Chapter 12

874 31 0
                                    


[Tristan]

Napalunok ako. Hindi na ako halos mapakali sa kinakatayuan ko. Init na init ako na ewan.

Paano ba naman kasi ay nasa beach front kami. Pose dito pose doon ang ginagawa ng mga modelong kasama ko suot ang mga sexy two piece swimsuit nila.

Ako itong halos hindi mapakali sa kinakatayuan ko dahil inaakit ako ng Ashley na ito.

Titig palang kasi n'ya para sinisilihan na ang puwet ko. Sinasadya talaga akong akitin nito.

Oo, napag usapan namin ito kagabi pero iba pala ang epekto sa totoong buhay.

"Tss! Ang daming alam eh." Sabi ko sa isip ng mapansin ko ang pagkagat-labi nito habang nakatingin sa dako ko.

Alam kong scripted lang ang lahat. Nasa gilid rin kasi at nanood si Paulo. Alam kong pinapagselos niya lang ito para marealize nito ang worth niya.

Ako naman itong si tanga na willing gawin ang lahat para sa kanya. Kahit pa sabihing ako ang dehado rito. Ako itong nasasaktan ng sobra.

Kaya nga grabe nalang ang galit ko ng malaman kong mahal pa ni Ashley si Paulo magpahanggang ngayon. Hindi lang ako galit dahil sa pagpapakatanga niya kundi dahil sa sobrang nagseselos ako.

Yes. I'm jealous and that's because I do love her.

Naalala ko tuloy ang napag usapan namin kagabi.

*Flashback*

Kumatok ako sa kwarto namin. I'm not sure kung gising pa si Ashley because its already past midnight.

"Ashley! Ash! Open the door." Sigaw ko sa labas.

Napasandal ako sa pintuan dahil nakakaramdam na ako ng sobrang pagkaliyo. Naparami yata ang inom ko.

"Ops!" Kamuntik na akong matumba kung hindi lang ako napahawak kay Ashley ng binuksan nito ang pintuan.

"Watch out, Tris. What happened?"

Diretso akong pumasok sa kwarto at humiga sa kama.

"Uy! Tristan. Ano ba ang nangyayari sa'yo ha? Lasing na lasing ka ah?" Sumunod naman ito sa akin matapos mailock ang pintuan.

"Hmmm. I'm fine. It's nothing, Ash. I'm just enjoying Palawan." Sagot ko dito habang nakapikit na.

"Silly. You're drunk. Have you been with the girls?"

"What if I am? Are you jealous?" I opened my eyes para tingnan ang rection niya.

Nakapameywang ito sa harapan ko at wari'y inis na inis pero pilit nitong tinatago. I can't help but laugh hard.

"What's so funny, Tristan?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"Nothing. You're cute when you do that."

"Talaga lang ha? Don't think that i'm jealous. Because i'm not. I just don't want you flirting with girls because I need you in my plans."

Napaupo ako sa kama and lazily looked at her. Ipinilig ko ang ulo ko para magkasense ang sinasabi niya. Hinihila na kasi ako ng antok.

"And what plan could that be, my boss?"

"Act as my true boyfriend, Tristan. Iyon naman ang pakilala mo sa sarili mo sa kanilang lahat, 'di ba? Let yourself be my shield from Paulo's captive."

Natawa ako. "I can be your boyfriend, boss. But how can I be your shield?"

Sumeryoso ako bago nagsalitang muli. "Ikaw kasi mismo ang kusang lumalayo sa akin. You said I'll help you with moving on pero sa malas ay iba ang narealize mo ng magkita kayong muli. Mahal mo pa ang gagong iyon kahit pa iyon na ang ginawa sa'yo. Ikaw na ang mismong gumagawa ng mga decisions mo. Okay na sana pero mali eh. I can protect you but try to help yourself and get over with your feelings for him. Ayaw kitang masaktan, Ash. If you choose na balikan siya hindi kita pipigilan. But as your bodyguard, I'll be here by your side no matter how hard it is for me to see you with another guy. Hindi kita hahayaang masaktan niya kaya mas pipiliin kong nasa tabi mo lang ako palagi." Mataman itong nakikinig sa sinabi ko.

