Chapter 27

832 25 0
                                    


[Tristan]

I saw her car entered our garage.

"Surprise, babe. I'm home." Ang lapad ng ngiti ko matapos kong gulatin si Ashley.

Akala talaga siguro nito sa makalawa pa ang uwi ko.

Nagulat nga siya pero hindi ito iyong uri ng gulat na inaasahan ko. Ni hindi ako nito sinalubong ng ngiti at yakap na kagaya ng gusto ko.

Tahimik lamang itong pumasok ng bahay patungo sa kwarto namin.

"What's wrong babe? Aren't you happy to see me?"

Hindi ito sumagot bagkus ay nahiga lamang sa kama at nagkumot.

Kunot-noo ko siyang tinitigan.

"Hmmm. Seemed that you've drink too much tonight." Sabi ko nalang sabay kuha ng pajama nito sa closet.

I undress her. Hinayaan lamang niya ako, ni hindi siya nagrereklamo, ni hindi niya ako tinitease kagaya ng madalas niyang ginagawa.

"Done." Nakangiti kong baling sa kanya pero heto at poker face pa rin siya.

Napabuntong hininga ako. "May problema ba, Ash?"

Tinabihan ko siya sa kama.

"Nothing, Tristan." Sabi nito pagkaraan ng ilang minuto.

Pilit itong ngumiti pero alam kong peke lamang ang nakikita ko.

"Is there anything wrong, Ash?"

Umupo ito sa kama and looked at me.

"Hmmm... Wala naman. I've realized that i'm not happy with this set up anymore, Tristan."

"Huh? What do you mean, Ash?"

"Hmmm... Can you be just one of my flings, Tristan?"

Kunot-noo ko siyang tinitigan.

"What are you talking about, Ash? Hmmm... Maybe you just need some rest. Tulog ka na. Lasing ka lang, Ash."

"I'm not, Tristan. Hindi ako lasing. Hmmm... Let's say na ang pag iwan mo sa akin dito for a week made me realize things."

"And what could that be? May palagay talaga akong may mali eh. Bakit hindi mo nalang kasi sabihin sa akin ang problema at ng maayos natin agad ito?"

"Wala namang aayusin, Tristan. I told you, we can be flings. Ako pala iyong uri ng babae na hindi kayang magbago. Konting palipad-hangin lang ng lalaki bumibigay agad. Alam mo ba? Nang iniwan mo ako ng 1 week dito? I had been with atleast a man at night. Minsan dala-dalawa pa nga eh." Ngumiti ito ng pilya.

"Sinungaling. Jinojoke mo ba ako, Ash? If you are, stop it. Hindi ka nakakatuwa. Ang ayos naman ng pag uusap natin sa cellphone kaninang umaga ah."

Tumawa ito ng pagak. "But of course, Tristan. Playgirls are good with flirting... with handling mens' emotion. Kapani-paniwala naman, hindi ba? Hmmm... Let us say na you are one of my favorite flavors. Gwapo ka, sobrang yaman pa."

"Iyon naman pala eh. Favorite mo naman pala ako. Bakit hindi ka nalang magfocus sa akin? Bakit hindi mo nalang ako seryosohin?"

Ngumiti ito and hold my cheek.

"Dahil ang iisang lasa ay nakakasawa rin kalaunan. And i'm the type of a girl na mabilis magsawa. Lalo na kapag boring ang isang lalaki."

Nagsisimula ng mag init ang ulo ko sa naririnig ko mula sa kanya. I'm trying to keep my cool kanina pa pero heto't mukhang nauubusan na talaga ako ng pasensya.

"Hey! You're turning red. Galit ka na niyan? I'm just trying to tell you a fact here. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ako masaya sa pagdating mo? You ruined my plan for tonight. Supposedly ay may kukunin lang ako dito at aalis ako ulit. I'm going out with a guy I met at the bar tonight."

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now