Chapter 5

512 20 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABILIS na lumipas ang oras at halos isang taon na rin ang nagdaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABILIS na lumipas ang oras at halos isang taon na rin ang nagdaan. Gayunpaman ay patuloy pa rin kaming nagtatago dahil kahit ganoon na karaming araw ang lumipas, patuloy pa rin kaming pinaghahanap ng iba naming kamag-anakan. Nalaman ko ring nagtatago rin pala ang parents ko. Si Papa sa Japan at si Mama sa South Korea, ayon na rin si plano ni Lolo.

Isang beses sa isang buwan rin kami kung magkita ni Yoran para makibalita sa nangyayari isa't isa. Minsan naman ay buong araw lang kaming magkatabing nakaupo habang nasa tapat ng TV.

Sa loob din ng isang taon, si Memphis lang ang lagi kong kasama kahit saan ako magpunta. Katulad ngayon kung saan nasa harap kami ng malaking gate ng Crown Academy.

"Siguro dito ay magtatagal na tayo," narinig kong sabi ni Memphis na ikinatango ko naman.

Sa nakalipas kasing isang taon ay nagpapalipat-lipat kami ng lugar. Nalalaman na lang kasi namin na nagkakaroon ng lead ang mga naghahanap sa amin kung nasaan kami. Nakakapagod na ring tumakbo ng tumakbo. Napili namin ang Crown Academy dahil dorm school ito. May matutuluyan kami kahit papaano. Plus hindi rin basta nakakapasok ang mga outsider.

"Naayos na rin naman ni Sir Matteo lahat ng files natin e," sabi pa ni Memphis bago naglakad palapit ng gate. "Madali tayong makakapasok."

Mabilis naman akong sumunod sa kanya at tumabi sa paglalakad. "Sana talaga ito na. Napapagod na akong tumakbo."

Hindi naman siya kumibo na nakasanayan ko na.

Pumasok kaming dalawa sa malaking gate at nabungaran ako ang naggagandahang building ng Crown. Halata ang karangyaan ng eskwelahan sa bawat sulok nito.

Nagpalinga-linga ako dahil sa ganda ng lugar. Ngunit nakaramdam din agad ako ng kaba nang mapansing hindi ko na alam kung nasaan ako at wala na rin si Memphis sa harap ko.

"Memphis?"

Hinanap ko si Memphis sa likod ko at sa kung saan makakaabot ang aking paningin. Pero ni anino niyo ay hindi ko na makita.

Naglakad-lakad uli ako sa pag-asang mahahanap ko si Memphis pero wala akong makitang tao

"May hinahanap ka?"

Crown 3: And We RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon