Chapter 19

767 24 0
                                    


Warning: This chapter has a little bed scene in it. Skip if you are closeminded or uninterested.

[Third Person's POV]

Tinalunton ni Ashley ang lugar kung saan naroroon ang bahay ni Tom Salazar.

It's a place 2 barangays away from the condominium where she's staying.

Sumakay siya ng taxi hanggang sa ibaba siya nito sa isang iskinita na sabi ng driver ay hindi na kalayuan sa bahay na kanyang pakay. Hindi na kasi makakapasok ang taxi nito sa kitid ng daan papasok sa iskinita.

Naisipan niya sanang umatras sapagkat hindi naging kaaya-aya sa kanyang paningin ang nasabing lugar.

Isa itong squatter's area malapit sa sementeryo. Nakakatakot kung titingnan.

Mabuti na lamang at umaga siyang pinapunta ng Tom na iyon at hindi sa gabi dahil siguradong aatras siya kapag nagkataon.

"Haist! Bakit pa kasi ako pumayag sa gusto ng lalaking iyon?" Tanong ni Ashley sa sarili habang naglalakad at palinga-linga sa paligid.

Naiilang na siya sapagkat maraming mga mata ang nakasunod sa kanya habang naglalakad sa makipot na iskinita. Mata ng mga naliligo at nag-iigib sa poso, mga tambay na nag iinom sa tindahang nadaanan niya.

"Tom, Tom, Tom. Sana hindi ako mapahamak sa pagpunta sa bahay mo." Bulong nito sa sarili habang nagmamadaling naglalakad hawak-hawak ang card na bigay ng lalaki.

"Sana naniwala na lamang ako doon sa misteryosong caller at kinansela na lamang itong photoshoot ko with Tom." Sisi pa nito sa sarili.

"Pero heto na 'to. I need to stand by my decision."

Nakahinga ng maluwag si Ashley ng mamataan nito ang eksaktong address na kinaroroonan ng bahay ni Tom.

Hindi kagaya ng mga nadaanan nito, ang bahay ni Tom ay maayos at halatang medyo nakakaangat sa buhay ang may ari nito.

"I wonder why dito niya naisipang itayo ang bahay niya malapit sa squatter's area? Its kinda weird." Sabi ni Ash sa sarili habang nililbot ang paningin sa paligid.

Medyo may kalakihan ang bongalow type na bahay sa gitna ng maluwang na solar na pinaliligiran ng may kataasang bakod na siyang nagsisilbing harang mula sa mga maliliit na kabahayan sa paligid.

Nagdoorbell si Ashley at hindi nagtagal ay binuksan ng nakangiting si Tom ang pintuan.

"Pasok ka, Miss Ashley. Sana po tumawag kayo para sana nasundo kita sa may labasan." Sabi ni Tom habang isinasarado ang gate at inalalayan si Ashley na makapasok sa bahay nito.

"Its okay, Tom. I had fun walking on that iskinita papunta dito sa bahay mo. Your place is kinda interesting."

"Nakakagulat ba na may ganitong bahay sa squatters area, Miss Ashley? Have a seat."

"Sort of, Tom. Thanks."
Inilibot ni Ashley ang mata sa kabuuan ng sala.

"All in all napangatawanan naman ng loob nito ang ganda ng panlabas na anyo ng bahay." Sabi ni Ashley sa sarili.

Tom's house is bongalow type from the outside but it looks like a studio type condo unit on the inside. Sala ang bubungad sa'yo pagpasok mo sa bahay. Katabi ng sala ay ang shooting area dahil nakalagay dito ang mga gamit nito para sa photoshoot. It has a single bedroom on the far right side and a kitchen and sink on the left.

"Maganda ang bahay mo ah. Malinis ka rin sa bahay, I must say. Hindi magulo. Do you live alone?" Tanong ni Ashley kay Tom.

"Huwag ka ng magtaka kung bakit dito ko naisipang magtayo ng bahay, Miss Ashley. Nakita n'yo naman siguro na nasa malapit lang ang sementeryo. My parents where buried there kaya nagtayo ako ng bahay malapit sa kanila. Mag isa nalang ako sa buhay kaya yes, I live alone. Minsan dumadalaw ang mga friends ko dito o ako ang pumupunta sa place nila. Madalas din ako sa mga tourist spots dito para kumuha ng litrato." Sagot ni Tom kay Ashley habang nagtitimpla ng juice sa may kusina.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now