Chapter 10

928 34 3
                                    

[Tristan]

"Let me carry your baggage." Pilit kong inagaw ang maleta nito.

"Kanina ko pa nga sa airport sinasabi na kaya ko, 'di ba?"

Tss! Nagtataray na naman siya. Akala ko nga okay na iyong proposal ko sa kanya kagabi na tutulungan ko siyang magmove on kay Paulo pero hindi yata't balik na naman ito sa dati. Pinapagana niya na naman ang defense mechanism niya. Dinadaan na naman nito sa pagtataray ang pagpipigil na mapalapit sa akin. Tsk! Mga babae talaga...ang hirap espellingin.

"Akin na nga sabi. Tingnan mo, andoon na ang mga kasama natin, tayo nag aagawan pa rin dito."

Inagaw ko dito ang maleta niyang ibinaba ng driver mula sa likod ng van, sabay talikod padiretso sa resort na siya ring location ng photoshoot at fashion show nila.

We'll be staying for about 2 week kung kaya't sigurado akong napakabigat ng dala-dala niyang maleta na kanina pa siya hirap na hirap sa pagtutulak sa may airport.

"Tama nga ako. Parang pang isang taon ang dami ng dala-dala mong gamit." Panunudyo ko pa rito habang sumusunod sa mga kasamahan namin.

"Tss! Pakialam mo ba, ha? Eh sabi nga sa'yong..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng sinalubong kami ng 2 tao. Isang babae at isang lalaki.

Kunot-noo kong tinitigan si Ash ng mapansin kong napahawak ito sa braso ko at natigil sa pagbubunganga. Halatang kinabahan ito sa paraan ng paghawak niya sa akin at sa nararamdaman kong panginginig niya.

I saw a glint of anger in her eyes as she looked at the man na kasama ng babaeng sumalubong sa amin pero i'm clueless. Hindi ko naman kasi kilala ito pero s'ya, mukhang kilala niya yata ang lalaki.

"Are you okay?" Bulong ko sa tenga niya.

Pilit naman itong tumango at ngumiti pero hindi na ito nagtataray pa kagaya kanina.

Hmmm... I smell something fishy. Hindi yata't may kinalaman ang lalaking iyon sa pananahimik at pagbabago ng mood ni Ashley.

"Welcome to El Nido, welcome to Diamond Resort and hotels." Bati ng nakangiting babae sa amin.

"Let me introduce myself. I'm Amanda Villaraiz. Family namin ang may ari nitong Resort at ang kanugnog nitong hotel pati na rin ang mga hotel sa mga kalapit na bayan. Ang hotels namin ang pinakamaganda at pinakaelegante sa lahat ng hotel dito sa Palawan." Ang boastful naman ng tono ng pananalita niya.

Hmmm. If I can recall, isa ito sa mga property na technically ay pag-aari ko na dahil matagal na itong nakasanla sa akin. Maybe this lady here doesn't know that her family is in debt at me. Maybe her father haven't told her about it. Pero that's another story. Hindi ako manghihimasok sa problemang pampamilya. As long as mabuti ang pagtanggap niya sa amin dito, I don't see any problem.

In 2 years time kapag hindi pa nila nabayaran ng buo ang pagkakautang nila sa kompanya ko... their resort and hotels will all be mine.

"Ako rin pala ang designer ng mga susuotin n'yong summer wear sa photoshoot at fashion show. Alam kong mga ramp models kayo at ang pagrampa lamang suot ang aking mga obra ang supposedly trabaho ninyo. Pero, as you all know, I want you to pose in front of the camera wearing my summer collection kasi ifefeature siya sa isang local magazine at sa coffee table book na gagawin ko for myself. Of course that's with extra pay para sa inyong lahat. Sagot ko rin ang lahat ng pangangailan n'yo habang nandito kayo." Pag eexplain pa nito sa mga matamang nakikinig na mga modelo.

Hmmm. Ang awkward nga lang para sa akin kasi ako lamang ang lalaking kasama. Mas awkward kasi bodyguard ako ni Ashley at hindi isang modelo.

"Oh, by the way this is Paulo Garcia. My fiance." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Ashley sa akin.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now