3 (Greg)

7.9K 345 12
                                    



Alam niyang para siyang bakla na umiiyak ngayon sa harap ng babae na hindi niya naman kilala. Umiiyak sa harap ng babaeng hindi niya man lang makita ang mukha.

Madiin na ipinikit niya na lang ang mga mata habang hinihintay na iputok nito ang baril na nakatutok sa ulo niya.

Ito ba ang kapalit ng paggawa ng tama? Ito ba ang mangyayari sa mga taong gusto lang makatulong sa kapwa?

Please, God. Help me. Ikaw na po ang bahala sa'kin.

Ayun na lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya habang hinihintay ang kamatayan niya. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na sa ganito siya ng paraan mamamatay.

Pero siguro mas mabuti na 'to. Atleast mamamatay siya sa tamang dahilan. Masasabi niyang mamamatay siya ng may dignidad. Kahit pa walang makakaalam noon.

Huminga siya ng malalim at nanatiling nakayuko.

"You're different than them, Gregory Constantino." Sabi nito at naramdaman niya ang pagkilos ng baril palapit sa ulo niya.

Ito na. Katapusan niya na. Hindi niya na ulit makikita ang pamilya niya.

Mas diniinan niya ang pagpikit at hinintay ang katapusan niya.

Narinig niya ang mahinang tunog na pagputok ng may silencer na baril. Natatakot na hinintay niya na lang na ma-absorb ng katawan niya ang sakit. Pero ang tagal niya ng naghihintay ay wala siyang naramdamang tama ng baril.

Idinilat niya ang kanang mata at sumilip. Nakita niyang nakatutok sa likuran niya ang baril. Idinilat niya na ang dalawa niyang mata. Seryosong nakatitig ito sa kaniya. Hindi niya pa rin maaninag ang mukha nito dahil madilim.

Napansin niyang pinatama nito ang bala sa pader. Nagtataka man ay nakahinga pa rin siya ng maluwag. Buhay pa rin siya.

"Bumagsak ka." Sabi nito.

"Ha?" Kinakabahang tanong niya.

"Humiga ka. Magpanggap kang patay. Dalian mo!" Inis na sabi nito. Mabilis siyang humiga. Mahirap na. Baka barilin pa siya nito.

"Huwag kang kikilos." Bulong nito sa kaniya.

Nakita niyang may kinuha ito sa bulsa. Cellphone.

"Mission accomplished." Maikling sabi nito at ibinalik agad ang cellphone sa bulsa nito.

Tumingin ito sa kaniya.

"Parating na sila. Titignan nila kung patay ka na. So I want you to close your eyes. Just close it. Dumilat ka lang pag sinabi kong dumilat ka na." Seryosong sabi nito. "Understand?"

"O..okay." Nauutal na sagot niya.

Mula sa di-kalayuan ay nakita nila ang pagbaba ng mga lalaki mula sa isang itim na sasakyan.

"Close your eyes,Gregory." Narinig niyang sabi nito.

"Ba..bakit mo 'to ginagawa?" Kinakabahang tanong niya. Matagal bago ito nakasagot.

"Ewan ko. Hindi ko din alam." Sagot nito. Narinig nila ang papalapit na hakbang ng mga tauhan ng Mayor.

"Pumikit ka na." Utos nito. Nakita niyang kumuha ito ng bandana at itinakip sa mukha nito. Mata na lang ang nakikita rito.

Kinakabahang pumikit siya. Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya mula sa dibdib niya dahil sa sobrang kaba. He can even hear his own heart beating.

Narinig niya ang paghinto ng mga ito sa pwesto nila. Pinigilan niya ang sariling mangatog ng dahil sa takot.

"Patay na ba?" Narinig niyang tanong ng bagong dating. Hindi niya narinig na sumagot ang babae. Marahil ay tumango lang ito dahil naramdaman niyang sinipa siya ng isa sa mga ito. Pinigilan niya ang mapasigaw sa sakit ng tamaan nito ang sikmura niya.

Deadly Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon