16

51 2 0
                                    

Cassandra Lee:

Hindi na nagtetext si Wendy sa'kin. Nagtampo suguro yun? I feel so bad tuloy.

"Bukas na ang big day Cassandra!"pagchecheer ni Lennar sa'kin. "Gragraduate na tayo!"tuloy niya. "Excited ka? Baka sa practice palang maiyak ka na"tawa ko. "Proud talaga ako sa bf mo Cassy"sarcastikong sabi ni Matt. "Nagseselos na naman 'tong tukmol na'to" Tinignan niya langa ako. "Ah, gusto mong sakanya na'ko huh?"tuloy ka. "Ha? Sino nagsabi?"sambit niya sabay hila sa'kin. Tumawa lang si Lennar.

Naeexcite na akong umuwi! Guess what? Magiging buo na ang pamilya namin! Uuwi sila Mom and Dad mamaya! At pinagpaliban ko muna date namin ni Matt and he understands. How sweet. Natatawa talaga ako sa tuwing naaalala ko nung tinanong kami na ilang months na kami haha. Hindi ko talaga alam eh.

Nagpunta na ako sa assigned seat ko. Bukas na ako gragraduate. Finally, vacation! And sa wakas, nabuo ang dream ko na maging buo ang pamilya namin. Another beggining narin 'to para sa buhay ko. Ngayon na nandito na si Matt, na alam kong hindi na ako iiwanan. Napatingin ako sa kanya,magkahiwalay kasi kami ng upuan. Hindi kasi pinagbubutihan eh! Chos. At nagstart na ang practice.

*****************

Binuhat niya bag ko. "Hatid na kita~ sige na, hindi na nga tayo magdadate eh"bulong niya. "Ay weh, alam mo naman kung bakit eh"ngiti ko. "Syempre"ngiti niya sabay akbay sa'kin.

"Hoy, uwi na~ 6pm na oh?"tawa ni Lennar. "Puntahan mo na Jennie mo!"asar ni Matt. Tumango lang siya at umalis. Okay na ka sila Axel at Bea? Kasi naman eh, hinahalungkat pa ang noon eh.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Matt. Nasanay narin ako sa kanya. At kahit na di namin alam kung gaano na kami katagal, nanatili kaming okay. Ang pinakamabigat na away namin ata yung nangyaring selosan sa Guam. Yung puntong akala ko tapos na ang lahat.

"Oh, magiingat ka papasok ng pinto niyo huh? Baka madapa pa ang prinsesa ko" Tinignan ko siya ng masama. "Ayaw pa oh"tawa niya. Ngumiti nalang ako. He pointed at his cheeks. "Aish, kailangan ko pa bang ipaalala sayo lagi?" Asar naman tong lalaki na to. I leaned closer to him. Ikikiss ko na sana cheeks niya nang bigla siyang humarap. Wah! Nakiss ko lips niya!

"Kadiri ka!"tawa ko. "Akala mo naman unang kiss, bye na"ngisi niya. Ngumiti nalang ako habang papasok ng gate. Nakaabang pala si kuya. "Yung totoo?"tanong niya. Ngumiti lang ako at dumiretso sa bahay. Asaan si Mom and Dad? Then sakto nagring phone ko.

"Mom? Dad? Asaan na kayo?"

"Sorry sweetie, nacanceled flight namin"

Tumigil yung mundo ko. Canceled? Eh bukas na'yun. Too much excitement really do bring you so much dissapointment.

"Kailan kayo makakapunta dito?"

"Hindi namin alam eh"

"Sige Mom, Dad, magpapahinga muna po ako"

"Swe-"

I ended the call. Nakatingin lang sa'kin si kuya. "Bakit?"sabay niyang tanong. "Canceled ang flight nila"I simply said. Binuhat ko bag ko sa kwarto ko. Gusto ko nang ituloy date namin ni Matt. I texted him. After 15 minutes, dumating na siya.

"Okay lang yan"bulong niya habang naka-akbay sa'kin. "San tayo?"ngiti ko. "Sa secret place ko nalang"tawa niya. Tss, kung saan nangyari yung first kiss namin ganern?

Buti nalang pinayagan ako ni Kuya. Wala naman siyang magagawa dahil nalulungkot ako. Sadyang kailangan ko lang talaga si Matt ngayon.

*******************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now