Chapter 4 √

638 21 4
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISANG linggo na ang nakakalipas simula ng mabalitaan namin na patay na si Lolo Andrew

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISANG linggo na ang nakakalipas simula ng mabalitaan namin na patay na si Lolo Andrew. Malungot kami, oo, pero alam namin na papagalitan kami nito kung iiyakan at pagluluksaan namin ito ng matagal. Naaalala ko pa ang hiniling nito sa amin na kapag nawala na raw ito ay maaari kaming umiyak pero dapat hindi iyon tumagal ng isang araw. Ang dahilan? Ayaw nito na malungkot kami.

Kasalukuyan kaming lulan ng isang sasakyan. Kung saan kami patungo ay hindi ko alam. Hindi na rin ako nagtanong dahil alam ko namang hindi nila sasabihin. Ang nakikita ko lamang ay puro kakahuyan. Hindi ko alam pero mga apat na oras na rin siguro kaming nabiyahe.

Lumalalim na rin ang gabi at mas dumidilim pa ang paligid. Katabi ko sa kanan si Memphis na kinakalikot sa cellphone niya at sa kaliwa ko naman ay bintana. Sa kanan ni Memphis ang tulog kong kambal habang nakapatong ang ulo sa balikat ng nasa kanan nitong si Ace na tulog rin.

Tiningnan ko ang kapatid ko na naninibago pa rin sa bago nitong ayos. Bagsak na pakaliwa at malayang nililipad ng hangin ang chocolate brown nitong buhok na dati ay itim na itim at hindi man lang magalaw dahil sa wax. Ang dati nitong dark brown na mata ay natatakpan na ng contact lenses at ngayon ay kulay berde na nahaharangan ng eyeglasses. Nagbago rin ang aura nito. Mula sa geeky nitong ayos ay para na itong smarte.

Sa totoo lang, kung hindi ko ito kasama ng ayusan ito, baka hindi ko ito nakilala.

Ganoon din naman ang mga pagbabago sa akin. Ang makapal kong itim na buhok na spiky ang style noon ay bagsak na ngayon at blonde na. Ang mata ko naman na dark brown ay naging blue.

Mga simpleng pagbabago pero malaki ang naging impact sa aming magkapatid. Sabi nga ng aking kapatid noong nagkausap kami, patay na ang dating kami.

Napatingin ako sa labas ng kotse noong bigla kaming tumigil. Nakita ko ang isang malaking mansyon. Hindi ko lang makita ang kulay dahil sa dilim pero masasabi kong maganda ito. May luma itong disenyo na para bang pang Griyego.

Bumaba kami ng kotse. Napatitig ako ng mabuti sa mansyong nasa harap ko at namangha.

Napalingon ako nang maramdaman kong tumabi may tumabi sa akin at nakita ang nakangiting si Yoran. Hinawakan nito ang aking kamay at marahang pinisil. Nginitian ko rin ito at ibinalik ang pisil na ibinigay nito.

Inanyayahan kaming pumasok sa loob ng mansyon ni Sir Mateo. Mabilis naman kaming sumunod rito ni Yoran habang magkahawak ang kamay. Nang makapasok ay mas lalo akong napapanganga. Kung gaano kaluma ang disenyo ng gusali sa labas ay gayon naman ka moderno ang nasa loob. Para akong nasa Sci-Fi movie.

Sabay kaming napapalingon ni Yoran kapag may madadaanan kaming mga naka-black tight leather suits. May ilan din namang sibilyan pero madalang naming makita.

"Agent Apollo!"

Napatigil ang mga nasa unahin namin kaya nagtaka ako. Sinilip ko kung bakit at nakita ko ang isang babae na papalapit sa gawi namin. Nakasuot ito ng itim na blouse at shorts na maong. Naka-ponytail ang mahaba nitong buhok na ipinakita ang kaliitan ng mukha nito. Bilugan ang mga mata nito at may katangusan ang ilong. Mapupula rin ang nakangiting labi.

Pero sino si Agent Apollo?

Lumapit ito sa amin at tumayo sa harap ni Memphis. Ilang segundo lang ay nakaabrisiyete na ito. Nagtaka naman ako. Gayunpaman ay hindi ako natanong.

Siya si Agent Apollo...

"Agent Scorpion," walang emaosyong banggit ni Memphis sa tingin ko ay codename ng babae. "Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti si Agent Scorpion dito saka bumaling ng pairap kay Ace. "Kasama ako sa misyon pero kasama ko ang palpak na ito at hindi ikaw, Apollo ko."

"Hoy! Sinong palpak?!" naiiritang tanong ni Ace na kung oobserbahan ay siya ang pinaparinggan ng babae.

"Kilala mo kung sino, Blaze," nangungutyang pahayag ni Scorpion kay Ace.

Napansin ko namang mas sumingkit ang singkit nang mga mata ni Ace at napakuyom ang mga kamao.

"Tigilan niyo iyan at nakakahiya na sa harap pa kayo ng mga kliyente nagtatalo," matigas na suway ni Sir Mateo kina Scorpion at Ace na ikinayuko ng huli. Nagpatuloy naman sa paglakad si Sir Mateo.

Pumasok kami sa isang kwarto at inanyayahan naman kaming umupo ni Sir Mateo.

"Here are your documents," panimula nito ng makaupo kami at inilabas ang dalawang brown envelopes. "Inihanda namin ang lahat. Ikaw, Ronan, bilang Runo Mochizuki at ikaw, Yoran, bilang Yuno Mochizuki." Napatitig kami rito. "Don't ask me about the names. It is requested by your Lolo."

Nagulat man ay nagawa naming ngumiti ni Yoran dahil sa bandang huli ay si Lolo pa rin ang may ibinigay sa amin.

Sir Mateo leaned forward. Itinukod nito ang mga siko sa mesa. "Here's the plan. Paghihiwalayin namin kayong kambal."

Nanlalaki ang mga matang napatingin kami ni Yoran kay Sir Mateo. Aalma na sana ako pero agad din naman nitong pinutol.

"We need to do it for your safety. Alam kong mahirap para sa inyo pero we cannot risk your lives. Huwag kayong mag-alala. Kahit papaano ay magkalapit pa rin kayo because you too will in the same city. Just that you'll be in different schools."

Marami pa itong ibinilin sa amin lalo na ang binigyang diin nito na huwag ipaalam ang mga tunay naming pagkatao kahit kanino. Naiintindihan naman iyon dahil para saan pa na nagbago kami ng appearance.

Nang matapos nang magbilin sa amin si Sir Mateo, doon na rin kami nag-umpisang magpaalaman sa isa't isa ng kakambal ko. Nagyakapan at nagngitian. Nagbilin ng kung anu-ano at hiniling ang kaligtasan ng bawat isa.

I knew it was quite crazy because we could still each other. But because of what we felt at that moment, words slipped from our lips. Words filled with words. Words finding words.

But I know we're just worried. To each other. To our parents. To our own life. To the changes. To the danger following us. To the future we have to face.

After the drama, sumakay kami ni Memphis sa isang gray na sasakyan. Pupunta na raw kami sa bago kong school. Gayon din naman si Yoran na sumakay sa pulang kotse kasama sina Ace at Rome, which is si Agent Scorpion.

Kumaway kami ni Yoran sa isa't isa sa nakasarang bintana. Nakita kong ngumiti itonng tipid at saka may binulong. Bulong na alam kong hiling na dapat kong tuparin.

"Be safe."

Crown 3: And We RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon