Chapter 39

721 22 0
                                    


[Miguel]

"Kakayanin ko bang maging si Tristan Lorenzana?" Naisa-isip ko habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Atty. Salameda.

Kagaya nga ng sinabi ko sa kanya kaya kong magpanggap na ama ni Blue. Ang bait naman kasi ng bata at ang gaan ng loob ko sa kanya. Kagabi lang kami nagkakilala pero feeling ko matagal na kaming may ugnayan ng bata. Bukod kasi sa kapatid ni Leah na si Lendy wala nang bata ang nakakuha ng loob ko. Medyo matagal pa nga bago kami naging close ni Lendy pero si Blue? Agad agad nahulog ang loob ko sa bata.

At ang maging asawa ni Atty.? Hindi na masama. Alam kong kakayanin ko sapagkat una palang...sa nayon palang, gusto ko na siya. Ang ganda niya naman kasi. At wala kang masasabi sa kabaitan. Kahit pa sabihing hindi pa naman kami matagal na nagkakakilala pero alam ko at ramdam kong mabuting tao siya. At kagaya ng sinabi ni Blue ang sexy niya.

Tinitigan ko siya. Kung hindi ko nga lang alam na anak nito si Blue...mapagkakamalan ko siyang dalaga pa. Ang ganda ng hubog ng katawan na animo'y isang modelo na nakikita sa mga sikat na magazine na minsan ko ring nababasa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga sa kanya.

Kaso hindi lang iyon. Ang amo ng mukha niya na parang hinihipnotismo ako kapag tinititigan ko. Pinipigilan ko na nga lang ang sariling kong tumingin at baka mahalata niyang napapatulala ako sa kagandahan niya.

"Ano ba ang dapat kong gawin para maging si Tristan, Atty.?" Tanong ko sa kanya.

Tinitigan ako nito na wari'y sinusuri.

"Hmmm. First of all, call me 'Wifey'." Nakangiti nitong sagot.

"Wifey? Bakit?" Kunot-noo kong tanong.

Tumingin muna ito kay Blue na naglalaro pa rin sa pool.

"Iyan kasi ang tawagan namin ni Tristan. 'Wifey' ang tawag niya sa akin. 'Hubby' naman ang tawag ko sa kanya. Husband and wife ang ibig sabihin niyan. At huwag na huwag kang magkakamaling tawagin akong Atty. Okay na Ashley or Ash kung minsan."

Napatango-tango na lamang ako.

"Okay wifey." Sagot ko.

Napatitig agad ito sa akin. Ako man ay nagtaka kung bakit ang dali lang para sa aking tawagin siya ng gano'n.

"Good. Ang bilis mo palang matuto. Mamaya ipapagupit natin iyang medyo mahaba mong buhok. Ipapafacial din kita at ibibili ng mga damit."

"Fa...facial? Gupit?" Parang gusto ko yatang umatras.

Sanay na kasi ako sa ganito kong itsura. Iyong rugged lang. Gustong gusto ko itong hanggang balikat kong buhok na pinoponytail ko lang.

"Clean looking kasi si Tristan at hindi badboy ang dating na kagaya mo."

Natawa naman ako sa badboy. Ni wala pa nga akong babaeng nilalapitan bukod kay Leah na lagi kong kasa-kasama. Ang totoo hinahanap ko pa ang babaeng makakapagpatibok ng aking puso, ang babaeng makakapagpatigil sa ikot ng mundo ko. Isang kagaya ni Ashley.

Hala? Bakit si Atty.agad ang naisip ko?

"Sige na nga. Basta huwag lang kalbo ha?"

Natawa naman ito sabay tayo.

"Ayoko ng asawang kalbo no. From now on tatawagin na kitang Tristan ha? Don't get me wrong. Kailangan ko lang din masanay at ng walang makahalata na hindi ikaw siya."
Sabi nito habang nakatalikod paharap kay Blue.

Nakakatakam ang backside niya. Parang bigla akong nag init ng mapadako ang mata ko sa dakong puwitan niya.

Nakakapaglaway. Naramdaman ko rin ang pagkislot ng alaga ko.
Haist! Ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang reaction ng katawan ko sa kanya.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now