2 (Iris)

8.1K 319 9
                                    


Napangisi siya ng makitang luminga-linga ulit ito sa paligid. Maya't-maya rin ang paglingon nito sa likuran. Gusto niyang matawa sa sobrang kapraningan nito.

Kung hindi ba naman kasi ito tanga at sinubukan pang magpaka-bayani, edi sana hindi ito mapa-paranoid ng ganoon.

Napapansin din niya ang paghinga nito ng maluwag tuwing makikitang walang mga naka-uniform na mukhang bouncer sa paligid nito.

Napaka-tanga. Ano ba ang iniisip nito? Na mga tauhan ng Mayor ang mismong uutusan nito? Malamang na maghahanap ng tao ang Mayor na walang kinalaman sa pangalan nito. Hindi nito hahayaang sumabit ang pangalan nito.

Napailing siya. Kung alam lang nito na kanina pa padaan-daan sa harap niya ang bangungot niya.

Hindi nga rin ito makapag-trabaho nang maayos. Masyado na ring halata ang pagiging tense nito. Mukhang anytime ay hihimatayin na ito sa kaba. Dalawang-araw na itong ganoon. Simula noong subukan nitong magsumbong sa pulis.

Tatanga-tangang lalaki. Kung tinanggap na lang din nito ang pera, edi wala na sana itong problema.

Naalala niya tuloy ang tawag sa kaniya ng Mayor.


"Ten million, patahimikin mo ang lalaking iyon." Bungad agad ng kausap sa kabilang linya. "Siguraduhin mong wala siyang mailalabas na kahit anong makakasira sa kandidatura ko."

"Malinis akong mag-trabaho." Maikling sagot niya.

"Sabi nga nila. Pwede ko bang makita ang itsura mo. Para alam ko kung sino ang pinagkakatiwalaan ko." Sabi nito. Napangisi siya. Walang nakakaalam ng pagkatao niya. Kahit ang boses niya ay iba. Gumagamit siya ng voice machine.

"It's either you'll trust me, or maghanap ka ng ibang magta-trabaho para sa'yo. Pero hindi ko ipapaalam kung sino ako." Sagot niya rito.

"Okay. I'll just send the money to your account. Patahimikin mo ang lalaking 'yon." Sabi nito at binabaan niya na ito ng tawag.


That Mayor is involve in Drugs and Corruption sa bayan nila. Ito rin ang dahilan ng sunud-sunod na patayan sa bayan nila. Pero wala man lang kaalam-alam ang mga tao maliban sa target niya ngayon.

Pinagmasdan niya ang target niya na ngayon ay may bitbit na washing machine papunta sa sasakyan ng customer.

Matangkad ito at kayumanggi ang balat. At malaki ang katawan nito na halatang matagal ng banat na banat sa trabaho. Maamo rin ang balisa nitong mukha. Gwapo sana ito. Kaya lang hanggang ngayong araw na lang ang itatagal ng buhay nito.

Tinignan niya ulit ang target niya bago pumasok sa loob ng kaniyang kotse.

"See you later, Gregory Constantino."




-----




Tahimik na nagmamasid lang siya sa target niya na ngayon ay nagsasara na ng shop. Tuwing tumitingin ito sa likuran at lumilinga sa paligid ay hindi niya mapigilan ang mapangisi.

That's smart of him. Kaya lang ay wala rin naman itong magagawa. Hindi nga ito makaramdam ng panganib.

Ni hindi man lang nito maisip na puwedeng ang babaeng nakatayo ngayon sa ilalim ng streetlight ang magiging dahilan ng pagkamatay nito.

Sinundan niya ito mula sa malayo ng makitang nagsimula na itong umalis.

Kanina pa niya napapansin na may itim na sasakyan na nagbabantay rin dito. Alam niyang mga tauhan iyon ng Mayor.

Deadly Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon