Epilogue

7.5K 342 45
                                    


After 5 years...



"Congrats, Kuya!" Sabay na sabi ng dalawa niyang kapatid. Dinumog pa siya ng mga ito ng mahigpit na yakap.

Natatawang ginulo niya ang buhok ng mga ito. Dalaga na ang dalawa niyang kapatid. Hindi na nga rin biro ang mga nakikita niyang umaaligid sa mga ito.

"Salamat." Nakangiting sabi niya ng bumitiw na ang mga ito sa pagkakayakap.

Malaki ang ngiti na sinalubong siya ng nanay niya. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Congrats, anak." Sabi nito.

"Salamat po sa lahat, nay. Para sa inyo 'to." Naiiyak na sabi niya.

Nakita niya ang pangingislap ng mga mata nito. Alam niyang masayang-masaya ito na nakapagtapos siya ng pag-aaral.

Naalala niya na naman ang mga nangyari. Matapos mahatulan ng guilty ang Mayor ay sunud-sunod na tulong ang natanggap niya kapalit daw iyon ng katapangan niya.

Isa na nga roon ay ang scholarship na ipinagkaloob sa kaniya ng Pamahalaan.

At nakapagtapos siya sa kursong Criminology.

"Dugo at pawis mo 'yan, anak. Masaya 'ko para sa'yo." Naluluhang sabi nito.

Inakbayan niya ito at pinisil ang balikat ng nanay niya. "Para sa'tin 'to, nay." Sabi niya rito.

"Pulis ka na, kuya! Big time ka na!" Sabi sa kaniya ng kapatid niyang si Gemmalyn.

Natawa siya sa tinuran nito. "Hindi pa ako, pulis." Natatawang sagot niya rito.

"Sus! Ganoon na rin 'yon. Magiging pulis ka pa rin." Sagot nito.

"Oo nga! At ikaw ang magiging pinakamagaling na pulis sa lahat!" Sabad naman ni Georgina.

Ginulo niya ang buhok ng dalawang kapatid. "Nambobola pa kayo! May kailangan kayo 'no?!" Natatawang sabi niya sa mga ito.

"Wala ah!" Defensive na sagot ng mga ito bago nagkatinginan. "Actually, dagdag baon lang sa pasukan ang gusto namin." Pahabol ni Gemmalyn.

Natawa sila ng nanay niya. Kahit kailan talaga ang mga kapatid niya.

"Constantino!" Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. Malaki ang ngiti na lumapit ito.

"Grace." Bati niya rito. Kaklase niya ito.

"May party mamaya. Umattend ka naman." Sabi nito sa kaniya. Binati rin nito ang pamilya niya. Katakot-takot tuloy na sundot at patagong pang-aasar ang nakukuha niya sa dalawang kapatid niyang babae.

"Oo nga, kuya. Sumama ka na." Panggagatong ni Gemmalyn.

Napakamot siya sa ulo. "Please. Pagbigyan mo na 'ko. Ilang beses mo na 'kong nire-reject ah. Kahit ngayon lang. Magkakahiwalay na rin naman tayo pagkatapos nito." Kunwari ay nagtatampong sabi nito.

Ilang beses na siyang niyayang lumabas ni Grace, kaya lang ay lagi siyang nagdadahilan dito. Hindi niya makalimutan si Iris. Kahit limang-taon na ang nakalipas, sariwa pa rin sa puso at isip niya ang lahat.

"Sumama ka na, kuya!" Pangungumbinsi pa ni Georgina.

Napalinga siya sa paligid. Hoping that Iris would show up. Pero alam niyang hindi na mangyayari iyon.

Ilang presinto at bilangguan na ang pinuntahan niya. Ilang pulis na ang tinanong niya. Pero walang makapagturo kung saan ito dinala.

Parang bigla na lang itong nawala na parang bula. At wala na siyang balita na natanggap mula rito.

Deadly Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon