"Hoy! Bangon!" Sigaw sa kaniya ng isang tauhan ng Mayor. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya, kaso ang kaliwa ay hindi niya na maibuka pa.
Pakiramdam niya ay namamaga na iyon. Masakit man ang katawan sa pambubugbog ng mga ito ay pinilit niyang bumangon.
Nakita niyang seryosong pinapanuod siya noong Leon. Ang kaisa-isahang tao na itinuring ng pamilya ni Iris.
Malamig ang sahig na tinulugan niya. Wala na rin siyang damit na suot. Simula ng dinala siya sa kung saan man ng mga tauhan ng Mayor kahapon, hindi na nag-aksaya pa ang mga ito ng oras para pahirapan siya, kagaya nga ng utos ng amo ng mga ito.
Nagugutom at nauuhaw na rin siya. Pagod na ang katawan niya. Gusto ng magpahinga ng katawan niya, pero ang puso't-isip niya ay ayaw pa. Ayaw pa niyang mamatay.
"Sige na, iwan niyo na muna kami. Magbantay kayo sa labas." Utos noong Leon sa mga tao ng Mayor. Nagkatinginan ang mga ito.
"Hindi puwede. Kailangan naming makasiguro na gagawin mo ang napagkasunduan niyo ni Bossing. Buhay ng tao mo, kapalit ng buhay ng lalaking ito." Sagot ng isa sa mga ito.
Hinarap ito noong Leon. "Malinis akong trumabaho." Madiin na sabi nito.
"Ganyan din ang sabi noong tao mo kay Bossing. Pero anong nangyari? Trinaydor siya." Sagot ulit nito.
Sumeryoso si Leon. "Seryoso ako sa business ko."
"Sige na. Saglit lang ha. Dito lang kami sa labas ng pinto." Sabi noong isa.
Tinanguan ng mga ito si Leon bago nakangising tinignan siya. Ang isa pa nga sa mga ito ay iminuwestra ang hinlalaki na parang gigilitan siya ng leeg. Hindi siya tanga. Alam niya ang ibig sabihin noon.
Mamamatay na siya.
-----
Nanghihina na sumandal siya sa pader. Palakad-lakad sa loob si Leon na tila may malalim na iniisip. Ilang sandali pa ay tumayo ito sa harapan niya.
Napalunok siya ng makita ang galit sa mga mata nito.
"Dapat unang gabi pa lang pinatay ka na ng Mayor. Edi sana hindi kami namroblema ng ganito." Malamig na sabi nito.
"S..si Iris? Kamusta si Iris?" Hindi niya mapigilang itanong dito.
Tinitigan siya nito ng masama. "Nakauwi na sa'min. At hindi na kayo ulit magkikita pa." Madiin na sabi nito.
"Hindi mo naman siya sasaktan 'di ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"May mga kabayaran ang mga kasalanan." Makahulugang sagot nito.
Sinalubong niya ang mga tingin nito. "Bakit ako nagbabayad kung ganoon? Wala naman akong kasalanan. Wala ring kasalanan si Iris." Sagot niya rito.
Halos maputol ang paghinga niya sa ginawa nito. Mabilis na pinilipit ng mga kamay nito ang leeg niya. Habang nakasandal sa pader ang likod ay inangat nito ang katawan niya sa sahig habang sinasakal.
Kahit anong palag niya ay hindi siya makapalag. Bukod sa malakas ito, nanghihina na rin siya.
Nang pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng hininga ay bigla siya nitong binitiwan. Nanlulumong bumagsak siya sa sahig.
Sunud-sunod na pag-ubo at paghinga ng malalim ang ginawa niya.
"Dahil sa'yo, naging mahina si Iris. Nawala siya sa sarili niya. Kasalanan mo 'yon!" Galit na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Deadly Romance (completed)
Action-COMPLETED- ---- She's a hired killer. She was hired to kill him. He is her target. He was supposed to be dead. Isang lalaking hindi sinasadyang masaksihan ang isang krimen. Isang babaeng binabayaran para pumatay. But fate has other plan. Who would...