19 (Greg)

5.6K 260 11
                                    


Nang marinig nila ang sunud-sunod na putukan ng baril sa labas, alam niya, walang pagdududa, na dumating si Iris para iligtas siya.

Noong una ay hindi niya alam kung matutuwa ba siya. Ligtas na sana ang buhay nito, kaya lang heto na naman at inilalagay nito sa alanganin ang buhay para sa kaniya.

Hindi niya makakalimutan ang itsura ng tauhan ng Mayor ng bigla itong pumasok sa kuwarto na pinagtataguan sa kaniya.

Halata ang pagkabahala at takot sa mukha nito.

Marahas pa nga siyang kinuha nito at tinutukan ng baril sa ulo bago kinompirma ang suspetsa niya. Na nasa labas nga si Iris para kuhanin siya.

At ng makita niya ang mukha nito, ang pag-aalala, ang takot para sa kalagayan niya, alam niyang pareho sila ng nararamdaman.

At kahit ilang mamamatay-tao pa ang humarang sa kanila, ilang kamatayan, ilang pagbabanta, walang makakapigil kay Iris.

Sa maikling panahon na nakasama niya ito, alam niyang gagawin lahat ni Iris para sa taong mahal nito. Kahit pa kapalit ng buhay nito.

Noong sinabi niyang mahal niya ito, hindi na siya umaasa ng sagot. Hindi na nito kailangang sabihin. Hindi mo naman isusugal ang buhay mo para sa taong hindi naman mahalaga sa'yo.

Pero ng marinig niya mula rito na mahal rin siya nito, gumaan ang pakiramdam niya.

Mamatay man siya, atleast hawak nito ang kamay niya. Hawak-hawak ng madiin. Hawak na ayaw siyang bitiwan.

Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na mamatay ng kasama ang taong mahal mo at nagmamahal sa'yo.

Kung may maganda mang nangyari sa masaklap na kilalagyan niya ngayon, iyon ay ang malamang may isang taong nagmamahal sa kaniya ng sobra.

At katulad niya, handa rin itong mamatay kasama siya.

Sabi nila, kung totoong mahal mo ang isang tao, handa kang mabuhay, at hindi mamatay para sa kaniya.

Sa sitwasyon nila, wala ng ibang pagpipilian.

Huminga siya ng malalim at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito.

Handa na siya. Ginawa niya na ang lahat. Lumaban siya. Lumaban sila. Hindi sila mamamatay ng wala lang.

Nakapikit man ang mga mata ay nararamdaman niya pa rin ang pagtulo ng mga luha niya.

Kung puwede lang sanang siya na lang. Mas gusto niyang siya na lang. But knowing Iris, hindi ito papayag.

"I'm sorry, Iris." Narinig niyang sabi ni Leon.

Dalawang magkasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng dating bahay ng Mayor.

And for the first time, nangibabaw na ang katahimikan.




-----




Hinihintay niya ang pagtama ng bala sa kaniya. Kanina pa. Mga ilang segundo na rin ang lumipas simula ng magkasunod na pagputok ng baril.

Isa-isa niyang idinilat ang mga mata niya. Tinignan niya kaagad si Iris.

Nakatingin ito ng diretso kay Leon na ngayon ay nakatutok ang baril sa naghihingalong tauhan ng Mayor.

Napalunok siya. Anong nangyayari? Hindi sila pinatay nito? Bakit?

Napansin niyang may tama rin ito sa tiyan, ngunit hindi nito iyon iniinda.

Deadly Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon