Chapter 29

797 21 0
                                    

[Ashley]

"Hay, Tristan. I know what you are doing." Gusto kong sabihin sa kanya pero mas pinili kong manahimik.

"Ilang araw pa ng pagtitiis mahal ko. Ilang araw nalang." Sabi ko as I hug him tighter.

Tama nga ang sabi nila. Love is a sacrifice. Nothing lasts forever ika nga pero its good to turn back into time and look at your past without regret.

Hmmm. Bakit ko nga ba nasasabi ito? Eh samantalalang ako itong wala nang ginawa kundi maglaro sa pag ibig.

Kung babalikan ko ang naging past namin ni Paulo? I have regrets. Pero iyon ay dahil namali ako ng taong ipinaglaban. Namali ako ng taong pinagkatiwalaan.

Pero si Tristan... Sa lahat ng ginawa niya para sa akin? I think he deserve this sacrifices that i'm making.

*Flashback*

"I don't know you, Mister. Kung friend ka nga ni Tristan, nasa Manila siya. Sa makalawa pa ang uwi niya rito." Sabi ko sa lalaking nagpakilala na kaibigan ni Tristan.

Nakangisi itong umakbay sa akin.

"I know. I know. Why don't we go out at nang makapag usap tayo ng maayos." Sabi nito.

Halos manindig na ang balahibo ko sa pagkakatitig palang ng tao na ito sa akin. He had this aura na alam kong walang gagawing maganda at hindi mapagkakatiwalaan.

"Please let me go. Kailangan ko ng umuwi."

Tumawa ito malapit sa tenga ko na ikinapangilabot ko na talaga ng tuluyan.

"Hahayaan naman kitang umuwi eh. Basta makipag usap ka lang sa akin. 5 minutes is enough. Doon tayo sa parking lot." Sabi nito sabay hila sa akin.

***
"Pumasok ka sa kotse." Sabi nito ng makarating na kami ng parking lot.

"Dito nalang tayo sa labas." Pagtanggi ko pa.

"Papasok ka ba o gusto mo pang may gawin akong hindi mo magugustuhan?"

Agad naman akong tumalima ng marinig ang sinabi niya.

"Good girl. Masunurin ka naman pala eh." Sabi nito ng makapasok na rin sa kotse niya.

"May ikekwento ako at gusto kong makinig ka. Pwede ba iyon?"

"As if I have a choice." Napangisi naman ito sa sagot ko.

"Tristan Lorenzana is playing with you, Ashley. He's never serious about you." I eyed him curiously.

"Ano ang pinagsasabi mo? Gusto mo lang siraan si Tristan sa akin, whoever you are."

Tumawa ito. "My manners. I'm sorry. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa'yo. I'm Marco Sarmiento. Business partner ni Tristan Lorenzana."

"Business partner? Eh bakit hindi ka manlang niya nababanggit sa akin?"

"Bakit niya ako babanggitin sa'yo kung alam niyang ikakapahamak niya?" Lalong nangunot ang noo kong habang nakatingin sa kanya.

"Makinig ka na nga lang. Give your reactions when i'm done." Sabi nito.

Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa bet nila ni Tristan, ang pagpupustahan nila over a 25 percent share of L-Holdings against their 4 companies. Nanlaki ang mga mata ko and initially sobrang nagalit ako ng sinabi nito kung ano ang pinagpustahan nila. Its me!

Nagalit ako kay Tristan at some point sa confession na ito pero ng maisip ko ang mga ginawa niya for me at nang makapa ko sa puso ko ang pagmamahal ko sa kanya ay nawala lahat ng inis at galit ko.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now