Chapter 11

346 15 9
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAAGA akong nagising kinabukasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAAGA akong nagising kinabukasan. Marahan akong bumangon para hindi magising aking kakambal na katabi kong matulog.

Pupungay-pungay akong dumiretso sa banyo at saka nag-ayos ng sarili. Nang matapos ay tinitigan kong mabuti ang repleksyon ko sa hindi kalakihang salamin at saka ngumiti.

"Kung hahanapin natin ang kayamanan, saan tayo magsimula?" ang naaalala kong tanong ni Levi sa akin kahapon pagkatapos ng dinner namin.

"Hindi ko alam. Hindi ko nga maisip kung paano nga ba hahanapin iyon ," sagot ko sa kanya kagabi at kung hindi ako magkakamali, nakasimangot ako noon.

"Hindi ba kayo raw ng kapatid mo ang makakapagturo kung nasaan ang kayamanan? Kayo raw ang clue. Bakit hindi natin umpisahan sa mga detalye niyong dalawa?"

The idea made me smile wider. It was not that much for a start but at least, we were getting somewhere. Napag-usapan din namin na magkaroon ng short meeting mamaya para magkaroon ng brainstorming kung saan kami mag-uumpisang maghanap.

Nakakatawa lang isipin na tinakasan ko ang kayamanang ito five years ago and now, kami na ang maghahanap mismo. Nakakatawa na sana dapat noon pa namin ito hinanap at siguro, hindi na namin kailangan pang tumakbo.

Gayunpaman, hindi ko pinagsisisihan na tumakbo kami at nagtago. Dahil doon ay nakilala ko ang mga kaibigan kong sina Yuya. Nakilala ko si Memphis, o Levi. Marami akong natutunan, naranasan, at nakilala na hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit na anong kayamanan.

"Ronan?"

Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Yoran na nasa kabilang side ng pinto habang mahinang kumakatok.

"Sandali lang," sagot ko naman dito habang inaayos na uli ang sarili. "Palabas na ako."

Muli akong napatingin sa repleksyon ko bago ngumiti.

First day of treasure hunting.

First day of treasure hunting

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"IYAN na pala sila e."

Nadatnan namin sila Levi na nakatingin sa amin habang nakaupo sa sahig ng living room ng mansion. May mga dalang papel at pen rin ang mga ito. Mukhang pinaghandaan nila ang short meeting namin ngayon.

Umupo naman kami ni Yoran sa sahig katulad nila. Nasa kaliwa ko si Levi at si Yoran naman sa kanan ko.

"So umpisahan na natin," anunsyo ni Gracie at yumuko para umpisahan ang pagsusulat. "Mag-uumpisa tayo sa basic details niyong dalawa."

Tumikhim naman ako at saka nagsimula. "Ronan Starr Benson ang full name ko. Yoran Skye Benson naman ang sa kapatid ko."

Napatango naman si Gracie habang sinusulat ito. Nakatingin lamang sa aming dalawa ni Yoran sina Scott, Levi at Miguel. Good thing Miguel can understand Tagalog since he'd stayed in Philippines for four years.

"Pinanganak kami noong November 20 at kasalukuyang eighteen years old," mahinang sabi naman ni Yoran. "I don't know if that will help."

"Pareho rin kaming may tattoo na si Lolo ang mismong nagpalagay sa aming dalawa ni Yoran," dugtong ko kay Yoran bago itinaas ang damit na suot ko at pinakita ang simbolo ng araw na nasa kanang tagiliran ko.

Napatingin naman ako kay Yoran habang namumulang nagtaas din ng damit at pinakita sa kanila ang simbolo ng buwan sa kaliwang tagiliran nito.

"May niregalo rin sa amin si Lolo na kwintas na may pendant na susi." Inilabas ko mula sa loob ng suot kong shirt ang kwintas. "Pati na rin singsing na may halos parehas ng design sa kwintas."

Hinubad ko ang kwintas at singsing ko para iabot kina Levi para tingnan itong mabuti. Ganoon din naman ang ginawa ni Yoran at iniabot kay Miguel ang mga alahas.

