Chapter 1 √

2.2K 31 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANO NANG gagawin natin, Ronan?" tanong sa akin ng kakambal kong si Yoran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANO NANG gagawin natin, Ronan?" tanong sa akin ng kakambal kong si Yoran. "Nakita mo naman kung paano tayo tingnan kanina nina Tito't Tita, 'di ba?"

Tumango ako sa tanong nito pero nanatiling nakatingin lang sa kisame.

"Ronan, halata sa kanila na may gagawin silang hindi natin gusto," sabi nito. Katabi ko ito kasalukuyan sa higaan at mariing nakatingin sa akin. "Hindi naman sa sinisisi ko si Lolo pero sana naman hindi na niya sinabi iyon sa harap ng mga kamag-anakan natin na alam naman nating ganid at makasarili."

Bigla kong naalala ang mga nangyari kanina at kung ano ang kinakatatakot namin ng aking kapatid.

"Ronan, tara na! Dad is waiting!"

Nagmadali naman akong mag-ayos sa harap ng salamin dahil sa sigaw ni Yoran sa ibaba. Huling sulyap sa aking suot na pink polo, brown fitted pants, at blank na sapatos, napangiti ako at inaprubahan ang sariling porma.

Mabilis naman akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa ng bahay. Sinalubong naman ako ng kapatid kong naghihintay sa akin. Nakasuot ito ng loose white shirt na may print na 'Be Happy', black shorts, black framed eyeglasses, at black na sapatos. Hindi man ito palangiti ay hindi naman ako nito pinagdamutan ng ngiti.

Agad itong umabrisiyete sa akin noong nakalapit na ako. Nagkuwento naman ito sa mga nangyari sa kanya sa buong araw bago kami magkita. Hindi kasi kami magkasama sa iisang bahay. Kasama ko ang Mama namin at kasama naman nito ang Papa namin.

Isang bagay na ayaw ko sa mga nangyari.

Matagal na nang maghiwalay ang mga magulang namin dahil umpisa palang naman ay hindi naman nila mahal ang isa't isa. Biktima sila ng arranged marriage. Gayunpaman, ginawa nila ang kanilang makakaya para manatili kaming buo bilang isang pamilya. Pero unang naging marupok aming ama. Nagkaroon ito ng kalaguyo, na ngayon ay asawa na nito, na ikinasakit ng damdamin ng aming ina dahil nahuhulog na pala ang loob nito sa kanilang ama. Dahil natural na mapagparaya, pinakawalan ng aming ina si Papa pero hindi na uli ito nag-asawa. Pinaghatian nila ang kustodiya sa aming dalawa ni Yoran nang hindi pumayag ang dalawang kampo na mapupunta ang dalawa sa iisang kampo lamang.

"Where's your mom?" tanong sa akin ni Harold Benson, ang aking ama, nang makapasok kami ni Yoran sa loob ng kotse.

"She's still at work," casual kong sagot. "But she'll go to the hospital after her shift."

Tumango-tango naman si Papa at saka nagsimulang mag-drive papuntang ospital.

Throughout the ride, boses lang ni Yoran ang maririnig. Nakatingin rito si Papa habang nakangiti. Masaya. Kasi simula ng maghiwalay sila ni Mama at pinaghiwalay nila kami ay hindi na naging palakibo si Yoran at naging aloof na rin sa ibang tao. Sa akin lang ito biglang nagbabago.

Nakarating kami sa ospital at mabilis na ipinarada ni Papa ng kotse. Umakyat kami sa tenth floor ng building dala ang bouquet ng puting rosas at mga prutas. Nang makarating sa kwarto ng aming Lolo Andrew ay mabilis kaming sinalubong ng mga mata.

"Mga apo!" masayang bati ni Lolo Andrew na ikinataka naman ng iba nilang kamag-anak. Hindi kasi nakakaintindi ng Tagalog.

