Chapter 40

793 21 0
                                    

[Ashley]

"Hindi pala kita pwedeng mahalin." Bulong ko sa sarili.

Natampal ko ang noo at natutop ang bibig ng marealize ko na napalakas pala ang bulong kong iyon.

Naku! Sana hindi niya narinig. Sana nakatulog na siya.

Nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo ng idantay nito ang kamay sa balikat ko. Ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang epekto niya sa katawan ko.

Kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko sa tuwing dumadampi ang alin mang parte ng katawan niya sa katawan ko. His touch really feels familiar.

"Ash, pwede namang toto..."

"Mommy! Daddy!" Sigaw mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Mamaya nalang tayo mag-usap, Migs." Sabi ko.

Curious man ako sa gustong sabihin ni Miguel pero mas kailangan ako ni Blue. Baka hindi na naman siguro ito makatulog.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakangiting Blue ang nabungaran ko.

"Oh? Why, Blue? Is there anything wrong? Bakit ka sumisigaw?"

"Hmmm. You two nearly forget about me. You were out the whole day without taking me with you." Nakahalukipkip nitong sabi sabay pasok sa kwarto at akyat sa kama namin ni Miguel.

Napangiti ako. "My baby is jealous. Please understand, Blue. I had to take care of your Daddy's needs. Look at him. He looks like that man in the picture already."
Agad naman itong bumaling sa nakangiting si Miguel at sinapo ang mukha nito.

"Yeah. You look good, Daddy. Awesome! Please drive me to school tomorrow, Daddy. Please." Sabi pa nito habang patalon-talon sa kama.

Napailing nalang ako sa kakulitan ng bata. Sobra yata itong naoverwhelmed sa presence ng 'Daddy' niya.

"Sige. Pero kailangan mo munang magpromise sa akin."

Tumingin naman ang bata kay Miguel na wari'y hinihintay kung ano ang sasabihin nito.

Bumulong naman ito sa bata at nagliwanag ang mukha nito sa kung anumang sinabi ni Miguel sa kanya.

Nag appear pa ang mga ito habang patango-tango si Blue. Napakunot-noo tuloy ako sa kung anumang sekreto nila.

"I'll be sleeping in here, Mommy."

Iyon ba ang usapan nila? Bakit? Ayaw ba ni Miguel na mapag-isa kami rito? Hmmm.

"Okay." Sabi ko sabay higa.
Nahiga naman ang bata sa gitna namin.

"Hug me please, Mommy, Daddy." Request pa nito sabay pikit.

Agad namang tumalima si Miguel na siya ko nalang din ginawa. Halos ikinapanindig pabahibo ko ng pagdaupin ni Blue ang mga kamay namin sabay patong ng kamay niya.

Tsk! Ang daming alam ng bata.

Maya-maya pa ay halatang nakatulog na ito. Agad ko namang tinanggal ang pagkakadaop ng mga kamay namin na wari'y napapaso.

"Ano nga ba iyong sasabihin mo kanina, Migs?"

"Wala Ash, kalimutan mo nalang muna. Sasabihin ko rin sa'yo sa tamang panahon."

"Iniiwasan mo bang mapag-isa kasama ko? Hmmm. Natatakot ka ba sa akin?"

"Hindi naman. Ayoko lang magtake advantage. Hindi kasi tama."

Napabuntong hininga ako.

"Huwag kang mag alala. Wala akong planong magtaksil kay Tristan." Sabi ko nalang sabay baling sa kabilang dako.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now