Chapter 4

1.2K 39 0
                                    


[Ashley]

"Ano pa kaya ang kulang?” I double-checked iyong mga nabili ko.  “Ops!" May mabangga ako ng hindi sinasadya. Nawili kasi ako kakatingin kung ano pa ang kulang sa nabili ko na.

“Hey! Watch out.” Kamuntikan na akong matumba when he grabbed my hips at niyakap ako to prevent me from tipping off the ground.

“I'm sorry, Mis... Ash?”

I know that voice. Familiar iyon. Pagkatingin ko sa taong nakabangga sa akin ay kumawala agad ako sa pagkakayakap niya.

“A...anong ginagawa mo dito, Tristan?”

“Namimili rin. That's my cart." Pinakita nito sa akin ang cart na nasa likuran niya.

“I see. Got to go now." I pushed my cart para ipagpatuloy ang pamimili ko. His presence intimidated me. Parang he owned the place we are into. Of all the places kasi na puwede kami magkabanggaan why dito pa sa mall.

“Hey Ash. Regarding the payment…”

I suddenly stopped when he spoke from my back. I felt obligated. I have to kahit na ayoko.

“I told you, Tristan. Tawagan mo ang number ko kung may naisip ka na.” Sagot ko na hindi man lang siya nililingon. Well, ayoko talaga lumingon sa kanya. It’s as if awkward kasi. Not to mention na ayaw ko ang pagkikita namin.

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ng wala akong marinig na sagot mula sa kanya. “Was I waiting for his answer?” Napapatanong na lang ako sa sarili ko. It felt different. I usually don’t think of these things whenever I meet a man just like him.

Maya-maya ay nagring ang cellphone ko. I reached out from my bag and got my phone out. Pagkatingin ko ay new number ang tumatawag. Who on earth could it be?

I pushed the answer button.

“Hello, Ashley. This is Tristan Lorenzana. Gusto ko lang sabihin na... forget about the payment that I’m asking you about. It’s not right for a gentleman to ask something in return after he helped a pretty lady."

Biglang lumukso ang puso ko ng marinig ko ang boses niya lalo na ang sinabi niya. Why oh why? I heard those words several times but something was different. It’s also the same words na bumuo sa aking pagkatao kung sino ako ngayon.

Huminga ako ng malalim and composed myself. Sigurado kasi nasa likuran ko lang siya. I don't want him to know that he just caught me off-guard. I hate to admit it pero I was really caught off-guard. I was waiting for his answer but I didn’t expect him to call.

“If that's the case, thank you for your help that time, Mr. Lorenzana. Bye." I turned off my phone and continue walking to buy my milk. Hindi ko siya nilingon dahil ayaw ko makita niya akong nabigla sa ginawa at sinabi niya.

Nagulat na lang ako ng banggain nito ang cart ko.

“Ano ba!” Pagalit kong baling sa kanya. Napatingin tuloy ang mangilan-ngilang kasabay naming na namimili.

“Ops. Sorry, Miss. Hi. I'm Tristan Lorenzana.” Iniabot niya ang kanang kamay niya, waiting for me to shake his hand. Para bang it was his first time meeting me.

Hindi naman ako nagpatinag sa kanya. Nangunot ang noo ko. Tinitigan ko ang nakaextend nitong kamay sa harapan ko bago napadako sa nakangiti niyang mukha.

“Anong trip mo sa buhay, Tristan?” Nginisihan lang ako nito.

Inirapan ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Deep inside me gusto sabihin, he deserved it. Pero my body was still waiting for things to happen. Hindi ko alam kung ano pero malakas na lang ang kaba ng dibdib ko. Sanay naman ako na sabihan ang mga ibang antepatikong lalaki before.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now