"Oo nga," biglang sabi ni Scott na ikinatingin namin dito. Hawak nito ang aking singsing. "Maganda ang disenyo. Pero wala akong makita kundi puro pinagpatong-patong na guhit."

"Exactly," sagot naman dito ni Yoran. "Para siyang doodle."

Tumango-tango naman ang mga kasamahan namin habang ang mga mata ay nasa hawak nilang alahas.

"I don't know but this design is somehow familiar," sabi naman ni Miguel na ang mga mata ay nasa kwintas ni Yoran. Napatingin naman kami rito.

Siguro ay nakaramdam, napalingon sa amin si Miguel na may gulat na ekspresyon. Nagpalinga-linga ito sa amin bago biglang umiling.

"I just said familiar," sabi nito at mas umiling. "I am still thinking where I saw it."

"Ok," sabat naman ni Gracie bago tumingin sa akin at tumango. Inabot naman nina Levi at Scott kay Miguel ang mga alahas. "Let's move the next one. Hayaan muna natin si Miguel na isipin kung saan niya nakita ang ganyang disenyo."

Tumango naman ako. "Sa totoo lang, wala na akong maisip na tungkol sa amin ni Yoran na posibleng magamit sa paghahanap ng kayamanan na iyan."

"Well, I don't also know if this would help," mahinang sabat ni Yoran. "I love arts and Ronan loves music. Lolo used to tell us that he liked us because that was two things he loved."

Tumango naman si Gracie at mabilis sinulat ang mga nakuhang impormasyon. Napasandal naman ako sa sofa na nasa likod ko lang at napatingin sa kisame habang nag-iisip pa ng ibang pwedeng gamitin sa paghahanap namin ng kayamanan.

Naramdaman ko namang may humawak ng kaliwang kamay ko. Napatingin ako kay Levi na nakatingin din sa akin. Nginitian niya ako na para bang sinasabi na huwag kong masyadong pagurin ang isip ko. Napangiti rin naman ako sa kanya.

"Look!"

Napatingin kaming lahat kay Miguel habang ang nanlalaking mga mata ay nakatutok sa singsing. Lumapit naman kaagad dito si Scott.

"What is it?"

"There's numbers!" Pinakita naman ni Miguel kay Scott ang singsing. "If you will look closely, behind the patterned lines, there's small numbers."

Inabot naman ni Scott ang singsing at sinipat ng mabuti. Ako naman ay napaayos ng upo habang nakatingin lamang sa dalawa.

"Oh, right!" sambit bigla ni Scott at naningkit ang mga mata sa singsing. "And it says..."

Napalingon ako kay Levi nang tumayo siya at kinuha kay Miguel ang isa pang singsing at sinipat.

"It says 144811," sabi ni Scott habang naniningkit pa rin ang mga mata.

"And this one says 1209816," dugtong ni Levi kay Scott.

"But what does it mean?" kunot-noong tanong ni Gracie pero sinulat pa rin ang mga numero na binanggit ng dalawa. "For sure it meant something."

"Maybe a code for the chest?" patanong kong sabat sa kanila.

"It can be," sagot ni Miguel bang tumatango-tango.

"Actually, it can be anything," sagot naman ni Yoran.

Lahat naman ay natahimik at halata sa mga mukha ng mga kasama ko na nag-iisip silang lahat. Napalingon kami kay Levi nang bumuntong-hininga siya.

"I think ituloy na lang natin ito bukas," sabi niya at tiningnan kami isa-isa. "At least, may naumpisahan na tayo. Ngayon, kailangan bukas ay may mga theory na ang lahat about sa mga numbers sa singsing."

Tumango naman kami sa kanya dahil tama siya, na kahit papaano ay may naumpisahan kami.

"Good. Tara at kumain na muna tayo ng agahan."

Tumalikod na si Levi at tumungo sa dining room. Napalingon naman ako sa mga kasama ko na tumayo na rin. Tumayo naman ako at ngumiti.

At least, we are getting somewhere.

Crown 3: And We RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon