20

62 3 0
                                    

Cassandra Lee:

Hinanda ko yung purse ko. "Kuya! Alis lang kami! Sabihin mo nalang kay Mom and Dad!"sigaw ko. "OO! AKO BAHALA! IKAW NA MAY SYOTA HEH!"sagot niya. Pumunta ako sa kwarto niya. "Maghanap ka na kasi ng mas maganda kay Maylin"tawa ko sabay yakap sa kanya. "Umalis ka na, nagaantay si Matt, maghahanap pa ako ng dyosa"tawa niya. "Out na si Maylin sa pagiging dyosa!"sigaw ko habang pababa ng hagdan. Nakita ko siyang nakatingin sa relo niya. "Hindi ka na ba sanay mag-antay?"ngiti ko.

Napatingin siya. "Oo hindi na ako sanay" Lumapit ako sa kanya. "Kiss ko?"tawa niya. Pinalo ko labi niya. "Pahalik ka sa aso" "Tapos magseselos ka?" Ngumiti lang ako. Biglang may nagtext sa'kin. Si Wendy! Makikipagkita siya bukas? Magpaalam kaya ako kay Kuya?

"Sino?"pagtatanong ni Matt. "Si Wendy, makikipagkita siya"ngiti ko. "Andito parin pala siya? Gusto mo samahan kita? Kinakabahan ako eh" Napangiti nalang ako. "Wag na"bulong ko.

Hinawakan niya kamay ko. "Matt, girls talk okay?"ngiti ko. Ngumiti nalang siya at umalis na kami. Bakit lahat sila kinakabahan? Pati tuloy ako kinakabahan din. Nakakahawa eh. "Wag ka magalala, magpapaalam naman ako kay Kuya eh, itetext rin kita, btw, treat ko ha?"ngiti ko. "Bait naman neto, sure ka huh? Madami akong kakainin"tawa niya. "Oo nga, basta wala nang kiss?" Sumimangot siya. "Ako nalang bibili"pagdadabog niya. Kiniss ko siya. "Ako na"ngiti ko.

Matt Cruz:

Bakit kaya ang bait-bait neto? Tinignan ko siya. Sa lahat ng nakapila, siya ang pinaoutstanding.

"Opo! Tas napakita rin na binaril yung babae, tas yung lalaki kawawa Appa!"

Ang lakas naman magkwento ng batang to. "Yung akala niyang kaibigan niya, ginamit lang pala siya!" Kinabahan ako sa sinabi ng bata. Ano bayan, pinapanood na agad siya ng heavy themed movies. Natotouch kaya siya jun?

"Huy, gusto mo na magkaroon ng anak?"

Napatingin ako kay Cassy. "Diba pwedeng nakikinig ako sa kwinikwento niya?" Binaba niya yung burger. "Ano bang kwinikwento niya?" Kinuha ko nalang yung burger. "Huy" Ningitian ko siya. "Tungkol kay Diego"tawa ko. Ayokong kabahan siya sa kwinikwento ng bata. Iniba ko nalang yung usapan.

"Bakit burger? Nagmomove-on ka ba?"ngisi ko. "Porket nakaburger move-on agad? Edi wag mo kainin" Meron ba siya ngayon? Niyakap ko siya. "Sorry na"bulong ko. Nilambing ko siya. "Yie"tawa ko. "Asar"ngiti niya. Matagal kaming nagusap ng kung anu-ano. Kakaiba siya ngayon.

"Paano kung bigla akong mawala?"

Napaubo ako sa sinabi niya. "Gaga ka? Kung anu-ano iniisip mo"tawa ko ng mahina. "Wag kang iiyak sa puntod ko ah? Alam mo namang ayaw kitang makitang umiiyak"pangaasar niya. "Mamamatay ka? Thats a no-no, mahihimatay ka lang sa kama"wink ko. "I love you"ngiti niya bigla. Mas lalo akong kinabahan. Naiiyak ako sa mga sinasabi niya.

"Huy, tara na"tawa niya. "Sabi ko nga"ngiti ko. Nalulutang ako sa mga sinasabi niya. "Wag ka mag-alala, pagnawala ako, isipin mo andito ako sa tabi mo"tawa niya. "Cassandra! Tinatakot mo'ko eh!" Napatingin siya, "Bakit?"tawa niya. Niyakap ko siya. "Please? Wag mo nalang sabihin"bulong ko. "Pinapakaba lang po kita~ sorry na po"ngiti niya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Puntod.

Iyak.

Mawawala.

Andito.

Tabi mo.

Cassandra?

********************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now