Chapter 12

316 13 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MAALIWALAS ang panahon. Sakto dahil naisipan namin ni Levi lumabas ng bahay. Kung saan kami pupunta ay wala kaming plano. Basta naglalakad-lakad lang kami habang magkahawak ang kamay.

Simula nang pumayag kami na hanapin ang kayamanan ay pinayagan na kami ni Tito Hernan na lumabas ng bahay. Alam naman kasi nito na hindi na kami tatakbo dahil una sa lahat, nakakapagod. Napagod na kami sa pagtakbo at pagtatago.

"Kumusta na kaya si Arjhay?" bigla kong naitanong kay Levi. "Naging matagumpay kaya ang operasyon niya?"

Binalitaan kasi ako kanina ni Yuya pagkatapos namin mag-almusal ang tungkol sa operasyon nito para makakitang muli. Nawalan ito ng kakayahang makakita dahil sa aksidenteng kinasangkutan nila ni Mikel.

Nang malaman ko ang nangyari, nakaramdam agad ako ng guilt. Una, dahil pinsan ko si Mikel. Kamag-anak ko ang dahilan kung bakit iyon nangyari. Pangalawa, dahil sa pagtulong nito sa amin ni Levi kaya siya nadamay.

Mahinang pinisil ni Levi ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lamang siya sa unahan namin.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo," panimula ni Levi pero hindi inaalis ang tingin sa daan. "Wala kang kasalanan sa nangyari. Saka magiging matagumpay ang operasyon ni Arjhay. Maniwala tayong magiging matagumpay iyon."

Nilingon naman niya ako at tipid na nginitian. Ginantihan ko naman siya ng ngiti bago ibinaling ang atensyon sa kalsada.

"Para hindi mo na maisip ang mga iyan, kumain na lamang tayo," pag-aaya ni Levi bigla. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "Saka dapat ako lang iniisip mo. Araw natin ito."

Agad ko namang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. Tulala akong nakatingin sa mga mata niya at saka marahang tumango.

He lowly laughed at me before messing my hair. Natauhan naman ako at mabilis na tinapik ang kamay niya.

"What the hell?!" bulalas ko habang inaayos ang nasirang istilo ng buhok. "Guluhin mo na lahat, huwag lang buhok ko," nakasimangot ko pang sabi sa kanya.

Crown 3: And We RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon