Chapter 41

780 25 2
                                    


[Ashley]

Ang aga naming umalis papuntang Baguio. Dalawa lang kami ni Miguel. Iniwan na namin si Blue sa yaya nito.

It had been a long silence during our 5 hours trip from Manila to Baguio at dalawang oras pa ulit bago namin narating ang nayon nila pero ayos lang. Mas gusto kong sumama kasi gusto kong malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Miguel.

Maybe after this, after kong malaman ang totoong pinagmulan ng taong katabi ko ngayon, at kung siya talaga si Miguel Perez na sinasabi niyang buo niyang pangalan at hindi si Tristan, hmmm, siguro its time na rin na tanggapin ko sa sarili ko na wala na si Tristan... na talagang patay na siya.

Isa pa curious din ako sa binabanggit nitong si Leah. Not that i'm jealous. Argh! Oo na. Nagseselos na ako pero konti lang. Duda kasi ako na may relasyon silang dalawa ni Miguel.

Natatandaan ko kasi na isa ito sa mga pinalaya ko sa kulungan ilang araw na ang nakakaraan. Ganoon nalang siguro kahalaga sa kanya ang babae kaya niya nagawang tanggapin ang inaalok ko. Gusto ko lang din masiguro na wala akong maapakang tao sakaling totohanin ni Miguel iyong sinabi niyang gusto niyang maging kami.

"Kaya pa, Ash?" Baling ni Miguel sa akin ng naglalakad na kami paakyat ng bundok.

Tumango na lamang ako kahit hingal na hingal na. Fit naman ako pero ang matarik na bundok ang nagpapahirap sa pag akyat namin.

Tama nga siya. Nakakapagod ang paakyat sa bundok kung saan sila nakatira. Pawis na pawis at init na init na ako pero dahil sa ginusto ko ito, wala akong karapatang magreklamo.

"We're here." Sabi nito makaraan ng ilang minutong paglalakad.

Noong huli kong punta dito sa nayon ay hanggang sa eskwelahan lang kami. Mabuti at may madadaanan ang sasakyan papasok doon hindi kagaya dito na talagang paglalakad lang ang means of transportation.

Para nga siyang kumunidad sa ibabaw ng bundok. May iilang kumpol ng kabahayan na yari sa kawayan at pawid ang nadatnan namin. May nakita rin akong basketball court sa may dulong bahagi at may maliit na palaruan ang mga bata.

Pinapaligiran ang mga kabahayan ng maraming puno ng niyog at kung ano ano pang malalaking puno.

Sigurado akong pagkakaingin, pagtotroso at pagkokopras ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa dakong ito.

Kitang kita ang kahirapan ng lugar na ito pero bilib ako sa mga nadadaanan namin. Nakangiti pa rin ang mga tao despite all these hardships. Hanga ako sa ganitong uri ng mga tao.

"Leah! Lendy!" Sigaw ni Miguel ng marating namin ang isang maliit na kubo.

"Kuya!" Agad sinalubong ng isang bata si Miguel na agad namang kinarga nito.

"Wow! Ang gwapo mo na kuya ah. Hala! Si Atty. Idol!"

Agad itong kumalas kay Miguel ng mapansin ako nito.

"Kuya dinala mo siya. Hindi ko pa naman birthday ah."

Kunot noo kong tinitigan ang bata. Kilala ako nito? Ah. Baka estudyante rin siya sa paaralan sa nayon.

Nakakalbo na ang bata kaya sigurado akong siya ang tinutukoy ni Miguel na batang tinutulungan nitong magpachemo.

"Ahh. Ash, si Lendy 'yan. Siya 'yong sinasabi kong kapatid ni Leah. Hindi ko pala nabanggit sa'yo. Idol na idol ka niyan. Kaya nga kita nakilala dahil sa kanya. Noong namahagi kayo ng mga school supplies sa school nila noong nakaraang linggo. Sabi niya kasi darating kayo kaya isa rin ako sa nakiusyoso noong pumunta kayo rito at nakita nga kita." Paliwanag ni Miguel.

So? Nakilala na pala niya ako noon pa. Dito pala sa Baguio ang una naming pagkikita. Hmmm. Hindi pala coincidence ang pagkikita namin sa Manila?

"Alam mo, Atty. Idol, bagay po kayo ni Kuya Migs. Totoo po. Sinabi ko po sa kanya iyan noon. Hindi ba kuya, Migs?"

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now