LUMABAS kami ni Xio ng mall habang bitbit ang mga bag ng pinamili niya. Sa sobrang dami nito ay naging tagadala pa ako. Nakakahiya nga sa kanya e.
Naramdaman kong bigla ang init ng hangin. Medyo masakit sa balat at naalinsangan na agad ako. Napatingin ako sa oras at nalamang twelve-thirty pa lang. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.
"Wag na muna kaya tayo umuwi," sabi ko kay Xio habang nakatingin sa mga taong labas-pasok ng mall. "Ang init naman kasi e. Saka nagugutom na ako. Baka pwedeng kumain?"
Pumayag naman ito. Bigat na bigat naman kaming bumalik sa loob ng mall at naghanap ng makakainan.
"How I wish we were with someone who has a car," pagod na sabi ni Xio na halatang nabibigatan na sa mga bitbit nito.
"How I wish you didn't buy all of this," sagot ko naman dito na inikutan ko pa ng mata dahil kahit ako ay ngalay na.
"Sorry na, Runo," sabi nito habang nakatingin sa akin sideways habang nagpapapungay pa ng mga mata.
"Oh, shut up." Inikutan ko na lang uli ito ng mga mata.
Sa huli, sa Bonchon kami napunta. Good thing wala masyadong tao kaya kampante naming nilapag ang mga bags sa ilalim ng mesa.
Si Xio na rin ang pumila sa counter tutal ideya niya naman talaga ang pagpunta namin dito sa mall.
Since nasa malapit kami sa bintana ay inabala ko na lamang ang aking mga mata sa pagtingin sa mga taong dumadaan - at palihim silang hinuhusgahan.
Hindi ko pa maiwasang matawa ng konti ng may nakita akong babaeng ang puti ng mukha pero may kaitiman na ang leeg. Kinilig din ako sa magkasintahang naghaharutan. Napatulala naman noong may barkada ng mga gwapo na animo mga ramp model.
Nag-enjoy ang mga mata ko.
"Saya mo diyan a?" puna sa akin ni Xio nang makaupo na sa tapat ko. Dala nito ang drinks namin at ang number.
Ngumiti naman ako rito. "May dumaan kasing mga gwapo, Xio. In-appreciate ko lang."
"Hala!" Nagulat ako nang bigla itong napasigaw. Tumingin ito sa labas at nagpalinga-linga. "Nasaan?!"
BINABASA MO ANG
Crown 3: And We Run
AdventureHighest achievement: Rank #43 on Adventure Category (As of 01/06/18) (CROWN - Book 3) Pagtatago, iyan ang naisip na paraan ni Ronan Benson para hindi siya matagpuan ng mga taong humahanap kanya. Pinalitan niya ang kanyang ngalan at nagpapalit-palit...