Highest achievement: Rank #43 on Adventure Category (As of 01/06/18)
(CROWN - Book 3)
Pagtatago, iyan ang naisip na paraan ni Ronan Benson para hindi siya matagpuan ng mga taong humahanap kanya. Pinalitan niya ang kanyang ngalan at nagpapalit-palit...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"RONAN."
Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakahilig sa balikat ni Miguel at lumingon sa kakambal kong tumawag sa akin. Ngumiti ito sa akin at saka umupo sa aking kaliwa, dahilan para paggitnaan ako ng dalawa. Kinuha nito ang baso ng juice sa mesa at uminom ng kaunti. Nagkatinginan kami ni Miguel bago sabay na tumingin sa kakambal kong nakatingin lang sa unahan pero halatang wala doon ang iniisip.
Humiwalay ako kay Miguel. Tinanggal ko ang kamay kong nakakapit sa braso nito at kay Yoran naman lumipat. Ilang segundo palang ang nakakalipas pero biglang nangulila ang palad ko sa hatid na init ng balat nito. Napalingon ako kay Miguel. Nakatingin lang ito sa mesa pero marahang hinahaplos ang braso kung saan ako nakahawak kanina. Nag-init naman bigla ang aking mga pisngi nang maisip na baka pareho kami ng naramdaman.
Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling na lang ito kay Yoran.
"May problema ba, Yoran?" tanong ko rito. Bumuntong-hininga naman ito bago lumingon sa akin.
"Naisip ko lang na magkakahiwalay na naman tayo ng matagal, Ronan," sagot nito sa akin saka ngumiti ng malungkot. "I know you have to leave for the said treasure. I... I will just miss you."
"Wait! You are not coming?!"
Mas napahigpit ang kapit ko rito. Napalingon rin sa amin si Miguel. Napahawak naman ang kanang kamay ni Yoran sa kaliwa nitong braso at marahan itong hinaplos na para bang nilalamig. Humilig ito sa aking balikat at saka sumagot.
"You know I can't. We will need all the resources we can get here," sagot nito sa akin. "So ikaw lang ang aalis at ako, mananatili dito para maghanap ng iba pang clues na pwede nating gamitin."
"He has a point, Ronan," pagsang-ayon naman ni Miguel.
I know that he has a point. Mas mapapadali ang paghahanap namin kung pareho kaming naghahanap sa magkaibang lugar. Magandang ideya kung tutuusin pero hindi ko matanggap na malalayo na naman ako sa aking kakambal. Pero wala akong magawa dahil alam kong kailangan.
Niyakap ko na lamang si Yoran at nilaro ang buhok nito habang ang tingin naming dalawa ay nasa unahan. Naramdaman ko naman ang paglapat ng kamay ni Miguel sa aking balikat na ikinalingon ko rito. Ngumiti ito sa akin at saka walang boses na bumulong ng "I'm here" na ginantihan ko ng ngiti at pasasalamat.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"SIGURO KA na ba diyan, Ronan?" tanong ni Yoran sa akin na kasulukuyang nakaupo sa ibabaw ng kama at pinapanood akong mag-ayos ng aking gamit.
Tumango naman ako rito bilang sagot. Saglit akong walang narinig sa kanya kaya napatigil ako sa aking ginagawa at napalingon rito. Nabungaran ko naman itong nagpipigil gumawa ng ingay habang umiiyak. Napangiti ako ng malungkot at saka lumapit rito. Mahigpit na yakap ang sinalubong ko rito. Yumakap rin ito sa akin pabalik at hinayaan nang kumawala ang hagulgol na kanina pa nito hindi mailabas.
"Nakakainis naman, Ronan," sabi nito habang umiiyak na sa dibdib ko. "Kanina lang tayo nag-usap na ikaw lang ang aalis. Pero hindi ko naman sinabing ngayon ka na umalis."
"Kailangan, Yoran," sagot ko rito. "Kahit ako ay nalulungkot pero mas okay ito para walang masayang na oras. Magkakasama rin tayong dalawa. Kasama mo naman sina Scott e."
Humiwalay ito sa akin at nagpunas ng luha. Napatingin ito sa aking mukha.
"Talaga bang aalis ka ng walang sinasabi kay Levi?" tanong nito sa akin. "Hindi mo ba talaga sasabihin sa kanya ang plano mo?"
"Para saan pa?" patanong na sagot ko rito. Umayos ako ng upo sa tabi nito. "Masaya iyon ngayon dahil kasama niya si Ashley. Paniguradong wala rin naman siyang magiging reaksyon sa pag-alis ko kaya hindi na rin mahalaga pa na sabihin sa kanya."
"Ikaw ang bahala, Ronan."
Ngumiti na lang ako kay Yoran bago tumayo at itinuloy ang pag-aayos ko ng aking mga gamit. Nakarinig naman kami ng katok sa aming pintuan. Tumayo naman si Yoran para pagbuksan ito.
Bungad sa amin ang nakaayos nang si Miguel. Ang tikas nitong tingnan sa suot nitong white shirt, itim na below-the-knee shorts at itim na rubber shoes. Ang itim nitong bag pack ay hawak lang nito sa gilid. Kapansin-pansin rin ang bango ng cologne nito.
Tinapos ko na ang pag-aayos ng gamit at saka tumingin sa salamin, tiningnan kung ayos lang ba aking naka-tuck in na puting shirt, may kaikliang brown shorts, ochre na suspender at sandals. Nang makaramdam ng satisfaction ay ngumiti ako at saka humarap sa dalawang taong nakangiting nakatingin sa akin.
Lumapit sa akin si Yoran at muling yumakap sa akin. "Mag-iingat ka roon, Ronan," bulong nito sa akin.
"Mag-iingat ka rin dito," ganting bulong ko bago kami maghiwalay sa pagkakayakap.
Umikot ito at hinarap si Miguel. "You take care of Ronan, Miguel, okay?" bilin nito sa binata na ikinatango naman ng huli. "I trust you. Call me if anything happens."
"I will." Ngumiti si Miguel rito bago napatingin sa oras. "Let's go, Ronan. It's already eleven."
Nakangiting tumango ako rito. Kinuha ko na ang aking gamit at saka lumapit kay Miguel. Muli kaming nagpaalam kay Yoran bago tahimik na lumabas ng kwarto. Marahan kaming naglakad dahil walang nakakaalam ng aming planong pag-alis maliban kay Tito.
Nang mapadaan kami sa tapat ng pinto ng kwarto ni Levi ay natigilan ako at tulalang napatingin sa pinto nito. Nakaramdam ako ng lungkot, ng pangungulila, ng inis, ng sakit. Ayoko pa sanang bumitaw sa kanya, wala pa naman siyang sinasabi, pero hindi ko pala kayang hintayin ang oras na sabihin niya sa akin. Bago pa man dumating ang araw na iyon ay bibitaw na ako at aalis, ng sa gayon hindi ganoong kasakit.
Nakakatawa. Parang kanina lang ay nanghihinayang ako sa lahat ng mawawala kapag iniwan na ako ni Levi pero heto ako ngayon at unang mang-iiwan sa kanya. Ganoon siguro talaga kapag napa-paranoid ka na. Sa takot mong maiwan mag-isa, inunahan mo na at ikaw na ang nang-iwan.
Napapitlag ako ng hawakan akong bigla ni Miguel sa aking kamay. Napatingin ako sa nakangiti nitong mukha. Tumango ito sa akin at hinila ako ng marahan, nag-aanyaya na magpatuloy na akong maglakad na tuluyan ng umalis para iwan ang lahat: ang mansyon, si Yoran, ang Idaho, ang sakit na nararamdaman ko, ang alaala nina Levi at Ashley, ang lahat.
Maliit ang mga ngiti naman akong nagpaunlak at nagpahila para makalayo sa lahat.