Chapter 2 √

769 23 3
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGISING ako dahil sa ingay sa ibaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGISING ako dahil sa ingay sa ibaba. Mabilis akong nagmulat ng aking mga mata. Nakita kong nakayakap sa akin si Yoran habang natutulog ng mahimbing. Hindi alintana ang mga sigawan sa iba.

Marahan kong tinanggal ang braso nito sa baywang ko at dahan-dahan ring umalis ng kama. Dumiretso ako sa banyo para makapag-ayos.

Patuloy pa rin ang sigawan sa iba pero wala akong maintindihan. Masyadong muffled ang kanilang mga boses.

Nang matapos ay bumaba na ako at naabutan na ang taong nagsisigawan ay si Papa at si Tito Hernan.

"Think of it as an opportunity, Harold!" sigaw ni Tito Hernan.

"You mean I have to think it is an opportunity so I will put my twins at risk?! That's bullshit!" sagot naman dito ni Papa.

Doon ko napagtantong kami pala ng aking kakambal ang kanilang pinagtatalunan. Hindi ko maiwasang malungkot dahil kailangan pang makipag-away ni Papa sa kanyang kapatid para sa amin. Paniguradong dahil ito sa kayamanan na sinasabi ni Lolo Andrew.

"P-Papa?"

Natigilan naman sina Papa at Tito Hernan at napatingin sa akin. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Papa at mas tumigas naman ang kay Tito Hernan. Mabilis na lumapit sa akin si Papa habang si Tito Hernan naman ay napaayos ng tindig at nagkrus ng mga braso.

"Anak, sa taas ka na muna a?"

Napatingin ako sa mukha ni Papa. Napansin ko rin sa peripheral view ko ang pagkunot ng noo ni Tito Hernan. Hindi kasi nito naintindihan ang sinabi ni Papa.

"Pero--"

"'Wag nang makulit, Ronan. Mamaya lang din ay darating ang Mama niyo para sunduin kayong dalawa ni Yoran." Ngumiti sa akin si Papa. "Kaya umakyat ka na sa taas. Gisingin mo na rin ang kapatid mo para makapag-ayos na kayo."

Naguguluhan man ay tinanguan ko na lamang si Papa. Mahinahon akong pumanhik muli at dumiretso sa aking kwarto.

Naabutan ko ang kagigising lang si Yoran na kasalukuyang nag-uunat-unat. Napatingin ito sa akin pagpasok ko.

Crown 3: And We RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon