ILANG ARAW ang lumipas at ngayon na ang simula ng klase. Magkasama kaming naglalakad ni Xio sa may kahabaang corridor patungo sa una naming klase. What's good is we have the same first subject.
Iba kasi ang klase ni Memphis. Nauna na rin naming nadaanan ang kwarto nito kaya humiwalay na sa amin.
"Alam mo," panimula ni Xio habang naglalakad kami. Napatingin naman ako rito. "Naguguluhan ako sa koneksyon niyo ni Memphis."
Napakunot ang noo sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Lagi siyang nasa kwarto natin. Grabe rin siya kung makapagbantay at alala sa iyo." Lumingon ito sa akin at sinalubong ang nagtatanong kong mga mata. "Umamin ka nga sa akin."
Huh?
"U-umamin?" nauutal kong tanong dito habang iniisip kung ano ang dapat kong aminin. "Anong aaminin ko?"
Ano nga ba ang dapat kong aminin?
Naningkit ang mga mata nito sa akin. Napalingon naman ako sa unahan sa pagnanais na makaiwas. Nag-umpisa rin akong kabahan.
Sa totoo lang, hindi naman dapat ako kabahan dahil wala naman akong dapat aminin. Ang problema ay iyong uri ng tingin ni Xio na nagsasabing meron at kailangan ko na iyong sabihin.
Pero wala na talaga akong maisip na bagay na dapat kong aminin.
"Umamin ka nga," muling sabi ni Xio na ikinatingin ko uli rito. "Magkuya ba kayo ni Memphis?"
Naubo naman ako sa tanong nito bago umiwas ng tingin. Mabilis ring gumalaw ang kamay ko para takpan ang aking bibig. Pinipigilan kong matawa sa tanong nito.
"He's so protective of you. I wonder why."
Hindi ko ito sinagot at nginitian na lamang. Napalingon ako sa labas ng building at napatingin sa bughaw na kalangitan.
Pagkapasok namin sa loob ng aming klase, doon na rin nag-umpisa ang aming araw.
LUMIPAS pa ang ilang araw at si Xio ay hindi pa rin natitigil sa pagtatanong ng relasyon namin ni Memphis. Tuwing nagtatanong ito ay ngingitian ko lamang ito at tititigan naman ito ni Memphis ng matagal. I don't know why pero hindi pa rin ito natigil kahit alam nitong wala itong makukuhang sagot sa amin.
Nagulat ako nang tapikin ako ni Xio sa kanang balikat dahilan para mapapitlag ako. Kunot-noong napatingin naman ako rito.
"Ano? Wala kang balak kumain?" nakataas-kilay na tanong nito sa akin. Doon ko lang napagtanto na lunch break na pala namin.
"Sorry, may iniisip lang ako." Nag-ayos ako ng gamit bago tumayo.
Lumabas kami ng silid-aralan. Hindi na rin ako nagulat nang makita ko si Memphis sa labas, naghihintay sa amin. Ang nakakagulat ay may kausap itong babae.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila.
"Sino iyan?" tanong naman ni Xio. Kita sa mukha nito ang pagtataka.
"Ewan," kibit-balikat kong sagot.
Dahil masakit sila sa mata ay iniwas ko ang tingin sa dalawa at naglakad na lang palayo. Agad rin namang sumunod sa akin si Xio na halatang naguguluhan sa kinikilos ko.
"Hindi ba natin tatawagin si Memphis?" tanong nito habang lumilingon sa lugar nina Memphis.
"Hindi na," walang emosyon kong sagot. "Hayaan mo siyang magsaya."
Hindi na sumagot si Xio kahit ramdam kong may gusto pa itong sabihin. Halata naman na naguguluhan ito sa inaakto ko pero sa ngayon, sa akin na lamang muna kung bakit ako nagkakaganito.
Bumaba kaming dalawa at diretsong pumunta sa canteen. Pumila kami para makabili na ng makakain. Habang naghihintay ay binomba naman ako ni Xio ng tanong.
"Umamin ka nga sa akin, Runo," sabi bigla ni Xio na ikinalingon ko rito. Nakakunot naman ang noo nito sa akin.
