29

38 2 0
                                    

Matt Cruz:

Tumayo ng maayos ang babae at napatingin sa'kin. Nabagsak ko yung basket na dala ko. Halatang gulat din siya. I cried infront of her.

Nagbalik ka.

I quickly hugged her. "Excuse me?" Nagulat ako sa tanong niya. Ang anghel niyang tignan. Natakot ako, multo lang ba ang nakikita ko? Sinasaktan lang ba ako ng mga mata ko.

Hinawakan ko kamay niya. "Ako si-"

"Sandra!"

Napatingin ako sa kaliwa. Sino tong lalaki na'to? Doctor? "Ang layo nang narating mo, tara na" Hinila niya si Cassy pero hindi parin ako bumibitaw. Napatingin sa'kin yung lalaki.

"Bitawan mo'ko, hindi kita kilala, tara na oppa"sambit niya. Oppa?

Bumitaw siya. Nakatingin lang sa'kin yung lalaki.

"Cassandra Lee"bigkas ko. Napatigil yung babae. "Nararamdaman mo bang tumigil ang lahat?"

****************
Cassandra Lee:

Cassandra Lee

Tumingin lang ako sa kanya.

"Nararamdaman mo bang tumigil ang lahat?"

Nagkatitigan kami.

"Sandra, okay ka lang?"pagtatanong ni Ash.

Hindi parin nawawala tinginan namin. "9 months ka nang nawawala Cassy, iniisip nila wala ka na, pati si Harold, inisip niya na wala ka na"

Cassy? Harold?

"Ako ang boyfriend mo, ako ang ningitian mo bago ka mawala sa old factory, bago ka mabaril, sinaksak ako ni Max, ang asawa ni Wendy, ginamit ka nila bilang pampato para makuha si Harold na kuya mo, ginawa nila yon para maghiganti sa ginawa niya sa taong nagngangalan na Ash"

Ash? I looked at Ash. Gulat din siya sa nangyayari. "Sandra tara na"bulong niya sabay hawak sa kamay ko. "San mo siya dadalhin?"singit ng lalaki.

"Kasinungalingan"

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ash"bulong ko. "Ash?"

Napatingin kami sa lalaki. "Ikaw ang Ash na-"

"Madaming Ash sa mundo mister, ngayon, guguluhin mo lang ang nananahimik na buhay ni Sandra Gaviola"

Nagulat ako sa sinabi niya. Gaviola? "Hindi siya ang hinahanap mo"huli niyang salita bago ako hilain palayo.

Hindi ko alam kung bakit nilayo niya ako. Narinig ko ang totoong pangalan ko sa lalaki na yun. Cassandra Lee.

Nananakit ulo ko. Napahawak ako ng mahigpit kay Ash. "Gwenchanayo?"bulong niya. Biglang nanglambot katawan ko. "Tara na"ngiti kong pilit.

******************

"Ang layo nang narating mo ah?"

Napangiti nalang ako sa kanya. "Buti hindi tuloy ang surgery ko"dagdag niya. Hindi ko alam pero, wala ako sa sarili ko ngayon. Wala akong gustong gawin. Ayokong kumilos. Wala akong gana.

Inayos ni Ash buhok ko. "May problema ba?"bulong niya. "Alam niya pangalan ko"sambit ko. Nagpatuloy siya sa pagsusuklay sa buhok ko.

"Sandra, pwede bang, magpaalam ka sa'kin bago ka lumabas ng unit?"

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Nagpatuloy parin siya sa ginagawa niya. "Para masabayan kita"

Alam kong may iba siyang dahilan. Ngunit mas makakabuti narin suguro yung sinabi niya. Humarap ako sa kanya. I cupped his face.

"Dr. Ash, natatakot ka ba dahil saglitan lang ang lahat?"

Tinignan niya lang ako, inayos niya buhok ko. "Handa naman ako eh, pasalamat nga ako dahil naranasan kong makasama ka kahit saglitan lang pero, sundin mo muna yung sinabi ko huh?"

Tumango ako. Niyakap niya ako.

"Ako ang boyfriend mo, ako ang ningitian mo bago ka mawala sa old factory, bago ka mabaril, sinaksak ako ni Max, ang asawa ni Wendy, ginamit ka nila bilang pampato para makuha si Harold na kuya mo, ginawa nila yon para maghiganti sa ginawa niya sa taong nagngangalan na Ash"

Sino ba si Matt Cruz?

***************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now