Chapter 32

836 26 0
                                    

[Tristan]

"Wifey?" I called Ashley to get her attention.

Hindi yata nito napansin ang pagbabalik ko. Kumuha kasi ako ng inumin sa loob ng bahay.

"Look at that constellation."

Lumalapit ako sa kinaroroonan niya. Nakahiga ito sa buhanginan na binanigan ng tela habang tinitingala ang maningning na kalangitan. Halatang nawiwili ito sa nakikita.

Ilinapag ko ang dala ko bago humiga sa tabi nito sabay yakap sa kanya.

"A big dipper." Sabi ko while looking at it.

"Yes. Gustong gusto kong hinahanap ang mga constellation sa tuwing nagkakaroon ako ng oras tumingala sa langit kung gabi. Gusto mo rin bang pinapanood sila?" Nakangiting tanong nito.

"As a matter of fact, I do. I feel solemn, at peace and relaxed whenever I look at them."

"Hmmm. Have you tried stargazing with someone?" She asked, pouting.

"Hmmm... I can sense something based on that question and the pout. Are you jealous, wifey?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Imbis na sagutin ako ay nagsumiksik ito sa kilikili ko. Halatang itinatago ang mukha nito, marahil ay nahiya rin sa tanong niya.

"Hmmm. Never had. Ngayon lang. With you." Sabi ko.

Doon na siya tumitig sa akin habang nangingiti.

"Good to hear." Parang bata nitong sagot sa akin. Its as if stargazing with someone is of great importance to her.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tumingalang muli sa langit.

"I usually go stargazing when i'm sad or problematic. Its as if the stars give me comfort and joy. They also know my silent wishes."

"Hmmm. May I know what are those wishes, wifey?"

"I wished that the first man who'll go stargazing with me will be the man i'll marry and be with forever." Nakangiti nitong sagot.

"I guess your wish had been granted, love." Sagot ko rito as I hug her.

"Surely. Hmmm. Look at that brightest star in there... that star beside the big dipper. That's my favorite star." Nakangiti nitong turo.

Tinitigan ko ang star na iyon.

"Hmmm. I'll remember that star, wifey. Kapag nasa Manila ako at nandito ka sa Cebu or wherever, tatawagan kita and we will both look at that star as if we are together on the same place."

"I like that, hubby. I wish to do stargazing with you for the rest of our lives." Sabi nito bago isinandal ang ulo sa dibdib ko.

Wala na akong narinig sa kanya after that. I thought pinapanood niya lang ang mga bituin pero nakatulog na pala ito ng tingnan ko.

Napangiti ako. Napagod yata sa ilang beses naming pagniniig.

She is as unique as the stars. I thought noon na, she's just this happy go lucky girl na walang ibang hobby kundi magcollect ng lalaki. Malalim na tao rin pala siya pero simple lang din. Stargazing lang happy na siya.

I stared at her star. It is also my star now. "I wish we could fight and win battles for this love until the end."

***
"Sasama ako." Sabi nito habang magkahawak-kamay kaming naglalakad papasok sa airport.

"Hindi ba, I told you, mabilis lang ako doon. Makikipagkita lang ako kina Marco tapos babalik na rin agad dito sa Cebu."

"Eh hindi ako mapapakali na nandito ako at nasa malayo ka." Sabi nito at halata sa pagkakahawak niya na ayaw nitong bumitaw sa akin.

"Hay! Sana sinabi mo agad kanina. Eh 'di sana dalawang ticket ang pinakuha ko. Pero halika sa ticketing office. Baka may available pa."

Napangiti nito.

"Thank you, hubby. Hindi kasi ako mapapalagay lalo na at si Marco pa ang kakatagpuin mo." Sabi pa nito.

"Hindi ba I assured you naman na walang mangyayaring masama sa akin. Malakas ba ang charm ko, wifey?" Kunot-noo itong napatitig sa akin.

