Chapter 5

1.1K 35 0
                                    

[Ashley]

Kakatapos ko lang maligo ng marinig kong tumunog ang cellphone ko sa bedside table. I pushed the answer button...

I rolled my eyes. Si Dad na naman ang tumatawag kaya as usual, naupo lang ako sa kama para pakinggan siya. I haven't spoken a word to him before and I don't have any plans now or in the future. Hindi sa ayaw ko siyang kausap. It's just that I don't want to argue with him.

"Anak... Ashley. I heard about what this Dustin guy is doing to you. Siya 'yong lalaking umaali-aligid sa'yo since you broke up with him hindi ba?" He stopped. He was waiting for me to answer but unfortunately for him, I don't have any intention of responding. "Natatakot na ako para sa kaligtasan mo. Hindi yata't naging obsessed stalker mo na siya." He continued.

Tsk. Nakalimutan ko, hindi lang si Tristan Lorenzana ang nakasubaybay sa buhay ko ngayon kundi pati ang tatay ko. We may not be talking with each other pero since I started to live independently, my father had his ways of putting an eye on me.

Mag-isa na nga ako sa bahay at sa buhay pero akala ko lang iyon. Alam kong pinapasundan ako ng tatay ko sa araw-araw. Kaya nga minsan mas sinasadya kong dumikit sa mga lalaki o barkada para makipagtawanan kapag nakikita ko ang mga umaaligid sa akin.

Hindi sa gusto ko lang inisin ang tatay ko kundi gusto kong malaman niyang masaya na ako sa buhay na pinili ko at hindi na ako babalik sa bahay niya. Ayoko na silang idamay ni mom sa anumang kagagahan at katangahang pinaggagawa ko sa buhay ko.

Curse me if you want pero this is what I think and hold on to. Kung ano mang problema ang meron ako, gusto kong ako na mismo ang umayos without his help. It's not just about pride. It's far beyond that. Alam ko naman I am old enough to handle my own problems. I'm not anymore his daddy's girl. I am a grown up now. I have to stand up for myself.

"Hay! Ganito nalang ba lagi, Ash? Wala ka man lang bang sasabihin? Nag-aalala na kami ng mommy mo sa'yo. Umuwi ka na sa bahay. Ako na ang nagmamakaawa, Ash."

The following scene has become cliché tuwing nag-uusap kami ni dad. Doon na pumatak ang luha ko. Not a single moment na kausap ko si dad sa phone na hindi bumuhos ang luha sa aking mga mata. Why? Maybe it's a guilt feeling sa lahat ng kasalanan ko sa kanya. Maybe it's my anger sa walang humpay na pagcontrol ng buhay ko. Maybe... just maybe... I miss them, my mom and my dad so much.

Gusto ko siyang sagutin ng... "Wala akong mukhang maihaharap sa inyo ni mom and dad. Wala na." Ngunit wala pa rin ni isang tinig na lumabas sa bibig ko. Gusto ko ring sabihing I'm sorry pero wala. Lumuha lang ang kaya kong gawin.

"Hay." Bumuntong hininga itong muli. "Sorry to do this, Ash, but I need to. I want you to know that there's this young bachelor, a successful businessman of a multi-development company na gustong magpakasal sa'yo."

Say what?!! Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatayo na lang ako sa gulat. This can't be true. Who in his right mind would want to marry me? Besides, why would he would want to marry me, eh hindi ko nga kilala ito? Baliw na ata itong lalaki na sinasabi ni Dad.

Without me saying anything. "And yes. Pumayag ako sa alok niya. I decided na ipakasal ka sa kanya."

"What the..." Hindi ko napigilang maibulalas. Hindi yata't hindi kami nagkakaintindihan ng Daddy ko.

Simula ng umalis ako sa bahay niya, I assumed my freedom. Hindi lang sa mga ginagawa ko at mga lakad kundi pati na rin sa mga desisyon ko para sa sarili ko... lalo na sa buhay ko. Why now? Akala ko naiintindihan na niya. Akala ko clear na sa kanya ng tumayo ako sa sarili kong paa lalo na noong nadapa ako.

"Stop when you're about to curse, Ashley. Ito lang pala ang makakapagpasalita sa'yo. I want your happiness more than anything else, Anak. Gusto kong makita kang ikasal sa lalaking nararapat para sa'yo. Sa lalaking kayang ibigay ang buhay na dapat at pinagsikapan ko ring ibigay sa'yo. This bachelor can give you everything, Ash. He talked to me about his pure intention to you. He loves you, Anak." Paliwanag sa akin ni Dad pero my mind is already in limbo.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now