Chapter 38

757 21 0
                                    


[Ashley]

Gulong gulo ang isip ko. Iyong feeling na gusto kong ikulong ang Miguel na iyon sa bahay kasama ni Blue, para naman maranasan ng anak ko ang magkaroon ng isang tunay na ama na simula ng isilang siya sa mundo ay hindi niya naranasan.

"Sana kasi, hubby, hindi mo kami iniwan. Sana kasi ikaw nalang din si Miguel para masaya na ang anak mo. Hay!" Napabuntong hininga ako. "Pati na rin ako. I miss you so much, Tristan. I longed for you."

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang luhang nagbabadyang pumatak na naman sa mga mata ko. It was almost 5 years but the pain is the same as if it happened yesterday.

Unti-unti ko na rin sanang tinatanggap sa sarili ko na wala na si Tristan pero sa pagdating ni Miguel...bumalik lahat. Hindi lang ang pagkapoot ko kay Marco, kundi pati ang pagkamiss at pagmamahal ko kay Tristan na pilit ko nang ibinabaon sa nakasarado kong puso.

"Hay! Its time to work." Sabi ko sabay tingala sa L-Holdings.

Natutulog pa naman si Blue na mahigpit kong pinabantayan sa yaya nito. Tatapusin ko lang ang trabahong naiwan ko kahapon bago umuwi.

Kung buhay lang sana si Tristan. Mas gugustuhin kong tumigil na sa pagtatrabaho at sa bahay nalang ako para alagaan si Blue. Iyon lang... hindi talaga pwede. Wala akong pwedeng pagkatiwalaan sa business na naiwan ni Tristan.

Sa likod na ako dumaan papasok kasi ayokong nakikita ang mga pinsan ni Tristan na palaging nakatambay sa Lobby ng L-Holdings na akala mo ay namamasyal lang at nagrerelax sa mall o hotel.

Papasok na sana ako sa elevator ng makarinig ng pag uusap sa may hagdanan. Hindi ko napigilang makinig ng mapagsino ko ang mga nag uusap... ang mga pinsan ni Tristan na iniiwasan ko.

"Kailangan nating mabawi ang pamamahala ng L-Holdings mula kay Ashley Salameda, cous." Naikuyom ko ang kamao sa narinig.

"Ano ang gagawin mo, cous? Wala tayong laban. Kasal sila ni Stan."

"Icocontest natin ang ownership ng L-Holdings. Hahanapan natin ng butas iyang si Salameda. Hindi sila naikasal sa simbahan 'di ba? Isang marriage contract na pinirmahan nila at ng isang sikat na abogado lamang ang patunay nila. What if hindi sila totoong kasal? Walang maipakita ni isang picture si Salameda, hindi ba? At ang nakapirmang witness sa kasalan daw na naganap ay ang matandang katiwala nina Lolo Federico na ulyanin na rin sa mga oras na ito."

"Eh paano kung totoo ngang kasal sila, cous?"

"Hmmm. Eh 'di hanapan natin ng lusot. Palabasin natin na peke ang kasal nila. Wala nang Tristan na magtatanggol sa babaeng iyan ngayon."

"Ipagpalagay na nating mapatunayan na hindi nga sila totoong kasal at mabawi na nating mga Lorenzana ang pamamahala ng L-Holdings, si Trina ang makikinabang, cous. Siya ang kapatid ni Tristan."

"Napag isipan ko na iyan, cous. Alam naman nating iyang si Tristan at si Trina ay mga ampon lang ng namayapa nating Tita Lorena at Tito Raul. Ang dali namang gawan ng paraan niyan lalo na at walang kahilig-hilig sa business iyong si Trina. Basta ako na ang bahala. Suportahan mo lang ako."

Dali-dali akong naglakad pabalik sa likuran ng building ng marinig ko ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko.

"Ang mga hayop. May masama palang pinaplano."

Okay lang naman sana sa akin na ipaubaya sa kanila ang L-Holdings kung matitino silang tao. Alam ko namang lulustayin lang nila sa sugal at pambababae ang perang pinaghirapan ni Tristan ng kung ilang taon.

Nag aalala ako lalo na at totoo ang sinabi nila. Hindi nga kami totoong naikasal ni Tristan. Siya lang ang gumawa ng paraan para maikasal kami kahit sa papel lang.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now