"Hoy lalaki. Okay ka lang?" Tanong niya rito ng mapansing kanina pa ito tahimik at tulala.
Mapapatay niya talaga ang Ex na 'yon.
Tumango lang ito bilang sagot. Naiinis man ay pinalampas niya na lang ito. Baka mas ma-trauma ito kapag pinagbantaan niya pa ang buhay nito. Kahit pa biro lang iyon.
Hindi niya maintindihan ang ginawa ni Ex. Kung ano ang gusto nitong kumpirmahin kaya nito ginawa iyon sa lalaking kasama niya.
Mas lalong hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito ng sabihin nitong iba siya. Paanong iba siya?
"Naisip ko sanang bumili ng kotse, or mang-carnap na lang. But I think mas maigi kung mag-commute na lang tayo at makihalubilo sa ibang tao. Mas safe tayo." Pag-imporma niya rito. Papunta sila sa bus station kung saan ang terminal pauwi sa probinsya nito.
Namili na rin sila ng makakain kanina dahil mahaba-habang biyahe iyon.
Tumango lang ulit ito sa kaniya. Naiinis na huminto siya at hinigit ang braso nito.
"Ano ba ang problema mo? Kanina ka pa ah." Naiinis na sabi niya rito.
Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. "W..wala naman. Sorry."
"Tumingin ka sakin!" Sabi niya rito. Hindi siya nito tinignan. "Isa." Pagbabanta niya rito.
Nag-aalangang tumingin ito sa kaniya. "Ano ba ang problema? Sinaktan ka ba ni Ex?"
Umiling ito sa kaniya. "H..hindi. May iniisip lang ako."
"Anong iniisip mo?" Tanong niya rito.
"Ikaw." Sagot nito. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Ako?" Tanong niya sabay turo sa sarili. Tumango ito.
"Bakit mo ako iniisip?" Nakakunot ang noo na tanong niya rito.
Napabuntong-hininga ito at yumuko. "Paano ka? Paano na ang buhay mo? Tama naman 'yong sinabi ni Ex. Ang dami mong isinakripisyo para sa'kin. Hindi naman ako mahalaga."
Napabuga siya ng hangin sa inis. "Kagaya ng sinabi ko kay Ex, desisyon ko 'to. Wag ka ng mag-isip ng kung ano diyan."
"Pero wala akong maipambabayad sa'yo. Wala akong maiaalok sa'yo kapag natapos na ang mga 'to. Paano ka kapag tapos na? Wala ka namang mapapala sa'kin. Wala---" Naiinis na tinakpan niya ang bibig nito at tinignan ito ng diretso sa mga mata.
"Hindi ko kailangan ng bayad mo. Marami akong pera. Just live. Ang kapalit lang na gusto ko ay ang mabuhay ka." Seryosong sabi niya rito. "Mabuhay ka ng naaayon sa gusto mo. Mabuhay ka ng matagal. Mabuhay ka ng kasama ang mga mahal mo."
Tinanggal niya ang kamay niya sa bibig nito dahil naiilang na siya sa pagkakatitig nito sa kaniya.
"Bakit mo 'to ginagawa? Bakit mo 'ko tinutulungan?" Tanong nito sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya. Kahit siya ay hindi niya alam. "Hindi ko din alam."
"Kapag nalagay tayo sa alanganin, ipangako mo sa'kin na sarili mo ang ililigtas mo." Seryosong sabi nito sa kaniya.
Tumaas ang kilay niya. "Ofcourse. Mas uunahin ko ang sarili ko."
"Thank you, Iris." Sincere na sabi nito.
"Tsaka ka na magpasalamat kapag tapos na ang lahat."
-----
BINABASA MO ANG
Deadly Romance (completed)
Action-COMPLETED- ---- She's a hired killer. She was hired to kill him. He is her target. He was supposed to be dead. Isang lalaking hindi sinasadyang masaksihan ang isang krimen. Isang babaeng binabayaran para pumatay. But fate has other plan. Who would...