"I told you, I still love Paulo. I think I am. Pero natatakot akong balikan siya lalo at may fiance na siya. Magiging mahirap para sa akin na nandito ako at malapit lamang siya. Alam ko na konting push lang niya bibigay na rin ako sa kanya. Gusto kong iwasang mangyari iyon kaya sana do everything para maibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Let yourself be my instrument para hindi matukso sa kanya. If you can, tuksuhin mo ako."

Natawa ako sa huling sinabi niya. The least that I will do with a woman is to seduce her. Oo, lalaki ako and I can easily do that if I wanted to.Pero hindi kasi ako ganoong uri ng lalaki. Gusto kong maging mutual ang feelings namin sa isa't isa before I dive into bed with her. At ang gusto ng Ashley na ito ay gawin ko ang bagay na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko...at iyon ay ang pang aakit mismo sa kanya para makuha ang atensyon niya.

"You're impossible, Ash."

"Okay. Ayaw mo pala eh. Madali naman akong kausap. Hahayaan ko nalang ang sarili kong mahulog muli ng tuluyan kay Paulo." Sabi nito sabay talikod at akmang lalabas ng kwarto.

"No! Don't you dare do that, Ashley! Oo na. Gagawin ko na nga 'diba?" Nakangiti lang itong bumalik sa kama at niyakap ako.

"Thank you, Tristan." She kissed my cheek after she've said that.

Why so sweet, Ash? Hmmm... Magiging problema yata ito sakaling hindi magwork. Alam kong nahuhulog na ang loob ko kay Ashley and if I failed na maibaling ang atention niya from Paulo, ako itong masasaktan.

Bahala na nga. I will do whatever it takes to catch her attention fully. I will make her fall in love with me too.

*End of Flashback*

"Good take girls. We're done for today." Sabi niyong photographer ng photoshoot na ito.

I grab Ashley's robe from her chair at sinalubong ko siya.

Nakikita ko sa pheripherals ko si Paulo na titig na titig sa naka two piece lamang na si Ashley.

"You've done well babe. You look great. Alam ko ganoon din sa pictures." Nakangiti kong bati kay Ashley.

"Really? Thank you babe." Sabi nito sabay lingkis ng braso sa leeg ko.

Hmmm... Napag usapan ba naming ganito siya ka close?

Hirap na hirap na nga akong titigan siya sa shoot kanina. Mas lalo na ngayon na yakap-yakap niya ako at halos hubo't hubad na siya sakaling tinanggal ang two piece na suot niya. Ramdam ko ang bawat kurba ng katawan nito.

Sh*t! I can't help but take deep breaths.

"Lalamigin ka babe. Kanina ka pa nakatwo piece. Here. Isuot mo na itong robe mo." Sabi ko as I handed her, her robe.

"Psh! I don't need that. Paano akong lalamigin kung ang init naman ng katawan mo babe?"

Halos malunok ko na ang dila ko...hindi lang laway sa ginawa niya. Inilapit pa niyang lalo ang katawan sa akin.

"Stop it, Ash. You're not helping. Alam kong this is just a show for Paulo pero hinay-hinay naman." Bulong ko sa tenga niya.

"Hahaha. Bakit, Tris? Nag iinit ka na ba?" Ganting bulong nito.

"Did I say so? Hindi ba pwedeng mainit lang talaga ngayon?"

"Hahaha. Liar. Nag iinit ka na eh. Hayaan mo may gantimpala ka mamaya." Halos manginig ako sa ginawa niyang pagdila sa neck ko.

"Go get a room guys!" kantiyaw ng mga kasama nitong modelo.

Tawa lang isinagot nito sabay hilig sa dibdib ko.

"Oh. Ano pa nga ba ang hihintayin natin babe." Pinangko ko siya at gulat ito sa ginawa ko.

"Sobra na iyan, Tris. PDA masyado."

Ngiti lang ang sinagot ko sabay halik sa tungki ng ilong nito.

Saglit nag iba ang expression nito pero hindi ko na mabasa kung ano iyon dahil itinago na nito ang mukha sa may dibdib ko.

"I'm leaving, Amanda." Narinig kong sabi ni Paulo bago ito nagpatiuna sa amin.

Ni hindi kami nito sinulyapan kahit kamuntikan na niya kaming banggain.

"Effective, Tris. Keep it up." Mahinang sabi nito sabay tapik sa cheeks ko.

Hay. Kung alam mo lang kung gaano ito kahirap, Ash.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now