Chapter 8

957 31 0
                                    

[Tristan]

I can't sleep. Pabiling biling ako sa pagkakahiga sa sofa. Bukod sa namamahay ay inis na inis ako kay Ashley. Naisahan na naman ako nito kanina. Mabuti at buong araw lang siyang nagkulong sa kwarto niya after ng encounter namin kaninang breakfast.

Medyo nakahinga ako ng maluwag. Sino ba naman ang hindi? Grabeng pagpipigil na ang ginagawa ko para lamang hindi ako mahulog sa patibong niya.

Kaya lang nag-aalala ako. Ni hindi ito kumain ng lunch, pati nga dinner. Katok kasi ako ng katok sa kwarto niya wala namang sumasagot.

"Ganyanan, Ash, ha?" Napangisi ako sa iniisip. Hindi naman kasama sa deal na hindi ko rin s'ya pwedeng takamin, hindi ba?

"Tingnan lang natin, Ashley. Hindi ako papayag na ikaw ang manalo sa larong ito."

Kung seduction ang laro niya, ang akin naman ay falling game.

"I will make you fall in love with me no matter what it takes, Ashley."

I went to her room. Dahan-dahan kong ipinihit ang siradura para lamang madismaya.

"Tsk! Nakalock pala."

Gusto ko sana siyang pasukin sa kwarto pero masyado rin palang sigurista ang isang ito.

I looked at my watch. Its 9 in the evening. According to my investigator, araw araw itong umaalis bandang alas 10 ng gabi. Lalabas ito at magpaparty. Minsan kasama ng barkada nito at kung minsan sa mga flings nito. I know there's still many until now.

"Makaligo na nga lang para masundan siya."

***
Kuyom ang kamao ko habang nakatitingin kay Ashley mula sa malayo. Tama nga ang investigator. Gabi gabi nalang ito kung lumabas.

Nakikipag inuman ito sa barkada niya.

Lumapit ako dala-dala ang inorder kong sandwich mula sa nadaanan kong 7eleven kanina.

"Ano ba ang plano mo sa buhay, Ashley? Magpapakamatay ka ba? Hindi ka kumain ng lunch at dinner pero nag iinom ka na naman." Mahina kong sabi dito ng makalapit na ako sa table nila at naupo sa tabi niya.

Lahat ng barkada niya napatingin sa akin. Lalo na iyong mga babae.

"Oww! Wow! Bago ka ni Ash, handsome?" Tanong ng barkada nitong babae habang nakangisi sa akin.

"Hindi ah. Bo..." Hindi ko siya pinatapos sa sinasabi ng sinubuan ko siya ng sandwich.

Akmang iluluwa niya ito ng samaan ko siya ng tingin.

"Kung ayaw mong umuwi ng maaga at matapos kaagad ang pagpaparty mo, ngunguyain mo yan at uubusin mo lahat ng ito."

Kinantyawan naman siya ng mga barkada niya.

"Mukhang nakakita na ng katapat si Ashley ah."

"Ayos itong bago mo, Ash. Uncontrollable, fierce. Mukhang mapapatino ka na nito."

Masama ang tingin ni Ashley ngunit patuloy lang sa pagnguya. Talagang gagawin nito ang gusto ko para lubayan ko na siya.

"Pang ilan ka niya, Brad?" Tanong ng lalaking palagay ko ay boyfriend ng isa sa mga barkadang babae ni Ashley.

"Hmmm...I don't know. Mabibilang pa ba sa kamay at paa ang past relationships niya? I may be the 50th or the 100th or even the thousandth pero I don't really care. I'll make sure naman na... I'll be her last."

"Wohooo!"

"Ayyiii. Ang sweet."

"Ang swerte mo, Ashley."

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now