Nakaupo lang sila sa isang Cafe habang hinihintay ang kikitain nila. Sa kabila ng sitwasyon nila, nae-enjoy niya naman ang cold chocolate drink na iniinom niya.
Ngayon lang kasi siya nakapasok sa ganoon. Kung mamamatay man siya, atleast nakakain muna siya ng masarap.
Pasimpleng sinulyapan niya si Iris na nakaupo sa harap niya. Ka-text nito ang kikitain nila. Hindi niya maiwasang mapatingin sa bibig nito tuwing sumusubo ito ng Red Velvet na cake na inorder nito.
Hindi niya talaga kayang pigilan ang sarili na humanga sa kagandahan nito. Maganda naman kasi talaga si Iris. Napabuntong-hininga siya ng maalalang hindi nito hinahayaang may mapalapit dito.
Uminom ulit siya sa chocolate drink niya ng mapansing wala na pala iyong laman. Mukhang tapos na ang saglit na kaligayahan niya.
Iniisip niya tuloy kung uubusin niya na ang natitirang pera para umorder pa ulit ng isa. Tutal mamamatay na rin naman siya. Bakit hindi niya pa lubus-lubusin ang kaligayahan niya, 'di ba?
Nagulat siya ng biglang maglapag ng one thousand si Iris sa harap niya. Nakatingin pa rin ito sa cellphone nito.
"Umorder ka pa ng sa'yo. Order me a drink like yours too." Sabi nito ng hindi tumitingin sa kaniya. Napangiti siya.
Kinuha niya ang isang libo at pumunta sa counter. Umorder siya ng dalawang cold chocolate drink.
Habang hinihintay ang sukli ay napansin niyang nakatingin sa kaniya si Iris. Nag-iwas din naman agad ito ng tingin.
Pagbalik niya sa table ay inilagay niya ang order ni Iris sa tapat nito at inilapag din sa harap ang sukli at resibo.
"So... Nasaan na siya?" Tanong niya rito. Sinulyapan lang siya nito saglit bago ibinalik ang tingin sa cellphone.
"Malapit na siya." Maikling sagot nito. Napatango na lang siya.
"Bakit nga pala Ex ang tawag mo sa kaniya?" Tanong niya ulit rito at uminom sa chocolate drink niya.
"He's an Ex-convict." Sagot nito. Muntik pa niyang maibuga ang iniinom niya.
"Ex-convict?" Paglilinaw niya.
Tumingin ito sa direksyon niya. "Yeah. Why?"
"Mapagkakatiwalaan ba talaga natin siya?" Kinakabahang tanong niya rito.
Iris crossed her arms at sumandal sa upuan nito habang nakatingin ng seryoso sa kaniya. "Maybe."
"Maybe? Kahapon lang sabi mo mapagkakatiwalaan siya. Tapos ngayon hindi ka na sigurado? Paano kung patibong 'to?" Natatakot na sabi niya.
Tinaasan siya nito ng kilay. "If ever na patibong 'to, patay siya. I told you na makikita mo pa ang pamilya mo, right? You can't trust him. You can't trust anyone. Ako lang."
Napatitig siya rito. "M..may tiwala naman ako sa'yo."
Kahit sandali lang ay hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagsilay ng maliit na ngiti sa mga labi nito. "Good."
Sabay silang napalingon sa pinto ng tumunog ang bell. Sign na may pumasok na customer.
Isang matangkad na lalaki na punung-puno ng tattoo ang braso. Malaki ang katawan nito at halatang-halata iyon dahil fitted ang T-Shirt nitong itim. May envelope din itong dala.
Umikot ang mata nito sa loob ng Cafe bago tumigil sa kanila. Napatingin ito kay Iris. Ngumisi ito. Napatitig siya sa lalaki habang papunta ito sa table nila.
BINABASA MO ANG
Deadly Romance (completed)
Action-COMPLETED- ---- She's a hired killer. She was hired to kill him. He is her target. He was supposed to be dead. Isang lalaking hindi sinasadyang masaksihan ang isang krimen. Isang babaeng binabayaran para pumatay. But fate has other plan. Who would...