5 (Greg)

7.6K 307 9
                                    


"Hoy lalaki bumangon ka na diyan!" Sabi ng boses na kanina pa ginugulo ang tulog niya. Tinalikuran niya ang kung sinuman na nanggigising sa kaniya.

"Kapag hindi ka pa bumangon ngayon, papaagusin ko ang dugo diyan sa ulo mo!" Sigaw nito. Napabalikwas siya ng bangon dahil sa narinig.

Napako agad ang paningin niya sa babaeng nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kaniya.

Napalunok siya.

Hindi dahil sa nanlilisik nitong mga mata, kundi dahil sa nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang basa nitong buhok.

Alam niyang mukha siyang tanga, or worse baka manyakis pa habang nakatingin rito.

"Mag-asikaso ka na. Alas-nuwebe na. Aalis na tayo." Sabi nito sa kaniya at tinungo ang kamang tinulugan nito. Nagulat siya ng may ihagis ito sa kaniya.

Damit at pantalon.

"Kapag hindi ka pa tumigil kakatitig sakin, dudukutin ko na 'yang mga mata mo!" Banta nito sa kaniya. Mabilis na nag-iwas siya ng tingin.

"Mag-asikaso ka na!" Sigaw nito. Nagmamadali siyang tumayo.

"Ah... Saan ka nakakuha ng mga damit?" Tanong niya rito ng mapansing may isang set rin ng damit ito sa kama.

"Kinuha ko lang diyan." Simpleng sagot nito.

"Saan?" Tanong niya.

"Sa kabilang kwarto lang." Balewalang sagot nito.

"Ninakaw mo?!" Di-makapaniwalang sabi niya.

"Yeah. So?" Balewalang sagot nito.

"Nagnakaw ka!" Malakas ang boses na sabi niya. Naniningkit ang mga mata na tinignan siya nito.

"Oh? Ano naman ngayon?" Tanong nito.

"Hindi magandang magnakaw! Hindi mo dapat 'yon ginawa!" Pangaral niya rito. Tinignan lang siya nito na para siyang isang nilalang na nanggaling sa ibang planeta.

"Pumapatay nga ako ng tao 'di ba? Ano ba naman 'yong magnakaw lang ng damit? Hindi ko naman pinatay ang may-ari." Sagot nito sa kaniya. Napalunok siya. Oo nga naman. Nawala sa isip niya. Hindi na siya nakasagot.

"Bilisan mo ng kumilos. We need to leave." Sabi nito sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya rito.

"I don't know." Sagot nito.




-----




Bumili lang sila ng pagkain sa grocery malapit sa isang gas station matapos nilang magpa-fulltank.

Sa biyahe na lang rin sila kumain ng almusal.

Hindi niya alam kung hanggang kailan sila mabubuhay ng ganoon. Nagtatago at tumatakas.

Paano na ang pamilya niya? Wala na siyang trabaho. Paano na ang pag-aaral ng mga kapatid niya? Paano siya makakauwi sa pasko? Isang linggo na lang at magpapasko na. At malaki ang posibilidad na hindi niya na ulit makasama pa ang pamilya niya.

Ang pamilya niya. Bigla tuloy may pumasok na ideya sa isip niya.

"May pamilya ako. Baka balikan nila ang pamilya ko." Biglang nasambit niya rito. Napasulyap lang ito saglit sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Obviously." Maikling sagot nito. Di-makapaniwalang napatingin siya rito.

"Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong niya. Napabuga ito ng hangin bago nag U-Turn.

Deadly Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon