TINITIGAN KO ng mabuti ang painting na nasa harap ko at iniisip kung ano ang koneksyon nito sa hinahanap namin. Luma na ito at parang noong Spanish colonization era pa ang disenyo. Kahit anong pag-alala ang gawin ko ay walang pumapasok sa aking ideya. Hindi ito pamilyar sa akin.
Napatingin ako kay Yoran na hanggang ngayon ay namamangha sa mga nakikita nitong mga pinta. Napangiti na lamang ako sa nakikita kong saya at ningning sa mga mata nito.
Nahagip ng paningin ko ang patuloy na pagsipat ni Miguel sa frame ng painting.
"What are you looking for?" pagkuha ko sa atensyon nito.
"There might be numbers in this frame like how it is engraved on your rings," sagot nito habang patuloy sa paghahanap at hindi na inabala ang sarili na lingunin ako.
Napaisip naman ako sa sinabi nito. Nang mapagtantong may punto ito ay pumunta ako sa kabilang gilid ng painting at sinipat rin ang frame nito. Lumipas ang ilan pang minuto at wala pa rin kaming nakitang kakaiba.
Umayos ng tayo si Miguel at humakbang ng isang beses palikod bago tingnan ang kabuuan ng painting.“I don’t know if this painting has a connection to your rings and necklaces,” sabi nito habang tingin ay nasa harap lang. “Aside from having the same designs, I am not sure anymore.”
“It is not a crime to check. We never know,” sagot ko rito bago tumabi rito at tingnan rin ang larawan ng lumang simbahan.
“I think that church is really familiar.”
Napalingon kami ni Miguel sa bagong dating na si Yoran. Nakakunot-noo itong nakatingin sa painting habang ang kanang kamay ay nasa bibig, gesture nito kpag may inaalala. Nakatingin lamang kami rito habang naghihintay nang bigla itong napa-snap ng mga daliri at nanlalaki ang mga matang tumuro sa painting.
BINABASA MO ANG
Crown 3: And We Run
AdventureHighest achievement: Rank #43 on Adventure Category (As of 01/06/18) (CROWN - Book 3) Pagtatago, iyan ang naisip na paraan ni Ronan Benson para hindi siya matagpuan ng mga taong humahanap kanya. Pinalitan niya ang kanyang ngalan at nagpapalit-palit...