"Lolo!" masayang bati rin namin dito at yumakap rito.

Nangamusta lang ito sa saglit sa amin habang ang iba naming pinsan ay nakatingin lang sa amin ng may halong inis at inggit. Hindi naman kasi tago sa aming pamilya na kami ni Yoran ang paborito ni Lolo sa lahat ng apo niya. Matagal na kasi itong naghahangad ng kambal pero hindi biniyayaan. Kaya ng ang kanyang bunsong anak na si Harold, my father, ang nagkaanak ng kambal, naging masaya ito at naging paborito kami.

Maya-maya pa ay naging seryoso ang mga mukha nito. Inikot nito ang paningin at isa-isang tiningnan ang mga tao sa kwarto.

"I'll go straight to the point why I call you all here," simula nito na ikinatigil ng lahat at umayos ng upo at tayo. "You all know I won't be living any longer. That I am dying."

Nakaramdam ako noon ng lungkot at bara sa aking lalamunan ng marinig namin iyon. Alam naman naming lahat. Na-diagnose kasi itong may stage four prostate cancer.

"But I want all of you to know that I hid my wealth somewhere I couldn't remember." Nagkita kong nagkatinginan ang mga tita't tito ko. Nagtataka. Nalilito. Naguguluhan. Interes. Kasakiman. "But one thing is for sure..."

Nakangiting tumingin bigla si Lolo sa aming dalawa ni Yoran.

"...the map to where the hidden wealth is Ronan and Yoran."

Napatingin ang lahat sa aming mga naguguluhan at gulat na ekspresyon. Pati ang aming mga kamag-anak ay nakakunot-noong nakatingin sa amin. Nalilito. Nagtataka. Nagtatanong. Naiinis. Naiinggit.

"Natatakot ako, Ronan," biglang sambit ni Yoran na ikinabalik ko sa kasalukuyan.

"Huwag kang mag-alala. Sabi ni Papa, mag-iisip raw siya ng paraan."

"Pero hindi ko maintindihan, Ronan. Paanong tayo ang mapa? Paanong tayo ang magtuturo sa kinaroroonan ng nakatagong kayamanan ni Lolo?"

"Hindi ko rin alam, Yoran. Hindi ko rin alam."

Pero sa totoo lang, napapaisip rin ako. Namomoreblema sina Mama at Papa kanina dahil nag-iisip sila kung paano kami ilalayo. Hindi rin nila alam kung paanong kami ang sagot sa nakatagong kayamanan.

"Nasa pangalan kaya?" naaalala kong tanong ni Mama kay Papa. "'Di ba si Papa ang nagpangalan sa kambal?"

"Maaari," sagot naman noon ni Papa habang nakapatong ang mga siko sa nakabukakang tuhod. "Maaari rin sa tattoo na pinalagay niya sa kambal noon."

Napakapa ako sa tattoo ko sa bandang kanan ng aking baywang. Isang simbolo ng araw. Napatingin ako sa kakambal kong ngayon ay tulog na. Meron rin itong tattoo sa kaliwang baywang. Isang simbolo ng buwan.

Araw at buwan - katulad ng personality naming dalawa ni Yoran. Ako ang madaldal, makulit, at palangiti; siya naman ang tahimik, suplado at mas gusto pang mag-isa. Nagiging baliktad lang kami kapag magkasama dahil kapag nagdaldal na ito, mas gugustuhin ko pang manahimik at makinig. Minsan lang kasi ito magsalita.

Hindi ko maiwasang hindi ipagdasal na sana ay makaisip na agad sina Papa ng hakbang para makalayo dahil alam kong habang nagtatagal kami rito sa Idaho ay nagpaplano na ang iba naming kamag-anakan kung paano kami kukuning kambal.

Nakakabahala. Nakakakaba. Hindi ako mapakali dahil hindi mo kilala kung sino ang kakampi at kalaban.

Sana panaginip na lang ito...

Crown 3: And We RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon