ALAS DIYES na ng umaga nang maisipan kong lumabas ng kwarto. Nag-aalangan pa nga ako sa takot na makasalubong si Levi sa pasilyo ng mansyon. Sa ngayon ay ayaw ko muna siyang makaharap dahil dinaramdam ko pa rin ang mga nangyari kahapon.
Natatakot ako dahil pakiramdam ko ay unti-unti ng nawawala ang lahat. Ilang taon kaming magkasama. Ilang taon akong naghintay para sa kanya. Ilang taon akong humiling na sana makuha ko ang atensyon niya. Ilang taon na pero ngayong nasa akin na ay parang mawawala na agad kahit ilang buwan palang ang nakakalipas.
I cried last night. I felt lonely; I felt left behind. I know Levi noticed it. Levi always notices. He always does. I don't hide it anyway. And he also knows that I am just waiting for him to say something about what happened yesterday. I know he knows but he did not which is really frustrating.
I am just waiting for him to say sorry, not my name for three times.
It didn't change the fact though that I love him, which I very hate nonetheless.
Minsan napapaisip ako. Meant ba akong maging tanga para sa isang pag-ibig? Bakit parang ganoon ang dating sa akin? Bakit parang pinagtutulungan ako ng mga supernatural na kumokontrol sa universe at tadhana?
Napailing na lang ako nang pakiramdam ko ay iiyak na naman ako. Hangga't maaari ay pinipigilan kong maiyak uli dahil nakakapagod din at nakakasawa. Saka wala pa akong balak sumuko ngayon pa at nasa akin pa si Levi. Bibitaw lang ako kapag sinabi na niyang bumitaw na ako.
Tanga lang talaga.
"Later tonight, are you okay with it?"
Napatigil ako sa pag-iisip at paglalakad at napalingon sa pintong nasa tapat ko, ang pinto sa kwarto nina Levi. Ayaw ko mang makinig ay hindi ko napigilan ang sarili kong mas lumapit sa pinto para mas maging malinaw sa aking pandinig ang lahat. Hindi pa ako nagkasya sa paglapit, nilapat ko narin ang aking tainga sa pintong nakauwang ng kaunti.
"Great. Around nine. What do you think?"
Napakunot-noo ako dahil sa tatlong dahilan. Una: sino ang kausap niya at kailangan nilang magkita ng ganoong oras ng gabi? May pangalan nang nag-e-echo sa utak ko pero gusto kong bigyan ng benefit of a doubt ang lalaki dahil baka nagkakamali lang ako ng hinala. Pangalawa: why is he being considerate? I know Levi and he is not that considerate with other's decision. He likes things to go his way. So him asking the person on the other line if he is okay with it and what he thinks about it is actaully rare. Rarer than blue moons and eclipses. Pangatlo: he talks to that person the way he talks to me! Seriously, that is way too unacceptable!
"Thank you."
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. He said an outright thank you to someone? Now I know whoever is on the other line, he is really special.
"Of course, I've missed you. Thank you for agreeing to meet me tonight, Ashley."
Napangiti ako ng mapait sa aking sarili bago lumayo sa pinto at tumayo ng tuwid. Of course, Ashley is special. She is always special. Natawa na lang ako ng mahina dahil ayaw ko pang maniwala kanina na si Ashley ang kausap niya sa telepono. Masyado akong umasa. Masyado akong nagtiwala.
Déjà vu. Ganito na rin noon. Ako ang kasama niya pero hindi ako nakikita. Kapag nawala ang iyong isa, saka lalapit sa akin at yayakap. Nag-e-exist lang ako kapag malayo ang isa. Sa madaling salita, napunta na naman ako sa listahan ng kanyang options.
Mapahinga na lang ako ng malalim bago magpatuloy sa paglalakad habang kagat ang ibabang labi dahil sa pagpipigil na maiyak. I can feel the pain beating in my chest. I can hear my heart weeping. I can taste the blood from my lips from too much biting. I already saw this happening but still, I feel so broken.
Bakit ka ganyan, Levi? Bakit ang sakit at hirap mong mahalin?
"HAVE YOU decided yet?"
Napalingon ako kay Miguel bago ito irapan. Nangalumbaba naman ako sa mesa aking unahan habang ang tingin ay nasa mga halaman sa aking harapan. Gamit ang aking kaliwang kamay ay iniangat ako ang isang baso ng lemon juice at uminom ng kaunti.
"As if I have a choice, Miguel." Binaba kong muli ang baso at muling tumingin kay Miguel. "I don't have a choice but go back to Philippines for this treasure we are looking for."
"I see." Ngumiti ito sa akin. "I will go with you."
"Thank you," nakangiti ko ring ganti rito bago ibinalik ang tingin sa aming unahan.
Saglit kaming natahimik. Naramdaman ko namang umayos ito ng upo at umusog para tumabi sa akin.
"You won't tell Levi?" pabulong nitong tanong sa akin.
"He doesn't have to know," tipid kong sagot rito.
Ramdam ko ang tingin nitong nagtagal sa mukha ko na para bang naghahanap roon ng sagot. Nakaramdam naman ako ng ilang at takot na baka mayrron itong matagpuan ng hindi ko alam. Nakahinga naman ako ng maluwag nang iiwas na nito ang tingin sa akin at tumingin na lang din sa unahan.
"I know we did not start that good." Muli akong napalingon rito. Seryoso lamang itong nakatingin sa unahan habang ang baso ng juice ay inaangat nito para uminom. "But I am here, Ronan, if you need someone to talk to."
Parang may humaplos na mainit na bagay sa aking dibdib dahil sa sinabi nito. I know we were not in good terms five years ago but who would have thought that we will be this close? I highly appreciated him, especially like this time when I need someone to be with me. Someone who stays and willing to listen. Someone who knows what I am going through but still, I cannot see judgment on his eyes. Instead, he looks at me with understanding. He understands and that is what I need.
Napangiti ako. Marahan akong kumapit sa braso nito at sumandal sa may kalaparang balikat. Natigilan naman ito sa pag-inom at napatingin sa akin na halos tumagos na sa akin. Nakangiti ko namang sinalubong ang tingin nito at saka bumulong.
"Thank you."
"Anything for you, Ronan," pabulong din nitong sagot sa akin. "Anything."
This chapter is dedicated to ndrwfrost0204, GrayMiyazaki and AprilJoyMartinez6. Thank you, guys, for your support kahit ang tagal ko bago makabalik dito sa Wattpad.
BINABASA MO ANG
Crown 3: And We Run
AdventureHighest achievement: Rank #43 on Adventure Category (As of 01/06/18) (CROWN - Book 3) Pagtatago, iyan ang naisip na paraan ni Ronan Benson para hindi siya matagpuan ng mga taong humahanap kanya. Pinalitan niya ang kanyang ngalan at nagpapalit-palit...