Chapter 24

876 35 0
                                    

[Ashley]

"Ang sakit ng ulo ko."

Ni hindi ko na maalala kung saan ako umuwi at kung sino ang naghatid sa akin.

Ang huling natatandaan ko ay iyong pag akay ni Tristan sa akin palabas ng bar.

Napabalikwas ako ng bangon ng mapansin kong wala ako sa condo ko matapos kong imulat ang mga mata ko. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

Maganda siya. May kalakihan din ang queen size bed na hinihigaan ko. Peach-colored ang motif ng kabuuan ng kwarto na sinadyang gawin para maging kwarto babae. May LED screen sa wall. Nasa sulok ang isang study table. May isang couch sa gilid ng bed. Meron ring study lamp sa ibabaw ng bedside table.

Maaliwalas ang kabuuan ng kwarto.

"Paano kaya siya nagkabahay agad dito sa Cebu? Halos tatlong araw palang naman siya dito ah." Sabi ko sabay tayo.

Naiihi na ako eh. I'm sure naman may CR itong kwarto ko.

"Sh*t!/Fvck!" Sabay naming sambit ni Tristan dahil sa pagkagulat.

"Ano'ng ginagawa mo dito sa banyo ko, Mr. Lorenzana?" Tanong ko dito ng makabawi sa pagkabigla.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kapag nakita mo ang lalaking ito na hubo't hubad habang naliligo sa banyo mo.

Oh my! Anlaki este ang tigas este ang amg laki talaga. Haist! Ano ba itong iniisip ko. Inilayo ko ang mata ko mula sa kaselanan niya.

"I forgot to lock the connecting door." Sabi lang nito habang patuloy pa rin sa paliligo. Ni hindi manlang ito nagsorry.

"Anong connecting door ang pinagsasabi mo, Mr. Lorenzana?" Tanong ko rito sabay talikod.

Sanay ako sa katawan ng mga lalaking nakahubad pero hindi rito kay Tristan. Paano ba kasi ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko bukod pa sa nag iinit ang buo kong pagkatao. Hay!

"Can't you see? We have connecting rooms. Itong banyo ang isang way for me to go to your room without going out. Saves time." Cool lang nitong sabi.

Hinarap ko siya. Tss! Ni hindi manlang ito nag abalang magtakip ng kaselanan.

"Bakit ganito? Can't I have my own room, Mr. Lorenzana? Iyong akin lang? Pwede naman akong bumalik sa condo ko eh. I have my privacy pa."

"Privacy for what? To be with your guys? Hell, no! You'll stay with me in this house. You'll stay in this room until your duties with me ends. No but's, no if's. You are under my supervision since my contract with your law office kaya dapat kang sumunod sa gusto ko." Sabi lang nito sabay tapis ng tuwalya at pumasok sa kabilang kwarto.

Naiwan akong nakatanga with 'like seriously?' kind of a face.

"Argh! You're getting into my nerves, Lorenzana. Ano ba itong ginagawa mo? May bago ka ng girlfriend, 'di ba? Ginagawa mo ba ito para pasakitan ako? Damn!"

Nasabi ko na lamang sa sarili sabay hubad ng mga damit ko at naligo nalang din.

"And... Damn!" I heard him curse bago nito padabog na isinarado ang pinto mula sa kwarto niya.

I'm sure he saw my nakedness. Nabahag yata ang dila at buntot ng makita ang kahubdan ko kaya tumalikod bigla.

Napangisi ako. "Kung iniinis mo ako, Tristan, think again. I can reciprocate."

***
"I have a meeting at 9 with Mr. Torres. Gusto lang kitang isama. Ayokong kung saan-saan ka pumupunta kapag wala tayo sa site." Sabi nito habang naglalakad papasok ng Marco Polo.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now