5

107 4 2
                                    

Maylin Fernanza:

Bigla akong nakadama ng kaba. Yung feeling na, merong babalik at may mawawala. Tinignan ko si Jin na nagluluto sa unit niya. Balita ko nandito rin sa building na'to si Shemah eh.

"Matagal pa ba?"tanong ko. "Unti nalan-ah!" Napatayo ako at agad na lumapit sa kanya. Nahiwa niya daliri niya. Agad akong tumakbo at kinuha ang first aid kit niya. Mas lalo akong kinabahan. Paano kung, meron nga?

"Kasi naman eh, akala ko ba expert ka?"sabi ko sabay linis sa sugat niya. "Bigla akong kinabahan eh" Napatingin ako sa kanya, "Ang tagal-tagal mo nang nagluluto" "Hindi ako kinabahan sa pagluluto, bigla lang talaga dumating sa dibdib ko"sagot niya. "Pareho tayo"bulong ko habang ginagamot siya.

"Wala namang mawawala diba?"tanong niya. "Oo naman, ano ka ba, wag ka nga padala sa kaba mo"tawa ko. Pagkatapos ko siyang gamutin, nagluto ulit siya.  Gutom na ako, antagal naman ng eomma ko. Pero, grabe nadama niya rin nadadama ko. Ano magkapatid ang peg? Chos.

"Matagal pa ba?"tanong ko sabay tingin sa niluluto niya. "Malapit na po Ma'am, ikaw kasi dapat nagluluto dito eh"sagot niya. "Eh hindi ako marunong eh"ngiti ko sabay beautiful eyes. "Tss"tawa niya.

***************
Wendy Brukes:

I decided to change my name. Para naman mejo maiba diba? Nabalitaan ko kasi.

Kapatid niya ang target namin.

Ngayon, kasalukuyan ko siyang hinahanap. Okay na ang lahat, pero may nalaman ako eh. Humaba narin naman na buhok ko. Shiena? Wala akong problema sa kanya. Si Cassandra? Wala rin pero kailangan ko siya.

"Babe?"

Napatingin ako kay Max. "Why?"tanong ko. "I think na okay na, nagpunta si Simon sa old school mo, and guess what? Doon parin siya nagaaral"ngiti niya. Bingo.

"Ihanda ang plano"ngisi ko sabay tayo. Malapit na kami sa iyo, Harold.

******************
Cassandra Lee:

Kakaiba talaga feeling ko. Binuksan ko ilaw ng bahay. "Yaya?"sigaw ko. May lumapit na isa. "May dumating ba na naghahanap sa'kin?"tanong ko. "Wala po"ngiti niya. Nagpasalamat ako at dumiretso sa kwarto ko.

Nagpunta akong banyo para maglinis ng katawan. At para naman malamigan ang pag-iisip ko. Antagal ko na tong nararamdaman. Bakit ganon? Chill Cassandra. Baka naman namimiss ka lang ni Wen-

"Ah!"

Napatili ako nung nadulas ako. Shocks muntik na'yun. Napahawak ako sa dibdib ko. Binuksan ko yung shower.

"Bakit ba nangyayari 'tong mga 'to?"bulong ko sa sarili ko. Dugdug. Dugdug. Dugdug. I closed my eyes.

"Cassandra"

Binuksan ko ulit mata ko. Kuya? Bakit si kuya pumapasok sa isip ko? I went out of the bathroom. Weared my undies, ofcourse, at yung bathrobe ko. Binuksan ko yung aircon. Bakit di ako mapakali?

Tinawagan ko yung telepono sa baba. "Yes po?"tanong ng isang yaya. Hindi ko na sila kilala sa dami nila jusq. "May ice cream ba? May juice pa? Paakyat naman ng kahit anong malamig na masarap na pagkain"ngiti ko sabay baba sa telepono.

Binuksan ko yung phone ko. Eh? 55 missed calls from Matt! Tinawagan ko agad siya.

"Bakit ka tumawag?"

"Bakit di ka sumasagot?"

"Naligo ako! Ngayon ba't ka tumawag?"

"Namiss lang kita"

"Heh, bakit ng-"

"Ma'am ito na po lahat ng malamig na hinihingi niyo, eh? Ang lakas ng aircon niyo tas nakabathrobe ka lang?"

"Ano!? Gusto mong kabagan!?"

Nagshow ako ng 'shh' sign kay Yaya. Nagbow lang siya at umalis. Nagulat ako ng wala na yung tawag. Anyare dun?

Sa ngayon, kailangan ko muna mag-chill.

**************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now