"Ano namang aaminin ko?" nagtatakang tanong ko rito. Humakbang naman kami paunahan ng umabante ang pila.
Umayos ito ng tayo bago nagtaas ng kilay at pumamewang sa harap ko. "Ano nga ba, Runo?"
"Ano nga ba?" pagbabalik ko rito ng tanong. "Naguguluhan ako sa iyo. Pwede mo naman akong diretsuhin."
"Nagseselos ka ba?" tanong nito na kinakabog ng nananahimik kong dibdib.
"Nagseselos? Saan? Kanino?" mahinahon kong tanong kahit sa loob-loob ko ay nagpa-panic na ako.
"Kina Memphis," maikling sagot nito na ikinalaki ng mga mata ko. "Dahil sa totoo lang, nahihiwagaan ako sa mga kinikilos mo ngayon. Parang may iniiwasan kang makita. Nagseselos ka ba talaga?" Tinitigan naman ako nito sa mata. Kita ko roon ang interes, seryoso at nagtatanong na tingin.
Nag-iwas ako ng tingin sa nagtatanong nitong mga mata. Naramdaman kong mas dumoble ang kaba na kanina pa nasasarapan sa pamamalagi sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang malamig na pawis na gumuguhit sa aking likod.
"Oh, my God!"
Napatingin ako kay Xio na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin.
"B-bakit?" nauutal sa kaba na tanong ko rito.
"Nagseselos ka nga!" Nakaturo pang puna ni Xio. Mayamaya pa ay naningkit ang mga mata nito sa akin. "May gusto ka doon sa babae, ano?!"
Lahat ng kaba na nararamdaman ko ay parang tinangay ng baha. Napatingin ako rito gamit ang ekspresyong nawawalan ng gana na kausap ito.
Kumunot ang noo nito at halos magsalubong ang mga kilay nito sa pagtataka. Ilang segundo ang tinagal ng titigan namin bago nagbago ang ekspresyon nito. Parang natuwa ito sa natuklasan.
"Nagseselos ka nga," sabi ni Xio habang nakangisi na nakakaasar. "I didn't see it coming."
"Huh? Pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong rito. Humakbang uli ako paabante ng gumalaw ang pila.
"Nagseselos ka---"
I suddenly couldn't hear Xio when I saw who entered the cafeteria. Nakita ko na magkasama pa rin sina Memphis at ang babae niya. Nag-uusap pa rin sila pero hindi ko alam kung tungkol saan. Halata sa mukha ng babae na masaya siya habang kausap si Memphis.
Gano'n din naman si Memphis. Hindi man ito ngumiti ay maaliwalas naman tingnan ang blanko nitong mukha.
Seriously speaking, nakaramdam ako ng inggit. Sa isang taon naming magkasama ni Memphis, I never saw him that relax. I always saw him tensed, alert, and serious. Hindi rin kami ganoong nag-uusap kung hindi ko pa siya kukuliting kausapin ako.
"I see."
Napatingin naman ako kay Xio na nakatingin din sa tinitignan ako. Napatingin naman ito sa akin na seryoso ang mukha pero may awa sa mga mata.
"Nagseselos ka nga. Dahil gusto mo si Memphis."
Hindi naman ako nagulat sa sinabi nito. Nginitian ko na lamang ito ng malungkot bago sabay kaming tumingin sa direksyon ni Memphis.
"Oy, ano na?!" biglang sigaw ng isang lalaki na nakapukaw ng atensyon namin ni Xio. "Kanina pa gumalaw ang pila! Umabante naman kayo!"
Humingi na lamang kami ng pasensya rito at saka umabante. Nagulat ako nang bigla akong mahinang t-in-ap ni Xio sa balikat bilang simpatya. Na-appreciate ko naman ito habang umiiyak sa aking isip.
BINABASA MO ANG
Crown 3: And We Run
AventuraHighest achievement: Rank #43 on Adventure Category (As of 01/06/18) (CROWN - Book 3) Pagtatago, iyan ang naisip na paraan ni Ronan Benson para hindi siya matagpuan ng mga taong humahanap kanya. Pinalitan niya ang kanyang ngalan at nagpapalit-palit...