Chapter 9

921 31 0
                                    

[Ashley]

"Gusto lang naman kitang tulungang magbago, Ash." Lakad takbo na nga ang ginawa ko pabalik sa kotse pero naabutan pa ako nito.

Ang kulit talaga ng lalaking ito. Kamuntikan na ngang mabangga ng truck pero heto at kung ano ano pa ang iniisip at sinasabi.

"Pwede ba, Tristan, lubayan mo muna ako sa kakulitan mong iyan kahit ngayong gabi lang? Oo na nga 'diba? Hahayaan na kitang tulungan akong magbago. Pero please lang naman, stay at a distance." Sigaw ko dito ng makalayo na ako ng konti.

Ang layo naman kasi ng binagsakan ng kotse niya pero mas mabuti na iyon atleast sa damuhan siya napadpad at hindi siya nabangga sa mga naglalakihang punong kahoy na nandito rin. Konsyensya ko pa sakaling nasaktan siya.

"Why do I have to keep my distance? Bodyguard mo kaya ako. Normal lang na nasa tabi mo ako palagi." Tss! Ang kulit talaga.

Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay na ako sa kotse pero napataas ang kilay ko ng pumasok ito at umupo sa passenger seat.

"Oh. Why are you here? Bakit ka pumasok dito? Hindi mo manlang ba aalamin kung ano ang sira ng sasakyan mo? Lumabas ka nga. Bumalik ka na doon." Pagtataboy ko pa sa kanya.

"Eh paano kung ayoko? Mamaya iwanan mo pa ako dito. Hindi ko alam kung gagana pa iyong kotse ko kasi tumagas na iyong gasolina kanina. Wala pa namang dumadaang taxi sa mga oras na ito." Umupo ito ng maayos sa passenger's seat at nagseatbelt pa. Pumikit ito at akmang matutulog na.

Aba naman. Ang kapal din ng lalaking ito eh.

"Ano nga ba kita, Tristan?" Tanong ko dito.

"Hmmm?" Dumilat ito at tumitig sa akin. Nginisihan ako nito na wari'y nanunudyo. Mabilis ko namang ibinaling sa ibang direksyon ang paningin ko sapagkat nakoconscious ako sa mga titig niya.

"I'm asking you. Ano ba kita, Tristan Lorenzana?"

"Oh, bakit hindi ka makatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha, Ash?"

"Why do I have to look at you? Just answer my question."

Tumawa ito at nagulat ako when he hold my shoulders at ibinaling ako sa dako niya. He held my chin and look at me straight in the eyes.

"I'm just your bodyguard. Iyon ang gusto mong sabihin ko hindi ba, Ash? I am...but just in papers. Ayon iyan sa pinirmahan kong kontrata sa tatay mo. Pero ngayon? Hindi lang pagiging bodyguard ang gusto kong papel sa buhay mo, Ashley. I want to have you... I want you for myself. And besides, my work for your Dad is just to be your bodyguard. Wala akong pinirmahan na kontrata na ipapaubaya kita sa kung kanino mang pontio pilato. Hmmm... To think of it hindi din naman naisaad doon kung sino ang papakasalan mo. Basta gusto lang ng tatay mo na maging karapat dapat ka, sino man ang lalaking iyon. Hindi naman sigurong masamang hangarin na ako na sana ang lalaking iyon, 'di ba?"

Dapat na ba akong kiligin sa sinabi niya? Sa totoo lang, simula ng dumating siya sa buhay ko nawindang na ang puso ko...kahit noong hindi ko pa siya bodyguard. Mas ginugusto ko na lamang na iwasan siya kaysa maipagkanulo ko ang sarili kong damdamin.

Oo. Yes. Aaminin ko na... I'm starting to fall for him pero I will never tell him that.

Mas gugustuhin ko pang itago ito forever kaysa aminin sa kanya and in the end masasaktan lang ulit ako...kasi baka lokohin niya lang din ako.

"Anong pumipigil sa'yo, Ash?"

"Saan? Linawin mo nga ang tanong mo, Tristan."

"Hmmm. Alam ko this is kind of assuming for my side pero nakakahalata na kasi ako, Ash. Iyan din ang reason kung bakit kinukulit kita. I know you're starting to have feelings for me."

Natahimik ako. Nasa isip ko lang kanina eh. Inaccept ko na nga na nagkakafeelings ako for him pero mind reader yata ang lalaking ito. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

Kung sa ibang lalaki siguro ang nagsabi niyon matatawa na ako pero totoo kasi ang sinabi niya eh.

I remained calm, ayoko ng tumakbo. Nakakapagod na. I took a deep breath bago magsalita.

"Ang conceited mo, alam mo ba iyon? Let me tell you something, Tristan." Tumingin ako sa labas bago magsalita.

"I've been through a lot of relationships, Tris. Lahat ng lalaki para sa akin pare-pareho nalang. 'Yon bang sa una ifaflatter ka sa mga bulaklakin nilang salita pati na sa mga pangako nila. They will impress you with what they have. As for my case, naging vocal ako sa mga rules ko. Kung may pumatol eh 'di go. Ayoko talaga kasi ng seryosong relasyon. Hindi pa ako handa. Hmmm, maybe I will never be. Natatakot na kasi akong masaktan ulit."

Ewan ko ba kung bakit sinasabi ko sa kanya ito. Maybe he deserve this talk. Para hindi na rin s'ya umasa pa kasi wala naman siyang mapapala.

"Have you moved on, Ash?" Kunot noo ko siyang binalingan.

"Hmmm. By the look of it, hindi pa."

"Why did you say so?"

"If you have, hindi ganyan ang magiging way of thinking mo, Ash. Kung nakamove on ka na hindi ka matatakot magmahal muli, hindi ka matatakot magtiwala ulit. You're dwelling in the past. Kesyo baka magaya kami o ako sa ex mo na nanakit sa'yo. Takot ka pa rin, Ash. Iyon ang una mong dapat iovercome. Try mong magtiwala ulit."

Hindi ko inaasahan ang pagtulo ng luha ko. Ewan ko kung bakit. Nakikita ko kasi sa anag-anag ko ang mukha ni Paulo. Nasusuklam pa rin ako sa kanya magpahanggang ngayon.

"Those tears. Ipinapahiwatig na sobra ka niyang nasaktan noon. Pero alam mo ba? He's still hurting you. Hindi mo lang narerealize pero ang bawat patak ng luha na iyan simbolizes na magpahanggang ngayon may puwang pa rin siya sa puso mo."

"Tris...tristan?"

"Yes, Ash. Meron pa. Maybe he still owned your whole heart without you realizing it."

"Kung sakaling tama ka nga Tristan. Paano ako makakamove on? Paano ko siya tatanggalin sa puso ko? I don't know what to do." Humahagulgol na ako ng iyak.

Sino ba kasi ang Tristan Lorenzana na ito? Kahit mga kaibigan ko never ako nakitang umiyak after my break up with Paulo. Never did I show anyone my weakness. Pero siya? He never insisted anything. He just talked and I'm crying like this.

"I'm happy that you asked." Sabi nito at niyakap ako.

Lalo akong napaluha sa mga bisig niya. I don't feel anything but comfort. Iyong puso kong sinubukan kong patigasin sa loob ng mahigit isang taon, sa isang yakap lang niya I went soft as a marshmallow.

"Isa lang ang alam kong paraan, Ash." Sabi nito after a long silence.

"What is it?"

"Let me help you. Let me fill that space in your heart that he had. Hayaan mong palitan ko siya ng dahan-dahan sa puso mo, Ashley. Open your heart for me. Kahit paunti-unti lang. I'm willing to wait kahit gaano pa katagal."

Will I? Can I? Should I?

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now