"Eh kasi parang ayaw mo na akong pakawalan. Hindi naman ako magpapaagaw sa iba ah." Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Ang kapal mo naman, Mr. Lorenzana. To the highest level yata ang self-confidence mo?" Tumawa ito pero maya-maya ay sumeryoso na. "Mahal lang talaga kita, Tristan. Ayokong mawala ka pa sa akin kasi ikaw lang ang meron ako."

I hugged her. "Tara na. May tatapusin pa tayong laban."

***
Nakangiti ako habang nagmamaneho.

"She really love me that much." Nasabi ko sa sarili.

Kung hindi ko pa siya pinilit na magpaiwan sa bahay ay sasama pa talaga siya sa pagpunta ko kina Marco.

Ayokong isama siya sapagkat alam kong mabilis ko lang matatapos ang problema kay Marco at makakauwi na ako kay Ashley. Isa pa, may bibilhin ako para sa kanya na hindi niya pwedeng makita.

"Kamusta, Marco?" Agad kong bati ng dumating ako sa bar na tagpuan namin.

Nakipagkamay ito sa akin habang nakangisi. I get a hint na hindi nito alam na nagkabalikan na kami ni Ashley at nasunod ang plano ayon sa kagustuhan nito.

"Hello, Tristan. Have a seat. We are very fine. Are you ready to give up your 25 percent share to us now?" Nakangising bungad nito.

"Hmmm... I would surely do so if I lose pero I won the bet, Marco." Sabi ko sabay upo.

Napalis ang ngiti sa labi nito.

"Ashley Salameda! That f*cking bitch!" Sabi nito sa nanggagalaiting tinig.

"Chill. Your separate deal with Ashley doesn't have anything to do with me winning this bet." He eyed me curiously.

"See this?" Kinuha ko sa bulsa ko ang kopya ng marriage contract namin ni Ashley.

Kinuha niya ang papel mula sa kamay ko at nanlaki ang mga mata nilang apat matapos mabasa ang nilalaman nito.

"So paano ba 'yan? Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkapanalo ko, Sarmiento."

"This is fake!" Sigaw nito sabay punit sa papel.

"Kahit ipacheck mo pa, Sarmiento. Nakarecord ang kasal namin ni Ashley Salameda. It is valid." Sabi ko rito habang nakangiti.

"This can't be." Pinukpok nito ng kamay ang lamesa.

"Mandaraya ka, Lorenzana!" Sigaw nito na ikinainit ng ulo ko.

"Ako pa ang madaya, Sarmiento? Eh kayo itong mga mandaraya! Una, iyong pagthreathen ninyo kay Ashley na layuan ako dahil kung hindi ay papatayin ninyo ako. Pumayag siya, Marco. Nagtagumpay ka na sana doon until I discovered it 3 days ago. Wala akong proof, 'di ba? Pwede ninyong pasinungalingan iyon. Eh ito?" Isang folder ang ipinatong ko sa lamesa.

"Siguro naman ay alam na ninyo ang nilalaman ng folder na iyan. Declaration of bankruptsy ng mga kompanya ninyo. Sa una palang ay wala na akong mahihita sa deal na ito. Matalo man kayo wala naman akong makukuha kasi bankrupt na iyang mga kompanya ninyo."

Tumayo na ako. "Iyan lang ang ipinunta ko dito, Marco. At isa pa pala. I'm not interested to get my 'winnings'. Sa inyo na ang mga kompanya ninyo. At binabalaan ko kayo, huwag na huwag na kayong magpapakita sa akin, sa amin ni Ashley. Kapag may isa mang napahamak sa amin, sa kulungan ang bagsak ninyong lahat." Sabi ko sabay talikod.

Now, Ashley and I have nothing to worry about. Wala ng bet na mapapagitna sa pagmamahalan namin.

Now, its time that I prepare for our church wedding. Syempre una muna ang wedding proposal.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now