Chapter 9

366 16 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGLABAS namin ni Xio ng mall ay agad kaming pumara ng taxi na masasakyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGLABAS namin ni Xio ng mall ay agad kaming pumara ng taxi na masasakyan. Maingat naming nilagay sa compartment ang napakaraming bags na pinamili niya. Habang inaayos ang mga ito ay may nahagip ang mga mata ko na lumabas ng mall.

Si Memphis ba iyon?

Pinilit kong aninagin ang taong lumabas hanggang sa mapagtantong si Memphis nga iyon at kasama nito si Ashley. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis, lungkot at panibugho. Palihim kong hinihiling na sana ako na lang si Ashley.

Mas nainis ako noong maramdaman ko ang sarili kong luha sa aking mukha. Gayunpaman, nanatili lang ang aking tingin sa dalawa.

Naiinggit ako habang masayang nagkukwento si Ashley. Dapat ako iyon e. Dapat ako.

"Runo?"

Naramdaman ko na lamang na tinapik ako ni Xio kaya napalingon ako rito. Ngumiti naman ito sa akin ng malungkot bago tumingin sa direksyon nina Memphis.

"Umuwi na tayo."

I felt so empty that I nodded to him without even thinking. Mahinang hinila ako ni Xio at pinasok sa loob ng taxi. Sumunod naman din kaagad ito pagkatapos.

Buong biyahe ay nakatingin lamang ako sa labas habang si Xio naman ay paminsang hinahaplos ang likod bilang mag-comfort sa akin.

Ayos din na hindi nagsasalita si Xio. Dahil sa totoo lang, mas kailangan ko ang katahimikan para mas kumalma ako. Para mas makapag-isip.

"Ah, mga sir, kilala niyo po ba iyong itim na kotse na nasunod sa atin?"

Napalingon kaming dalawa ni Xio sa driver bago tingnan ang tinutukoy nitong kotse. Hindi ito malayo sa amin pero sabi ng driver, kanina pa ito nasunod sa amin. Nagpaliko-liko na rin kami sa kung saan pero ganoon pa rin, sinusundan pa rin kami.

"Hindi po namin kilala iyan, kuya," natatakot na sabi ni Xio na biglang napakapit sa braso ko. 

Natakot na rin ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko naman kasi nakakalimutan ang katotohanang pinaghahanap ako ng mga kamag-anakan ko. Gayunpaman, pinilit huwag magpakita ng kaba o takot dahil mas kailangan namin ngayong mas maging  matatag.

Crown 3: And We RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon