. Kasi saglitan lang. Eh ako? Hindi ko alam kung hanggang kailan. Isang linggo na ang nakakalipas, di ko parin kaya ng wala siya. Bumili na nga ako ng paborito niyang pabango para maamoy ko sa buong kwarto.

"Bibili ka ba ulit ng pabango niya?"tanong niya. "Oo, ubos na eh" Napatango nalang siya. Alam ko kung bakit siya pumunta dito, iba siya ngayon, alam kong may gumugulo sa kanya.

"Hyung anong sasabihin mo?"

Napatingin siya sa'kin. "Wala ah"tawa niya. Tinitigan ko silang siya. "Kalimutan mo na'yon" Hindi ko parin inaalis tingin ko sa kanya.

"Hays! Kilala mo talaga ako eh no? Psshh, naalala ko lang kasi, diba nabaril si Cass? Imposibleng mawala ang katawan niya, sino ba ang huling bumugbog kay Harold?"

Napaisip ako sa tanong niya. "Imposibleng namatay siya tas nawala katawan niya? Bakit di nakita ng mga pulis katawan niya? Bat andun yung dugo niya?"

"Dugo?"

"Nakita namin yung dugo niya, pero wala ang katawan, imposibleng patay na siya, pero hanggang dun lang talaga yung dugo"

Tinignan ko picture niya. Buhay....si Cassandra? "Pumunta kaya tayo sa Pulis?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ininom ko nalang yung orange juice ko.

"Aantayin ko nalang sagot mo"bulong niya sabay alis. Hindi ko alam kung bakit di ako makasagot sa sinabi niya. Nawawalan na ba ako ng pag-asa? O ayaw ko lang umasa?

Napatingin ulit ako sa picture niya. Tama nga naman si Lennar. Imposibleng wala ang katawan mo dun. Gusto kong magpunta sa pulis. Pero hindi ngayon. Bibisitahin ko si Harold na hanggang ngayon ay wala paring malay.
Nilock ko yung bahay. Another rough day for me. No Cassandra around me.

Hanggang kailan ko ba to kakayanin?

*******************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now