"ANO NANG ganap?!"
Napatingin ako kay Xio na kasalukuyang nakahiga sa kama nito. Halatang naiinip na ito dahil wala kaming magawa kahit na Sabado ngayon.
"Ang boring naman ng araw na 'to!" sigaw pa nito habang tinataas ang mga kamay at paa tapos ay pagod na ibabagsak din ito.
Hindi ko naman ito pinansin dahil busy rin ako sa pagbabasa ng libro. Doon ko na lamang tinuon ang sarili ko kaysa maisip ko pa ang mga nagyayari nitong mga nakaraan.
Minsan ko na lamang makasama si Memphis. Lagi niyang kasama si Ashley, ang babaeng pinopormahan niya. Kung kasama ko naman siya ay sandali lang dahil nasa tabi na uli siya ni Ashley.
Seriously, nakakainggit. Nakakaselos. Nakakairita. Minsan gusto ko na silang guluhin para lang kahit minsan, maghiwalay naman sila. Pero hindi ko ginawa. Ang mahalaga ay masaya si Memphis.
Mahalaga na masaya si Memphis, oo, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako nasasaktan. Tuwing magkahawak sila nang kamay, gusto kong kumuha ng taga sa sobrang sakit tapos pututulin ko ang kamay ni Ashley. Sa sobrang sakit, gusto ko na lamang maiyak pero hindi ko magawa kasi kailangan kong ipakita na masaya ako para sa kanila.
Ilang araw na nga bang ganito ang sitwasyon namin? Halos mag-iisang buwan na rin.
"Runo!"
Nagulat ako nang lumundag si Xio sa kama ko. Bigla rin itong umupo sa tapat ko habang malapad ang mga ngiting binibigay sa akin.
"What do you want?" nagtatakang tanong ko rito na mas kinalapad ng ngiti nito.
"Samahan mo ako." Yumukod ito palapit sa akin. "Let's go to the mall."
"You know that I don't like going to malls," sabi ko sa kanya habang ang atensyon ay ibinalik ko na sa libro.
"Please, Runo! Wala talaga akong magawa e. Baka magbigti na lang ako dito dahil sa boredom," patuloy nitong pamimilit sa akin.
Napabuntong-hininga naman ako at sinarado ang librong binabasa ko. Pilit na tumango naman ako dito na ikinatuwa nito at nagtatalon sa kama ko.
Napaikot na lamang ako ng mga mata pero nangingiti sa reaksyon. Kailangan ko rin sigurong lumabas at mag-unwind.
BINABASA MO ANG
Crown 3: And We Run
AventuraHighest achievement: Rank #43 on Adventure Category (As of 01/06/18) (CROWN - Book 3) Pagtatago, iyan ang naisip na paraan ni Ronan Benson para hindi siya matagpuan ng mga taong humahanap kanya. Pinalitan niya ang kanyang ngalan at nagpapalit-palit...