Chapter 13

460 15 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I WAS THERE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I WAS THERE.

When he was lost, I was there to lead his way. When he was down, I was there to lift him up. When he was about to give up, I was there to fight for him.

I was there when she left him.

Isang taon na rin ang nakakalipas simula ng iwan ni Ashley si Levi ng walang paalam. Basta hindi na ito pumasok noong third year kami. Dalawang taon na noon magkasintahan ang dalawa pero nawala iyon noong mawala rin si Ashley.

Walang nakakaalam kung saan ito nagpunta. Kung ako ang tatanungin, ayoko na rin pang nalaman kung nasaan ito.

For the past years, nahirapan akong tanggapin noong naging sila. Mahirap dahil bigla akong nawala sa picture. Silang dalawa ang laging magkasama at magkausap.

At ang unang pagkakataon na makita ko si Levi na ngumiti at tumawa.

Masakit pero tinanggap ko ang lahat. Wala naman akong choice kundi ang tanggapin ang lahat e.

But when Ashley left, that became the moment I felt I was on the picture once again. Ako ang nag-alaga at nag-comfort kay Levi. Ako ang tumulong sa kanya na tumayo uli.

Gayunpaman, halata pa ring na may nagbago, may nawala. At iyon ay hindi ko na muling nakitang ngumiti o tumawa ang binata.

Kalahating taon akong nagtiyaga sa mood niya at temper hanggang sa naganap ang pangyayaring hindi ko inaasahan.

Binigay ko ang sarili ko sa kanya.

Kung paano nangyari ay hindi ko rin alam. Pero doon rin nag-umpisa ang relasyon naming dalawa. Alam ko naman sa umpisa palang ay panakip-butas na ako sa kung ano ang nawala sa kanya. Masaya ako kahit ganoon kasi nabigyan ako ng pagkakataon pero natatakot ako. Natatakot ako na dumating ang araw na bumalik si Ashley at bawiin sa akin ang kanyang iniwan. Paano na ako?

At dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko.

Nakangiti itong kumuha ng upuan mula sa kalapit na mesa at umupo sa mesa namin. Hindi nawawala ang ngiti nito habang nakatingin ng maigi sa tulalang si Levi.

"Kumusta ka na?" maligalig na tanong ni Ashley. "It's been a really long time."

Napakurap naman si Levi at natatarantang kinuha ang kutsara sa mesa. Umiwas siya ng tingin sa babae bago sumagot. "I-indeed, it is. M-mabuti naman ako. I-ikaw?"

Mapait akong napangiti sa sarili habang kumakain ng ice cream. Sa totoo lang, ang sakit. Ang sakit sa mata ng mga ngiti ni Ashley na binigay kay Levi. Pero mas masakit iyong reaksyon ni Levi at kung gaano siya kaapektado sa presensya ng babae.

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin sa kanila ang mga napapansin ko. Gusto kong ipamukha sa kanila na nasasaktan ako sa mga pinapakita nila. Pero sa huli, tinikom ko na lamang ang bibig ko at kinagat ang sariling dila para maiwasang makapagsalita.

Yumuko na lamang ako para makaiwas sa kanila ng tingin.

Hello, my new-found best friend, sabi ko sa aking isip habang matamang nakatingin sa ice cream.

I blinked the threatening tears away. Hindi ko hahayaan na mapahiya ang aking sarili sa harap nila dahil lang sa umiyak ako.

Just no.

Nagsimula na silang dalawa magkumustahan at magtawanan. Ako naman ay parang nakiupo lamang sa upuan nila at biglang nakalimutan. Parang hindi ako nandoon kung sila ay magkwentuhan.

Napatingin na lamang ako sa labas ng shop at tiningnan ang maaliwalas na langit. Pinanood ko ang mga dumadaang mga tao at sasakyan. So sobrang pagkabagot ay binilang ko na rin ang mga pulang kotse na dumaan.

Hindi ako nagsalita. Hindi ako kumibo. Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay. Gusto ko na mapansin at maalala ni Levi na nandito ako, kasama nila. Kasama niya. Siya ang nagsabi na date namin ito pero bakit parang ako ang third wheel?

Nagulat ako nang biglang nag-ring ang phone ko. Iyon din ang naging dahilan para mapatingin sa akin ang dalawa. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip ni Levi ng mga oras na iyon dahil walang emosyon ang mga mata niya. Maliit na ngiti na lamang ang isinukli ko sa kanya bago tumayo.

"I will just take this call," paalam ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay sumagot at naglakad na ako palabas ng ice cream parlor.

Nakita ko ang pangalan ni Miguel sa caller ID kaya agad ko itong sinagot.

"Ronan, where are you?" bungad na tanong ni Miguel. Rinig ko rin ang urgency sa boses.

"Ice cream parlor blocks away from the mansion," sagot ko rito. Napatingin ako sa loob ng shop at nakitang masayang nag-uusap na uli ang dalawa. "Why?"

"I now remembered where I see those design," balita sa akin ni Miguel. "I am actually on my way to fetch Yoran so we can go there."

Napatitig ako sa dalawa. Bakit pa nga ba ako nandito, e hindi naman na ako kailangan.

Naluluha akong tumalikod at naglakad palayo. "F-fetch me as well."

"Sure. Are you at Ash's?" tanong ni Miguel sa akin.

"Yes."

"Figured. I am on my way."

Nang ibaba ni Miguel ang tawag ay saka ako napabuntong-hininga at tumingala para pigilan ang mga luha kong nagbabanta nang tumulo. Nanlalabo na ang aking paningin pero pinilit kong pigilan ang mga luha to the point na napapakagat na ako ng labi.

Pero siguro hindi ako ganoon kalakas dahil kahit anong pigil ko ay bumagsak pa rin. Naramdaman kong nabasa ang mga pisngi ko na agad kong pinunasan.

Maganda ang kulay ng langit at naririnig ko ang masasayang huni ng ibon. Para silang nagdidiwang sa aking pagkalungkot. Mga bagay na lalong nagpaagos ng aking mga luha.

Hindi ko tuloy maiwasang kwestiyunin kung talaga bang minahal ako ni Levi. Sa limang buwan na aming relasyon, minahal niya ba ako o isa lamang akong pamlipas ng oras at panakip-butas sa naiwan ni Ashley?

Levi's attention is wavering, I know. He is not faithful to me, I know. He cheated on me for I don't know how many times, I know. But I also know that my faith on him is gradually fading. I don't know why I am still holding on but I know I am hurting.

Napalingon ako sa kotseng tumigil sa tapat ko nang bigla akong bumusina. Nakababa ang salamin nito at nakita ko ang nag-aalalang si Miguel na nakaupo sa driver's seat.

Nginitian ko lamang ito at saka pumasok sa loob ng kotse. Pagkaupo ay pumikit ako at saka huminga ng malalim.

There is more to life than dwelling on the pain.

Crown 3: And We RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon