~ ~ ~ x ~ ~ ~
NAMAYANI ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Miguel. Napapansin ko rin na maya't maya ang pagsulyap nito sa akin pero hindi naman ito nagtanong na pinagpasalamat ko naman.
Hindi ko alam kung saan kami papunta. Sa totoo lang, wala na rin akong paki. Ang gusto ko lang naman talaga ay makalayo kay Levi, ang makalayo sa kanilang dalawa ni Ashley.
Pinanood ko ang paglagpas namin sa bawat establishimento sa labas. Pero ang isip ko ay malayo na ang nailipad at ayoko pang aminin, bumabalik at bumabalik pa rin sa ice cream parlor kung saan ko iniwang masayang nag-uusap ang dalawa. Ayoko mang isipin ay napapatanong pa rin ako kung ano na nga ba ang ginagawa nilang dalawa.
Napahinga na lamang ako ng malalim nang maramdaman kong nagbabadya na naman ang luha ko. Hangga't maaari ay ayoko kong umiyak sa tapat ni Miguel - o umiyak dahil sa kung sino man. Ayokong umiyak.
Napangiti naman ako ng maliit. Nakita kong nakangiting naghihintay ang aking kakambal sa isang lilim ng puno. Wala itong kasama. Siguro ay iniwan na rin ang mga kasama nito para sumama sa amin.
Nilingon ko naman si Miguel para sabihan itong huwag sabihin sa kakambal ko ang nakita nitong pag-iyak ko. Pero hindi ko na nasabi dahil nginitian na agad ako nito at kinindatan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang walang balak si Miguel magsabi kay Yoran.
Yoran sat on the backseat. Komportable pa itong sumandal at nag-unat-unat.
"By the way, where are we going?" tanong ni Yoran nang umandar na ang kotse. Umalis ito sa pagkakasandal sa upuan at ngayon ay nakatukod paharap sa pagitan namin ni Miguel.
"You will see," nakangiti namang sagot ni Miguel habang ang mga mata ay nasa daan lamang.
"
Okay, then." Bumalik si Yoran sa pagkakasandal at parang pagod na pagod na naupo. "Good thing you came to fetch. Seriously, I became the third wheel of those love birds."
"Figured!" natatawang sagot ni Miguel. Nakapangisi pa itong tumingin kay Yoran mula sa salamin. "The reason why I called you first."
"That I am actually thankful for." Bigla itong nabuhayan ng dugo at yumukod uli sa pagitan namin ni Miguel. "I was about to die there!"
"I can imagine," natatawa kong sabat. Alam ko kasi kung gaano kaayaw ni Yoran ang nagiging pangatlo sa isang grupo.
"Ha! And imagine me behind them like a lost kid. God, I think they even forgot that I was with them." Napasimangot ito bigla. "I bet they didn't notice I was no longer with them."
Natawa naman kami ni Miguel dahil alam naming ganoon na nga nangyari. Hindi pa kasi kami iniisa-isang tawagan ng dalawa na ginagawa ng mga ito kapag nawawala sa paningin nila si Yoran.
Naramdaman ko naman na bigla kaming bumagal. Pagtingin ko sa labas ay bumungad sa akin ang recording studio na pagmamay-ari ng aming lolo. Mataas ito na may tatlumpu't apat na palapag na napapaligiran ng mga salamin. Kapansin-pansin din ang dami ng tao sa labas na para bang may hinihintay. May mga hawak ito camera at placards, at masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasamahan nila.
"We are here," sabi ni Miguel na nakatingin rin pala sa kumpol ng mga tao.
"Why are there so many people swarming here?" tanong ni Yoran habang nakatingin na rin sa labas.
"Because---"
Sasagot na sana si Miguel sa tanong namin nang magsigawan at tilian ang mga tao sa paligid. The placards are now up high in the air and the flashes from cameras are everywhere. The crowd is becoming more excited and hyper.
And I understood why when I saw Phillip Murdoch in the middle of the crowd. Phillip is one of the hottest singer internationally and been with the company for ten years.
And he is our Godfather. He was our father's best bud, if I am not mistaken.
Bumaba na kami nina Miguel ng kotse at dumaan sa gitna ng dagat ng tao para makapasok sa loob ng building. Good thing hindi kami napansin ni Tito Phillip. Paniguradong tatawagin kami noon at magkakaroon lamang ng komosyon.
Nang mapansin ng mga empleyado ay mabilis kaming binati ng mga ito na sinuklian naman namin ng mga ngiti. Nilakad namin ang mataong lobby papunta sa elevator.
Gumilid ang mga taong naghihintay rin katulad namin at pinauna kaming pumasok nang may available nang elevator. Pero sumara na lamang ang pinto, wala pa ring sumakay kasama namin.
"Wow, I feel like I have a contagious disease," pahaging ko habang tumataas ang elevator.
"Tell me more about it," malamyang sagot naman ni Yoran habang ang tingin ay nasa numerong nagsasabi kung nasaang palapag na kami.
"You will get used it," nangingiting sabat naman sa amin ni Miguel.
"No thanks. I don't want to be used to that."
Tumunog na ang alert ng elevator, indikasyon na nasa 34th floor na kami, at saka bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang malawak na corridor ng buong floor. Mataas ang ceiling na dinisenyuhan ng pinta ng mga bulaklak. Ang buong lugar ay puno rin ng paintings. Ang corridor na iyon ay papunta lamang sa isang pinto at sa tingin ko, iyon ang opisina ni Lolo.
Manghang nagpalinga-linga kami ni Yoran. Nang mag-umpisang maglakad si Miguel ay sumunod lamang kami rito pero ang mga mata namin ay naikot pa rin sa buong lugar.
"Wait, is that Starry Night?!" excited na tanong ni Yoran habang nakaturo sa isang painting sa kabilang side ng kwarto.
Nagkibit-balikat naman ako bilang sagot dahil hindi ko alam. Hindi katulad ni Yoran, wala akong alam sa mga paintings.
Mabilis na tumakbo si Yoran para tingnan ang painting. Napangiti naman ako bago bumaling kay Miguel na ngayon ay nakayuko at nag-iisip.
"Aha!" Biglang sambit ni Miguel at saka naglakad ng mabilis sa pakaliwa. Sumunod naman ako kaagad dito.
Ilang segundo pa ay tumigil kami sa tapat ng isang larawan ng lumang simbahan. Mabilis na lumapit rito si Miguel at sinipat-sipat ito. Ako naman ay nakatayo lamang sa gilid dahil hindi ko alam ang gagawin.
"Gotcha!"
Lumingon sa akin si Miguel at inaya akong lumapit. Tinuro nito ang frame ng painting.
"Look, that is the design on your rings."
Nang aking tingnan ay hindi ko nga maikakailang parehong pareho ang disenyo ng frame ng painting sa singsing namin ni Yoran. Sa tingin ko rin ay ito lang ang painting na may ganitong design ng frame dahil ito lang ang silver-colored. Ang iba ay kulay tanso na.
Muli akong napatitig sa larawan ng lumang simbahan.
Anong koneksyon mo sa singsing, sa mga numero, at sa kayamanan?
BINABASA MO ANG
Crown 3: And We Run
AbenteuerHighest achievement: Rank #43 on Adventure Category (As of 01/06/18) (CROWN - Book 3) Pagtatago, iyan ang naisip na paraan ni Ronan Benson para hindi siya matagpuan ng mga taong humahanap kanya. Pinalitan niya ang kanyang ngalan at nagpapalit-palit...